Kung ikaw ay naghahanap ng pamumuhunan sa crypto pero walang ideya kung paano ito gagawin, hindi ka nag-iisa. Ang pamumuhunan sa cryptocurrency ay maaaring nakakatakot na gawain para sa ilan dahil mayroon itong magkakaibang exchanges, napakaraming magkakaibang mga coin, at marami indikasyon na dapat bantayan.
Sa pahayag na ito, tinipon namin ang ilan sa mga importanteng bagay na dapat mong paghandaan at bantayan kapag mamumuhunan ka sa cryptocurrency.
Pagsasaliksik tungkol sa Crypto
Ang isa sa pinaka importanteng mga bagay na dapat mong maintindihan tungkol sa merkado ng cryptocurrency ay ang pagiging bukas nito 24/7, 365 na araw kada taon. Ibig sabihin palagi kang bukas sa merkado at magkakaroon ng pabago-bagong estado ng asset, dahil ang crypto ay maaaring tumaas o bumaba ng 50% - 100% sa isang iglap lamang, hindi lahat ng tao ay kayang masikmura ito.
Ngunit, maaari nating bawasan ang mga possibilidad na ito’y bumagsak o matalo sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol sa mga token o coin na nais nating pamuhunan. Hindi lang ito patungkol sa pagbabasa ng mga pahayag/artikulo tungkol sa mga token o coins, ngunit pati na rin ang pagsasagawa ng mga pundamental at ilang teknikal na pagsusuri.
Pag-unawa kung ano ang ginagawa ng crypto, anong problema ang sinosolusyunan nito, at ang market potential ng problemang sinosolusyunan nito ay makakapagbigay sayo ng ideya kung paano gumagalaw ang crypto sa merkado.
Halimbawa, ang LOOKS ay mayroong NFT marketplace at sa pamamagitan ng pag-stake nito sa marketplace, makakakuha ka ng porsyento ng trading fee mula sa LooksRare trading platform. Kung sa tingin mo ang NFT ay patuloy na magiging popular bilang tanda ng pagunlad ng Web 3.0, maaaring LOOKS ang token na dapat mong bantayan at pagkainteresan.
Kung ikaw naman ay mas hiyang sa smart contracts, ang pamumuhunan sa crypto gaya ng Ethereum o Solana ay maaaring para sayo dahil ang mga proyekto nito ay patuloy na pinapaganda at isinasaayos ng mga developers upang mapabuti pa ang network efficiency nito. At parehong mga blockchain ay mayroon nang maayos na Dapps na maraming tumatangkilik.
Paano magsimulang mamuhunan sa cryptocurrency?
Sa oras na matapos kang manaliksik at alamin ang mga crypto na nais mong pamuhunan, kailangan mo naman ng paraan kung paano makakabili nito gamit ang Fiat, credit card, o maging ng debit card. Gaya ng Coins app, maaari kang mag-convert ng PHP sa ilang pangunahing cryptocurrency gaya ng BTC, ETH, at AXS sa pamamagitan lamang ng ilang simpleng gawain.
Mula dito, pwede mo nang ilipat ang iyong crypto sa Dapp para makabili ka ng token na wala o hindi nakalista sa Coins o maaari mo din itong gawin para malagay ang iyong crypto sa DeFi platform na pinapahintulutan kang kumita ng passive income gamit an staking, yielf-farming, o liquity mining na pamamaraan.
Pagkakaroon ng magkakaibang pamumuhunan sa Crypto (Diversify)
Gaya ng ibang klase na pamumuhunan, ang pagkakaroon ng magkakaiba at hiwa-hiwalay na pitaka para sa magkakaibang gamit nito ay nagbibigay-daan upang ma-diversify ang iyong mga investment na pinoprotektahan ka sa mga biglaang dip na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng halaga ng iyong cryptocurrency, mayroon ka pa ding ibang mga token na maaaring bumawi para sa pagkatalong iyon.
Isang paraan para ma-setup ay iyong portfolio ay ang pagkakaroon ng mga stablecoins gaya ng USDT o USDC bilang backup, ang pagbili ng mga bluechip na crypto gaya ng BTC o ETH na siyang dalawa sa pinakamalaking crypto sa paraan ng market capitalization. Ito ay dapat na nasa cold wallet o hiwalay na account na bihira mo lamang gamitin, na magsisilbing savings wallet mo.
Ang isa namang wallet ay maaaring gamitin mo sa pangangalakal para makapag-trade ka ng crypto, gumawa ng yield farming, liquidity mining, o maging staking. Kapag nakakuha ka na ng kita sa wallet na ito, maaari mo na itong ilipat sa iyong savings wallet. Sa ganitong paraan, palagi kang makakuha ng kita at mapapalaki pa ang iyong crypto balance sa mahabang panahon.
Regular na Dollar-Cost Average (DCA)
Kung ang pangangalakal ay hindi para sa iyo, may iba pang paraan para magamit ang Dollar-Cost Averaging (DCA). Hindi lahat ay may kakayahan na patuloy na bumili sa panahon ng dip at ibenta sa panahong mataas ito. Kaya naman, ang DCA ay isang magandang paraan para sa mga beginners na nagsisimula pa lamang mamuhunan ng crypto. Sa pamamagitan ng DCA, maaari ka ng bumili ng crypto palagi hindi alintana ang kondisyon ng merkado at ang presyo ng mga crypto. Magkanong crypto ang bibilhin ay pwedeng i-base sa iyong badyet, maaaring $10 kada buwan o $1,000 sa isang buwan, pero ang pamantayan ay hindi mamuhunan ng mas malaki sa kaya mong pakawalan o ikatalo.
Benepisyo ng DCA
Dahil patuloy tayong bumibili alintana sa presyo ng merkado, may mga pagkakataon na nagagawa nating bumili sa panahon ng dip at may pagkakataon din naman na makakabili tayo sa panahong mataas ito, ngunit sa mahabang panahon, ang buy prices natin ay papantay rin.
Kaya kung gagawin natin ang DCA mula Enero ng 2020 hanggang Disyembre ng parehong taon at mamuhunan ng $1,000 sa BTC, makakakuha tayo ng halos kapareho nito.
Sa $12,000 na ating ininvest, nakakuha tayo ng 1.13 BTC na ibig sabihin ay ang average price ng ating bitcoin ay $10,619. Ang paraan na ito ay angkop para sa mga nagsisimula pa lamang dahil tinatanggal nito ay panghuhula natin kapag bibili na ng bitcoin.
Kailan ang pinaka mahusay na oras upang gamitin ang DCA?
Ang DCA ay pinaka gumagana sa downward-trending market, kung saan maaari kang makabili ng bitcoin sa mababang halaga. Subalit, kapag naman nasa upward-trneding market, ang DCA ay maaaring hindi angkop na pamamaraan na gamitin.
Ang mga ito ay nasa taas lamang ng isang iceberg kapag tayo ay namumuhanan gamit ang cryptocurrency, marami pang ibang mga estratehiya sa paligid, ngunit babalik pa din ito sa pagiging disiplinado mo sa pagsunod sa iyong plano at mga estratehiyang nakakabit dito.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph