TL;DR
- Ang Ethereum ay nagsimula noong 2013 na mayroong inisyal na presyo na $0.27 kada ETH.
- Ang pundasyon ng Ethereum ay mayroon ng plano para sa pagpapaunlad nito hanggang sa dumating ang The Merge.
- Kahit na napasabak sa mga pag-hack at ilang mga pag-atake, ang bawat pagpapaunlad at pagsasaayos na ginawa pagtapos nito ang siyang nagpabuti sa seguridad ng network.
- Pagdating naman ng The Merge, makikita natin ang pagbabago ng consensus mechanism mula sa POW papunta sa POS.
Ang Ethereum ay inihahalintulad sa blockchain space bilang isang lider para sa mga smart contracts. Ang Ethereum ay itinatag ni Vitalik Buterin noong 2013. Pagdating naman ng 2014, kasama sina Gavin Wood, Charles Hoskinson, Anthony Di Iorio, at Joseph Lubin, ay sinimulan na nila ang development work at crowdfunding ng Ethereum at ng Network nito na nagsimula noong Hulyo 30, 2015.
Hayaan ninyong samahan namin kayo na balikan ang kasaysayan ng Ethereum hanggang sa kasalukayang panahon kung saan ang pinaka inaabanagan na “Merge” ay paparating na, tinatayang mangyayari sa pagitan ng 10-14 ng Setyembre.
Noong 2013, si Vitalik Buterin ay naglabas ng isang Whitepaper para sa Ethereum. Sa Whitepaper na ito, sinang ayunan ni Vitalik ang paggawa ng Bitcoin noong 2009 ay isang radical development ni Satoshi Nakamoto. Subalit, ang nais na palawakin ni Vitalik ay ang pinagbabatayan na blockchain technology bilang isang instrumento ng distributed consensus.
What Ethereum intends to provide is a blockchain with a built-in fully fledged Turing complete programming language that can be used to create “contracts” - Vitalk
Noong ika-1 ng Abril ng taong 2014, isinulat ni Dr. Gvain Wood ang “The Yellow Paper”, na isang teknikal na depinisyon ng Ethereum protocol. Ang Yellow Paper ay ang ginagamit na ngayon at pinapanatili ni Nick Savers at ilan pang mga contributors mula sa iba’t ibang parte ng mundo.
Mula ika-22 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Setyembre noong 2014, ang Ether ay inilabas sa publiko para ibenta at magamit ng mga tao ang BTC para mabili ang Ether (ETH). Mula sa anunsyo na inilabas ng Ethereum, ang discounted price ng Ether ay naset ng 2,000 ETH sa kada BTC at bababa linearly ng hanggang 1,337 ETH sa kada BTC sa loob ng 42 na araw.
Ibig sabihin ang launch price ng ETH ay $0.29 sa kada ETH, Pero noong unang natrade ang Ether noong ika-7 ng Agosto taong 2015, na-trade ito sa halagang $2.77.
Frontier Upgrade
Naging live ang Frontier noong ika-30 ng Hulyo 2015. Bagama’t ito’y isa pa lamang bare-bone na implementasyon ng Ethereum, ang sumunod na Olympic testing phase nito ay tagumpay. Ang Olympic testing phase ay naka-target para sa mga teknical na mga users at developers, na siyang naglagay nito ng 5,000 na limit para sa mga blocks.
Frontier Thawing - Eth Price: US$1.24
Noong ika-7 ng Setyembre, naging live naman ang Frontier Thawing. Ang thawing na ito ay pinapahintulutan ang mga miners na magsimula ng kanilang operasyon at ang mga early adopters na hikayatin ang kanilang mga kliyente ng hindi sila minamadali. Sinet din nila ang presyo ng default gas ng 51 gwei na nagpapahintulot sa mga transaksyon dahil ang mga transaksyon na ito ay kinakailangan ng 21,000 na gas.
Ngunit ang pinaka importanteng update dito ay ang pagpapakilala ng “difficulty bomb”. Ang pagpapakilala ng difficulty bomb ay sinisiguro na ang blockchain ay maaaring mag hard-fork sa isang Proof-of-Stake sa hinaharap.
Homestead - Eth Price: US$12.50
Noong ika-14 naman ng Marso taong 2016, ipinakilala naman ang Homestead fork. Ang Homestead ay siyang nagpakilala ng Ethereum Improvement Proposals (EIP) 2,7, at 8 na siyang mga pangunahing homestead hard fork na mga pagbabago, ang Hardfork EVM Update: DELEGATECALL at devp2p forward compatibility ayon sa pagkakabanggit.
