Upcoming Bitcoin fork and your Coins.ph account (Filipino version) – Coins.ph

Upcoming Bitcoin fork and your Coins.ph account (Filipino version)

Coins.ph Summary:

  • Ang upgrade sa Bitcoin network sa August 1 ay ¬†inaasahang magresulta sa isang fork na hahatiin ang virtual currency sa dalawa, ang Bitcoin (BTC) at BitcoinCash (BCC).
  • Ang BTC at PHP sa inyong Coins.ph wallet ay mananatiling safe at secure sa panahon ng pagbabagong ito.
  • Walang planong magsuporta ng BitcoinCash ang Coins.ph sa kasalukuyan, kung kaya ang mga wallet na may BTC habang may fork ay hindi makakatanggap ng BCC.
  • Kung nais mong gumamit o magtransact ng BCC, kinakailangan mong tanggalin ang niyong BTC sa Coins.ph wallet papunta sa alternatibong wallet bago mag 7 AM ng August 1, 2017.
  • Pansamantalang sususpindihin ang mga BTC transaction sa Coins.ph mula 7am ng August 1, 2017 hanggang masiguro namin na ang inyong pondo ay ligtas nang ma-connect muli sa network.

 

Full announcement:

Dear Coins.ph Customer,

Sa paglapit ng pag-update ng Bitcoin Network sa August 1, nais namin kayong bigyan ng status update kung papaano namin ito pinaplanong askyunan sa Coins.ph. Ang seguridad ng inyong pondo ang aming prayoridad, at gusto namin kayong bigyan ng kasiguruhan na ang PHP at BTC niyo na nasa Coins.ph ay mananatiling ligtas at hindi magagalaw sa panahon ng pag-upgrade na ito sa mas pinalawak na Bitcoin network.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari niyong basahin ang sinulat naming blog post na nagpapaliwanag ng mga batayan ng mangyayaring pagbabago.

Lumalaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng fork sa Bitcoin network na magreresulta ng pagabuo ng ikalawang blockchain na tinatawag na Bitcoincash (BCC). Magkakaroon ito ng ibang token na hiwalay sa BTC. Walang plano ang Coins.ph na sumuporta ng BitcoinCash sa panahong ito. Ibig sabihin, ang mga may hawak ng Bitcoin sa kanilang Coins.ph wallet habang at pagkatapos ng fork ay hindi mabibigyan ng BitcoinCash tokens. Hindi rin makakatanggap o makakapagpadala ang kanilang wallet ng bagong tokens na ito.

Kagaya ng ibang nasa industriya, itinuturing namin ang kahit anong hard fork na hindi pinagsangayunan ng buong industriya, at nagresulta ng paghihiwalay ng bitcoin network, bilang isang altcoin at hindi Bitcoin. Hindi isinasaalang-alang rito kung gaano kalakas ang hash power ng forked coin. Ang aming boses ay isa lang sa nakararami, pero ito ay alinsunod sa pananaw ng nakararaming Bitcoin exchanges.

Sa kasalukuyan, wala pang planong magsuporta ng BCC ang Coins.ph. Sa mga customer na gustong gumamit o magtransact gamit ang BCC, kinakailangan nilang tanggalin ang kanilang BTC sa Coins.ph wallet papunta sa alternatibong wallet bago mag 7 AM ng August 1.

Ang mga bitcoin transactions ay pansamatalang susupindihin, simula August 1, 2017 ng 7am, sa pag-epekto ng pagbabago sa network. Magbabalik ito kapag nasiguro na ng aming team na ang inyong pondo ay ligtas nang ma-connect muli sa network. Sa panahong ito, hindi niyo magagalaw ang inyong Bitcoin pero maaari pa rin gamitin ang iba naming services gamit ang inyong PHP wallet.

Ipagpapatuloy namin ang masinsinang pagbabantay sa mga pagbabago sa Bitcoin network. Kung may iba pa kayong katanungan tungkol dito, huwag po kayong mag-atubiling magtanong sa amin. Mag-abang rin po tayo ng mga announcement sa aming official Facebook page sa mga susunod na araw.

 

All of the best,

The Coins.ph Team

 In Announcements, Bitcoin
Recommended Posts