Ano ang Elon Musk Effect at Ano ang Dulot nito sa Crypto

Sa tuwing magti-tweet si Elon Musk, lumilikha ito ng malaking epekto at nagpapagalaw ng mga merkado. Ang ilan ay tinawag itong "The Elon Musk Effect”. Tingnan natin kung ano ito at kung paano natin ito magagamit.
Ano ang Elon Musk Effect at Ano ang Dulot nito sa Crypto

TL;DR

  • Kapag nag-tweet si Elon Musk tungkol sa crypto, palaging tumutugon ang merkado dito.
  • Nabili ni Elon Musk ang Twitter sa tumataginting na $44 bilyon noong Oktubre 27, 2022.
  • Ang mga analitiko ay optimistiko tungkol sa pagbili sa Twitter dahil sa mga positibong epekto nito sa industriya.
  • Maaaring makinabang ang $DOGE mula sa pagbili sa Twitter dahil sa mga iminungkahing paraan ng paggamit nito sa platform.
  • Ang mga pag-endorso ng mga tanyag na tao ay naging isang malakas na pangunahing impluwensya sa merkado ng crypto.
  • Ang mga tweet ni Musk ay itinuturing na legal ngunit nagbabala ang mga eksperto sa batas na maaari itong magpalitaw ng mas mahigpit na regulasyon ng awtoridad sa crypto.

Ang ibon ay malaya na! Hayaan niyong pag-isipan nila ‘yan.

Nabili ni Elon Musk ang Twitter sa tumataginting na $44 bilyon noong Oktubre 27, at maraming mga crypto trader at investor ang nagsasabi ngayon ng ilang alalahanin, na iniisip kung paano nito mai-impluwensyahan ang industriya ng digital asset.

Ang “Elon Musk Effect” sa Crypto

Tinaguriang "The DogeFather," kaugnay na ngayon si Elon Musk sa cryptocurrency, lalo na sa Bitcoin, Dogecoin, at Ethereum. Kapag nag-tweet si Elon, gumagalaw ang merkado ng crypto.

Ang kapangyarihan ni Musk na pagalawin ang crypto market ay naipakita nang maraming beses:

  • Noong Pebrero 4, 2021, paulit-ulit siyang nag-tweet tungkol sa kung gaano niya kamahal ang DOGE, na nagpataas sa presyo nito sa halos 50% sa isang araw at ng 10% sa loob ng isang oras.
  • Pagkatapos ng isang tweet na nagsasabing "Maaari ka na ngayong bumili ng Tesla gamit ang Bitcoin," ang BTC ay tumaas sa humigit-kumulang $65,000 sa loob ng isang buwan.
  • Ang kanyang tweet na nag-aanunsyo na ang Tesla ay magsisimulang tumanggap ng DOGE bilang pambayad ay naging sanhi ng pagtaas ng token ng 43% pagkatapos ng humigit kumulang dalawang oras.

Noong Abril 2022, binanggit ni Musk ang Dogecoin bilang isang potensyal na opsyon sa pagbabayad para sa Twitter Blue at ang token ay mabilis na tumaas ng 9%.

Si Musk ay naging pangunahing bahagi ng mga talakayan sa Bitcoin, at ang Tesla ay isang pangunahing dahilan sa paggalaw ng presyo ng cryptocurrency. Ang pampublikong anunsyo ng Tesla sa pagbili nito sa BTC, pagtanggap sa BTC bilang bayad, pagbebenta ng ilan sa mga hawak nitong BTC, at pagkansela ng Bitcoin bilang opsyon sa pagbabayad, ay nagkaroon ng epekto sa merkado at ginawang mas pabago-bago ang mga asset ng crypto kumpara sa normal.

Ano ang Mangyayari Pagkatapos ng Twitter Takeover?

Ang mga analista ay optimistiko tungkol sa mga pangmatagalang epekto sa pagbili sa Twitter. Dahil si Musk ay isang malaking tagasuporta ng cryptocurrency, ang pabili niyang ito ay tiyak na magkakaroon ng malaking epekto sa sa kabuuan ng industriya.

Sa katunayan, ipinakilala na ng Twitter ang NFT Tweet Tiles, isang serbisyo ng cryptocurrency na nagbibigay-daan sa mga user na bumili, mag-trade, at magpakita ng kanilang mga non-fungible token (NFTs) nang hindi umaalis sa Twitter. Rarible, Magic Eden, Dapper Labs, at Jump.trade ang kasalukuyang mga market na sumusuporta sa integrasyong ito. Hindi pa sinusuportahan ng OpenSea, ang pinakamalaking NFT marketplace, ang serbisyong ito.

Ang  pagbili sa Twitter ay magandang balita din para sa mundo ng Web3, ipinahayag ni Elon Musk na ang mga open-source na algorithm ng Twitter ay magpapalakas ng tiwala sa website at lalabanan ang banta ng mga spam bot. Nakikipag tulungan na ngayon ang Twitter sa malalaking crypto exchange para labanan ang mga spam bot sa platform, na nagkakalat ng mga mapanlinlang na link para gumawa ng mga scam pampinansyal. Ang hakbang na ito ay gagawing mas ligtas na lugar ang Twitter para sa mga crypto investor na naghahanap ng mahalagang impormasyon na makakatulong sa kanilang pananaliksik.

Ang DOGE ang unang crypto na inaasahang makikinabang mula sa pagbili sa Twitter dahil pinusisyon na ni Musk ang Dogecoin bilang kanyang paboritong cryptocurrency, na naglagay dito bilang malinaw na opsyon para sa Twitter. Sa katunayan, ito ay tinitingnan bilang pananalapi para sa pagpapatupad ng isang sistema ng pagbibigay ng tip o subscription.

Mula nang makuha ang Twitter, umakyat ang DOGE ng humigit-kumulang 120% sa loob ng 48 oras. Mula sa $0.0687 bago ang opisyal na pagbili, ang DOGE ay naglalaro na ngayon sa humigit-kumulang $0.1 sa oras na isinulat ito.

Dapat Ka Bang Mabahala Tungkol sa Pagmamanipula ng Presyo?

Ang Elon Musk ay may 112.6 milyong follower sa Twitter at malinaw na may kapangyarihang pagalawin ang mga merkado ng crypto.

Gayunpaman, madali lamang itong unawain, ang katanyagan at impluwensya ng mga sikat na tao tulad ni Musk ay palaging makakapagpagalaw ng mga volatile na merkado dahil sa FOMO (Fear of Missing Out).

Ang mga pump-and-dump scheme (pagbili-at-pagbuhos) ay isa sa mga pinakamalaking scheme sa crypto, at  maraming walang muwang na mamumuhunan ang nahuhulog dito dahil walang sapat na regulasyon na pumipigil sa mga ito. Sa mga scheme na ito, artipisyal na pinapataas ng mga tao ang halaga ng isang asset sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon upang maakit ang mga walang muwang na mamumuhunan na ilagay ang kanilang pera sa mga proyektong ito.

Kapag sapat na ang mga mamumuhunan na pumasok sa isang posisyon, ang mga naunang namumuhunan ay magsisimulang magbenta ng mga token na humahantong sa pagbagsak ng mga presyo, at naiiwan ang mga walang muwang na mamumuhunan na may malalaking bag ng walang halagang mga token.

Mga Kilalang Tao na Nag-eendorso ng Crypto

Sa mga nagdaang taon, ang mga pagi-endorso ng celebrity ay naging isang malakas na dahilan na maaaring makaimpluwensya sa merkado ng crypto. Bukod sa Decentralized Finance (DeFi), ang industriya ng NFT ay biktima rin ng impluwensya ng social media.

Maraming mga celebrity mula sa A-list actors hanggang sa mga DJ ang may sariling NFT collections at ang ilan ay bumili pa ng iba pang NFTs projects na humahantong sa espekulasyon sa mga presyo ng NFT dahil ang mga celebrity ang nagmamay-ari ng ilan sa mga ito.

Habang ang mga tweet ni Musk ay itinuturing na legal, ang mga eksperto sa batas ay nagbabala sa mga celebrity at CEO na may malalaking pagmamay-ari ng crypto na mag-ingat bago mag-anunsyo ng anumang bagay sa social media na maaaring tignan bilang isang pagtatangka na manipulahin o linlangin ang mga merkado ng cryptocurrency. Gayunpaman, sa isang platform tulad ng Twitter, ang mga korte ay palaging ipagpapalagay na ang karamihan sa mga mambabasa ay hindi kukuha ng payo sa pananalapi mula sa mga tweet lamang.

Sa pagtatapos ng araw, ito ay tungkol parin sa paggawa ng sarili mong pananaliksik at pagsusumikap bago mamuhunan sa anumang uri ng asset. Anuman ang impluwensya ni Elon Musk, ang desisyon na bumili, humawak, o magbenta ng crypto ay laging nasa iyong mga kamay.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.