DAO fork - Eth Price: US$12.54
Noong ika-20 ng Hulyo 2016, nagdusa naman ang Ethereum mula sa pinakaunang major attack nito, ang DAO Hack, na siya namang nagbigay daan para sa DAO fork. Ang DAO attack ay galing sa isang hindi secure na contract na inilabas at pinahintulutan ang mga hackers na ubusin ang 3.6 milyon ETH sa pamamagitan ng hack na ito.
Ang DAO fork ay sumailalim sa voting system ng komunidad ng Ethereum at ang ETH holder nito at maaaring bumoto gamit ang voting platform, na nagresulta sa 85% ng mga boto ay sumang-ayon sa fork. Ngunit, ilang mga miners din ang tumanggi sa fork na humantong sa pagsilang ng Ethereum Classic (ETC).
Tangerine Whistle - Eth Price: US$12.50
Makalipas ang tatlong buwan, noong ika-18 ng Oktubre ng 2016, ang Tangerine Whistle fork ay ipinakilala para matugunan ang mga agarang issue sa network health dahil nga ang Ethereum Network ay na-hack na ng indibidwal o mga grupo ng tao na nagresulta sa delay kapag mayroong mga transaksyon na dapat i-proseso. Ang mga attackers ay paulit-ulit na nagpapahiwatig sa kanilang mga smart contracts na naglabas ng mga computationally hard transactions sa mga low-priced contracts, ito ay nagresulta sa pagtaas ng presyo ng ilang operasyon sa network.
Spurious Dragon - Eth Price: $9.84
Ang ikalawang tugon mula sa Ethereum Foundation para sa mga atake ng DoS na nangyare kasama ng Tangerine Whistle ay ipinakilala din upang matugunan ang mga bagay gaya ng opcode pricing para pigilan ang mga atake sa network sa hinaharap, at nadagdagan din ito ng relay protection para pigilan ang mga transaksyon mula sa isang Ethereum chain sa pag-broadcast papunta sa isang alternatibong chain.
Byzantium - Eth Price: US$334.23
Ika-16 ng Oktubre ng taong 2017, ipinakilala ang Byzantium hard fork. Ang Byzantium ang unang bahagi ng two-part fork na plinano para sa development ng Ethereum. Ang Byzantium hard fork ang nagpakilala sa pagbawas ng block rewards mula 5 patungong 3 ETH at ang nag-antala ng difficulty bomb ng isang taon.
Constantinople - Eth Price: US$136.29
Matapos ang 2 taon na walang upgrade, noong ika-28 ng Pebrero ng taong 2019, ang Constantinople ay ipinakilala. Dahil sa pagpapabilis patungo sa difficulty bomb, ang block times ay pinababa pa ng 3 beses. Para kontrahin ito, iminungkahi ng EIP 1234 na i-delay ang “difficulty bomb” ng 12 buwan pa muli at bawasan ang block rewards upang pigilan ang blockchain na mag-freeze hanggang maging handa at maipatupad na ang proof of stake.
Istanbul - Eth Price: US$151.06
Ipinakilala ang Istanbul noong ika-9 ng Disyembre ng 2019, ang upgrade na ito ay pinabuti ang denial of service (DoS) na atake na pinagdaan ng Ethereum noong mga nakaraang taon. Ang hard fork pati na rin ang Ethereum at Zcash ay inanyayahan na mag interoperate at payagan ang mga contracts na magkaroon pa ng mas maraming creative functions.
Muir Glacier - Eth Price: US$127.18
Ang Muir Glacier ay ipinakilala noong ika-2 ng Enero ng 2020 para i-delay ang difficulty bomb. Ito ay importante sapagkat kapag nagsimula ng tumaas ang difficulty, ang Proof of Work consensus ay nagiging banta dahil ang mas mataas na difficulty ay nangangahulugang mas mahabang oras para magproseso ng mga transaksyon at gumamit ng Dapps.
Bilang isang hakbang papalapit sa Proof of Stake consensus model, ang staking deposit contract ay ipinakilala noong ika-14 ng Oktubre ng 2020. Pinahintulutan nito ang mga manggagamit na mag-deposit ng kanilang Ether para sa paparating na Beacon Chain na isang importanteng hakbang para sa Ethereum Upgrade.
Beacon Chain - Eth Price: US$584.23
Noong ika-1 ng Disyembre ng 2020, ang Beacon Chain ay nagsimulang gumawa ng mga blocks. Para sa Beacon Chain na magsimula ng genesis nito, kailangan ng 16,384 mula sa 32 ETH na dineposito na siyang natupad noong ika-27 ng Nobyembre ng 2020.
Berlin - Eth Price: US$2,454
Ang Berlin upgrade ay ipinakilala noong ika-15 ng Abril ng 2021. Ang hard fork ay nag-optimize ng mga gas fees para sa ilang mga aksyon sa EVM at pataasin ang support para sa magkakaibang uri ng transaksyon.
London - Eth Price: US$2,621
Ang London hard fork noong ika-5 ng Agosto taong 2021 ay nagpakilala ng EIP 1559 na nagpatupad ng base fee system, tipping, at isang tampok na pinapahintulutan ang mga users na tukuyin kung magkano ang maximum fee na handa nilang bayaran. Ang mga users ay makakakuha ng refund ng Ether kapag mayroon pagkakaiba mula sa maxiumum, base fee, at miner tip.
Dahil ang Ether ay walang maximum supply, sa pagpapatuloy ng miners na mag-mine ng Ether, itinataas nito ang halaga ng Ether sa merkado na siyang dahilan para sa Ether na maging inflationary asset. Ang EIP 1559 ay ipinatupad din ang pagsusunog ng porsyento ng transaction fee para sa mga transaksyon na nangyare sa Ethereum Network. Ito ay tinanggap ng nakakararami dahil sa wakas ay mayroon ng paraan para bawasan ang produksyon ng Ether.
Altair - Eth Price: US$4,024
Ang Altair fork noong ika-27 ng Oktubre 2021 ay ang pinaka unang upgrade para sa beacon chain. Dalawang pangunahing upgrade para sa Altair fork ang ipinakilala sa ‘inactivity + slashing penalties’ at ang suporta para sa Light Clients.
“Inactivity + Slashing Penalties” ay binawasan ang mga gantimpala para sa mga inactive stakers sa network habang ang suporta para sa mga Light Clients at pinayagan ang mga validators na i-access ang blockchain ng hindi nangangailanagn na palaging konektado sa blockchain.
Arrow Glacier - Eth Price: US$4,111
Katulad ng Muir Glacier, ang Arrow glacier ay ipinakilala noong ika-9 ng Disyembre taong 2021 para i-delay ang ‘difficulty bomb’ para sa Ethereum network hanggang mag-Hunyo ng 2022.
Gray Glacier - Eth Price: US$1,069
Noong ika-30 ng Hunyo 2022, kung saan ang nakaraang upgrade ang nagtulak pabalik sa difficulty bomb, ang Gray Glacier upgrade naman ang nagtulak pabalik sa difficulty bomb ng 3 buwan pa muli.
The Merge - Eth Price: US$??
Sinasabi na sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-14 ng Setyembre 2022, ang Ethereum Network ay sasabak sa isang pinaka makabuluhang upgrade sa kasaysayan ng Ethereum. Ang Beacon Chain na nagpapatakbo parallel sa Ethereum Mainnet ay dadaan sa merge kung saan magbabago ang consensus model ng Ethereum mula sa isang Proof of Work patungong Proof of Stake.
Sa pagbabago ng consensus model, hindi maaapektuhan ang Ether (ETH) na iyong hinahawakan sa ngayon. Ang magbabago ay ang paraan ng pag-produce ng mga blocks at paano maverify ang mga transaksyon.
Sa pamamagitan ng Proof of Work, ang mga transaksyon ay navalidate na ng isang miner na siyang nag-verify sa block kasama ng computing hardware. Gamit ang Proof of Stake, ang mga transaksyon ay mavavalidate ng mga validators na mayroong stake sa kabuuang health ng network.
Para sa mga users at holders ng ETH, wala kayong dapat gawin sa inyong mga pondo o wallet bago dumating ang ‘The Merge’.
Paano kumuha ng Ethereum bago ang The Merge?
Step 1: Kung wala ka pang Coins account, kailangan mo muna gumawa ng account at kumpletuhin ang verification.
Step 2: Mag log-in sa iyong Coins account at mag cash-in. Pwede kang gumamit ng bank transfer at e-wallet na option para mag top-up ng iyong PHP papunta sa iyong wallet.
Step 3: Pindutin ang Crypto at piliin ang “ETH” mula sa drop-down menu para mag-convert ng PHP papuntang ETH.
Step 4: Ikaw ay isa ng nagmamay-ari ng ETH!
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph