TL;DR:
- Ang NFT marketplace ay pinapahintulutan kang mag-trade, mag-display, at paminsan-minsan ay magmint ng mga NFT.
- Bilang isang mamumuhunan o mangangalakal, ang mga NFT marketplace gaya ng LooksRare at X2Y2 ay pinapahintulutan kang gumawa ng maramihang pagbili na makakatipid sa iyong oras at gas fees.
- Bawat NFT Marketplace ay may kaniya-kaniyang mga tampok na maaaring makinabang sa mga user batay sa kanilang mga pangangailangan.
- Naglista at pinagsama-sama na ni Coins ang marketplace comparison table para sa mga first-time buyers para masimulan na ang kanilang NFT journey.
Ano ang Non-Fungible Token (NFT) Marketplace?
Ang mga NFT Marketplace ay isang lugar o plataporma para mag-trade, display, o minsan ay magmint ng mga NFT.
Mayroong 2 pangunahing merkado para sa mga NFT - ang primary at secondary market.
Ang primary market ay kung saan ang mga gumagamit ay maaaring direktang bumili ng NFT sa creator nito alinman sa pamamagitan ng isang launchpad o minting event.
Ang secondary market ay kapag ang mga gumagamit ay nabili ng mga NFT mula sa isang collector, na nagdala ng NFT upang ibenta o ilagay ito sa listing for sale. Ito ay kalimitang ginagawa sa isang marketplace na siyang nagsisilbing middleman na nagpapatakbo ng mga transaksyon at bilang kapalit ay ang paniningil nila ng maliit na bayad.
Ano ang iba’t ibang NFT marketplace?
Mayroong mga NFT marketplace na laging andiyan para sa’yo anumang oras sa buong araw mo ito kailanganin. Ngayon, marahil ikaw ay nagtataka, ano ang mga pangunahin o best marketplace para makabili ng mga NFT?
Para masimulan, narito ang comparison table ng mga pangunahing NFT marketplace.
Saan ako pwede magsimulang bumili at magbenta ng NFT?
OpenSea
Ang OpenSea ay kauna-unahang merkado ng NFT at ang market leader simula pa lang ng ito’y magumpisa noong taong 2017. Bilang una at pinakamalaking web3 marketplace para sa mga NFTs at crypro collectibles sa mundo, ang Opensea ay mayroong mahigit na 200 empleyado, 2 milyon na kolesyon, 80 milyon na mga NFT, at mayroong dami ng kita na $20 bilyon. Malinaw na sila ang naging go-to marketplace ng mga NFT collectors at mga traders.
Kung ikaw ay bibisita sa OpenSea, ikaw ay sasalubungin ng kanilang mga featured projects. Mula doon, madali mo nang mananavigate ang platform gamit ang menu bar nila na makikita sa taas. Sinusuportahan ng OpenSea ang magkakaibang blockchains gaya ng Ethereum (ETH), Solana, at Polygon (MATIC) na siyang nagbibigay ng kalamangan nito laban sa mga katunggali.
Gaano man kahanga-hanga ang OpenSea, ang plataporma ay may kasama pa ding bilang ng mga caveats na nakapalibot sa foren asset policy nito. Ang ilang mga marketplace ay sinubukan ng tugunan ang mga pagkukulang ng OpenSea.
Pros:
Cons:
- Maaaring mataas ang minting fees
- Highly Centralized NFT Marketplace
LooksRare
Ang isang malakas na katunggali ng OpenSea ay ang LooksRare, na inilunsad noong Enero ng taong ito. Ang LooksRare ay isang community-first NFT Marketplace na ginagantimpalaan ang kanilang mga mangangalakal, collectors, at mga creators sa paglahok. Lahat ng transaksyon ay ginagamitan ng WETH, hindi ng ETH.
Ang kapansin-pansin sa LooksRare ay ang katotohanan na ika’y gagantimpalaan ng $LOOKS sa pagbenta, pagbili, at maging paglista ng iyong mga NFT. Kasabay nito, ang mga creators ng iba’t ibang koleksyon ay makakakuha ng kanilang royalty payments sa moment of sale nito, na tiyak na mas kanais-nais na disbursement method kumpara sa OpenSea, dahil madalas na ibinabahagi ang mga creator royalties nito sa ibang araw. Kapag nag-browse ka sa iba't ibang koleksyon, makikita mo rin ang rarity ranking nito sa tabi ng mga presyo gamit ang data na nagmula sa Rarity Sniper.
Ilan sa mga benepisyo ng pangangalakal sa LooksRare ay ang katotohanan na ang royalties sa marketplace na ito ay nakaset na ng 2%, na mas mababa kaysa sa OpenSea na nasa 2.5%. Kasabay pa nito, kung ikaw ay magstake ng $LOOKS, ang WETH na makokolekta mo mula sa 2% royalty kada benta ng NFT ay mahahati at ibabahagi pa sa mga $LOOKS stakers.
Pros:
- Ang mga gumagamit ay gagantimpalaan ng $LOOKS token para sa pakikipag-ugnayan sa platform.
- Competitive fee na 2%
- Ang mga gumagamit ay maaaring magbulk purchase ng buong koleksyon.
- Ang $LOOKS ay nakalista sa Coins.ph, kung saan ang mga gumagamit ay madali ng makakapag convert ng PHP para makabili ng $LOOKS at masimulan ang kanilang NFT journey.
Cons:
- Ang mga creators ay hindi maaaring magmint ng sarili nilang NFT sa platform.
X2Y2.io
Isa pang matinding katunggali sa NFT Marketplave ay ang X2Y2.io, na naglalayong bumuo ng tunay na desentralisadong NFT market at ibalik ito sa komunidad. Katulad ng LooksRare, 100% ng market fees na makokolekta nito ay igagantimpala sa X2Y2 stakers at ibabahagi sa anyo ng $X2Y2.
Ang platform ay may napakaraming magagandang feature, gaya ng bulk listing, batch purchaisng, at rarity integration. Ang bulk listing ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit upang maglista ng multiple NFT sa isahan at mabilisang transaksyon. Ang Batch purchasing ay pinapahintulutan kang mag sweep ng NFT floors sa mas efficient na paraan. Samantala, sinusukat ng rarity integration kung gaano ka-rare ang isang partikular na NFT, at makikita mo ang ilan sa mga pinakabihirang katangian ng NFT kapag nag-hover ka dito sa page ng koleksyon.
Kung fees naman ang paguusapan, ang X2Y2.io ang isa sa may mga pinaka mababang marketplace fees sa merkado na mayroon lamang na 0.5%. Ang paglista ng iyong NFT sa X2Y2 ay possibleng makakita ng mas maraming ETH kaysa sa kalimitang kita na makukuha mo sa ibang mga marketplace dahil sa mababang fees nito.
Ang mga stakers at traders sa X2Y2.io ay maaaring makakuha ng mga gantimpala na $X2Y2 at gaya ng nakalagay sa kanilang website 624,902 $X2Y2 ay ibabahagi sa mga nagbebenta at bumibili ng NFT sa araw-araw, bilang isang token of appreciation sa paggamit ng platform. Ang mga fees na makokolekta mula sa mga sellers sa anyo ng WETH (Wrapped Ethereum) ay ipapamahagi din nang proporsyonal sa mga staker ng X2Y2.
Pros:
- Ang mga gumagamit ay maaaring mag bulk list ng mga NFT sa isang transaksyon
- Low Fee ng 0.5%
- Ang mga gantimpala ng $X2Y2 ay ibabahagi sa mga user na nagstake ng $X2Y2
Cons:
- Mababa ang Sales Volume
- Sinusuportahan ang Ethereum (ETH)
Magic Eden
Ang Magic Eden ay tinitignan bilang numero uno na trading platform para sa lahat ng Solana (SOL) na mga NFT. Binansagan nila ang kanilang sarili bilang isang community-centric company kung saan nagsusumikap sila na maging responsive, close to the ground, at in service sa mga pangunahing interes ng mga creators para sa kanilang mga kolesyon.
Mayroong mahigit 22 milyon unique visitors kada buwan, 8,000 na koleksyon, at $1.9 bilyon na trading volume, ang Magic Eden ay itinatatag ang kanilang sarili bilang isang puwersang dapat isaalang-alang sa NFT Marketplace. Inilalagay din nila ang kanilang mga sarili sa pinaka magandang posisyon para kunin ang pagiging numero uno ng OpenSea sa NFT Marketplace, dahil magsisimula na silang magadopt ng Ethereum (ETH) NFT patungo sa kanilang platform.
Isa sa mga features ng Magic Eden ay ang kanilang Launchpad. Ang Launchpad ay isang exclusive minting platform. Natanggap lamang ito ng 3% mula sa kabuuang aplikasyon at nagtatampok lamang ng mga best projects. Ang pagkakaron ng iyong proyekto na matampok dito ay makakapagbigay na sa iyo ng best exposure at pinaka malawak na reach sa Web3. At ang best potential pa para sa secondary trading volume post-mint, at ang hassle-free mint na dedicated ang development support. Simula noong 2022, available lang ang feature na ito para sa mga proyekto ng Solana (SOL), ngunit kapag nailunsad na ang Ethereum (ETH) NFT adoption, asahan na makikita ang ilang proyekto sa ETH na itinatampok din sa Launchpad.
Pros:
- Ang feature ng Launchpad ay pinahihintulutan ang mga creators nito na maglaunch ng kanilang proyekto nang walang aberya.
- Mababang Market Fee na 2%
- Pinaka mataas na dami para sa mga Solana-based NFT
Cons:
- Mas mataas na mga insidente ng paglilista ng rip-off projects kumpara sa ibang marketplace.
Ano ang mga factors na dapat mong isaalang-alang sa pagpili ng una mong NFT Marketplace?
Blockchain
Depende sa koleksyon ng NFT na iyong hinahanap, iba’t ibang mga marketplace ay nagsusuporta ng magkakaibang NFT projects sa magkakaibang blockchains. Ang OpenSea ay nagsusuporta sa mga popular na mga blockchains gaya ng ETH, SOL, at MATIC, habang ang mga NFT marketplace naman gaya ng LooksRare, X2Y2, at Magic Eden ay sinusuportahan ang isang blockchain sa ngayon.
Dami ng Fees at Sales
Kung ikaw ay nagpaplano na magtrade ng NFT, ang pagpili ng NFT marketplace na may mababang fees ay tiyak na magbibigay sa’yo ng mas magandang returns ngunit ang mga NFT marketplace na may mas mababang mga fees ay karaniwang may mas kaunting dami ng benta.
Halimbawa, kung nais kong magbenta ng Bored Ape Yacht Club sa halagang 70 ETH. Ang pagbebenta nito sa OpenSea ay nangangahulugang makakatanggap ako ng 66.5 ETH matapos ang royalties. Ang pagbebenta naman nito sa LooksRare ay magbibigay sa akin ng 66.85 ETH matapos ang mga fees, ngunit ang pagbenta nito sa X2Y2 ay magbibigay sa sakin ng 67.9 ETH.
Ang pagbenta nito sa X2Y2 ang magbibigay sakin ng pinaka mataas na returns sa anyo ng ETH matapos ang mga fess, pero maaaring matagalan bago ko maibenta ang X2Y2 kumpara sa pagbenta nito sa OpenSea. Kaya naman, maraming mga mangangalakal ang mas gusto pa rin ang pagbebenta sa OpenSea dahil sa taas ng sales volume nito at sa mga taong sanay na gumamit ng OpenSea bilang kanilang primary platform.
Seguridad
Gaya ng anumang transaksyong pampinansyal, ang seguridad ang pinaka importante. Ang pagpili ng NFT marketplace na mayroong mataas na seguridad ay makakapag protekta sa’yo mula sa mga mapanlinlang na gawain. Karamihan sa mga NFT marketplace na ito ay hinihikayat ang kanilang mga users na paganahin ang 2FA o payagan ang mga user na kumonekta sa marketplace sa pamamagitan ng kanilang hardware wallet na ginagawang ligtas at secure ang mga transaksyon.
Mga Panlilinlang sa NFT Marketplace
Sa pagbrowse mo ng mga marketplace upang bumili ng maganda at maayos na NFT deals, narito ang ilang mga scammer na nagtatago sa mga phishing site na maaaring magkatulad sa itsura, ngunit mali ang spelling ng kanilang mga link at dadalhin ka sa isang phishing site kung saan maaari nilang nakawin ang iyong mga detalye. Maging maingat na i-double check ang mga link na iyong kini-click dahil ang ilang website ay maaaring maging mga link sa phishing upang samantalahin ang mga hindi mapaghinalang mga user. Ang mga naturang phishing website ay nagta-target ng mga walang kaalam-alam na user kung saan kapag basta basta mo na lamang ikinonekta ang iyong wallet sa mga phishing site na ito, maaaring maubos ang laman ng iyong wallet at mga digital asset nito.
Paano bumili ng sarili kong pag-aaring NFT?
Matapos mong makapli ng NFT Marketplace na iyong nais, ang sunod na pinaka malaking desisyon ay ang pagpili ng kolesyon ng NFT na iyong aabangan.
Tulad ng anumang uri ng pamumuhunan, ang pamumuhunan sa NFT ay may dalang sarili nitong mga panganib at inirerekumenda na gawin ang iyong sariling pananaliksik bago mamuhunan ng anumang pera sa anumang uri ng pamumuhunan.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph