TL;DR:
- Ang $BLUR ay ang sariling token na ginagamit sa BLUR NFT Maketplace na nakakapagbigay ng mas mabilis at mas murang mga transaksyon kumpara sa ibang mga marketplace ng NFT.
- Ang BLUR NFT marketplace ay mayroong instrumento ng pagsusuri na pinapahintulutan ang mga gumagamit nito na magkaroon ng mabilisang pagsilip sa halaga ng kanilang portfolio at mayroon din itong ‘sniping tool’ na pinapahintulutan naman ang mga mangangalakal na mag-snipe na ng NFT bago pa ito makaabot sa mainstream na merkado.
- Ang mga $BLUR ay ibinibigay sa mga gumagamit ng BLUR NFT marketplace sa anyo ng airdrop na natapos na noong ika-14 ng Pebrero, ngunit nag-anunsyo ang team na maaaring magkaroon muli ng isa pang pamamahagi ng mga airdrop.
- Sa mga gumagamit na nagnanais na makakuha ng $BLUR airdrop ay kinakailangang makipag-ugnayan sa BLUR marketplace, ilista ang kanilang mga NFT, at bumili at magbenta ng kanilang mga NFT upang kumita ng mga puntos.
Talaan ng mga Nilalaman
Ano ang BLUR?
Ang BLUR ay isang NFT marketplace na tumutugon sa mga propesyunal na mangangalakal, kung saan pinapayagan nito ang mga gumagamit na mangalakal ng NFT sa mabilis na paraan at pinapahintulutan din sila na magkumpara ng mga NFT mula sa magkakaibang mga marketplace. Ang mga gumagamit ay maaaring maglista ng kanilang NFT sa BLUR marketplace at i-upload ito sa iba pang NFT marketplace sa pamamagitan lamang ng pagpindot. Higit sa lahat, hindi naniningil ng trade fees ang BLUR sa kasalukuyan.
Ang BLUR platform ay binuo sa blockchain ng Ethereum. Sinusuportahan nito ang mga propesyunal na mangangalakal ng NFT sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gumagamit nito i-optimize ang kanilang mga kita at mangalakal ng walang aberya. Ang mga mangangalakal ay maaaring mag-snipe ng kanilang NFT bago pa ito makarating sa mainstream na NFT marketplace gaya ng OpenSea. Ang BLUR marketplace platform ay may tampok na real-time price feeds, kung saan ang mga mangangalakal ay maaaring magsaayos ng mga NFT base sa presyo nito. Ang platform ay mayroon ding tampok na instrumento ng pagsusuri na pinapahintulutan ang mga gumagamit dito na magkaroon ng mabilisang pagsilip sa halaga ng kanilang NFT at ikalkula ang kasalukuyan nilang NFT portfolio base sa kasalukuyang presyo nito sa merkado. Dagdag pa riyan, ang BLUR ay walang sinisingil na anumang trade fees.
Ang $BLUR Token
Ang $BLUR ay ang sariling token na ginagamit sa BLUR NFT Maketplace. Ito ay tumatayong token na namamahala sa marketplace. Isang ERC-20 governance token, na mayroong maximum supply na tatlong bilyon. Ang 12% ng tatlong bilyong supply nito ay inilaan sa mga may hawak ng mga airdrop, kung saan ang unang BLUR airdrop, na inihatid sa anyo ng Care Package, ay inanunsyo noong Oktubre 19, 2022 sa kahit kaninong gumagamit na nangalakal ng NFT sa Ethereum sa nakaraang anim na buwan bago ang paglunsad noong Oktubre. Kasunod nito, ang team ay nag-airdrop ng mga $BLUR care package sa sumunod na 6 na buwan.
Mas maraming BLUR token na iyong hinahawakan, mas malakas ang kakayahan mo sa pagboto.
Bukod pa sa pagtugon sa mga propesyunal na mangangalakal ng NFT, ang BLUR ay naglalayong sumuporta sa mga manggagawa ng NFT sa pamamagitan ng pagtitiyak na mababayaran sila ng mga royalty. Gagawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo sa mga manggagawa ng karagdagang BLUR token kapag naglista sila ng kanilang mga NFT sa marketplace. Sa kabaligtaran, ang ilang mga kakumpitensyang NFT marketplace ay hindi nagbibigay ng mga royalty sa kanilang mga manggagawa.
Ang Tokenomics ng $BLUR
Ang BLUR ay may maximum supply na 3,000,000,000 token na nahahati sa treasury ng komunidad nito, sa mga nakaraan at hinaharap na mga pangunahing tagapag-ambag, mamumuhunan, at mga advisors.
Ang treasury ng komunidad ang siyang may hawak ng pinaka mataas na porsyento ng token na mayroong mahigit 51%. Sa paghahambing, ang mga mangangalakal at mga advisors ay mayroong hawak na mas kaunti ng bahagya sa 20% ng kabuuang supply nito, na siyang nagbibigay-daan sa desentralisasyon sa komunidad ng BLUR.
Sa kasalukuyan ang BLUR ay nagsagawa ng airdrop na naging-daan upang mabuksan ang 360 milyong mga token (o 12% ng kabuuang supply nito) para sa mga gumagamit na ginagamit ang BLUR marketplace para ilista ang kanilang mga NFT at bilhin o ibenta ang mga ito.
Ang BLUR Token Airdrop
Naglabas ng 3 rounds ng Care Package airdrop ang BLUR. Ang mga Care Package na ito ay mayroong magkakaibang antas ng pagka-pambihira, mula sa Hindi pa nailalabas (Unrevealed), Hindi Karaniwan (Uncommon), Kakaiba (Rare), at Legendary. Ang mga gumagamit ay maaaring makipagpalit ng Care Package para sa $BLUR token noong Pebrero 14, 2023, ang araw na inilunsad ang $BLUR token.
Ang BLUR team ay nagpahiwatig din na magkakaroon pa ng isang pamamahagi ng airdrop o Season 2. Upang mapabilang sa mga kwalipikado para sa airdrop, ang mga gumagamit ay dapat makakuha ng mga puntos na maaaring makuha mula sa paglista ng mga NFT, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tools sa BLUR marketplace at sa pagsimot ng mga kolesyon ng NFT.
Paano bumili ng BLUR?
Maari kang makabili ng BLUR sa pamamagitan ng Coins Pro. Ang Coins Pro ay isang ligtas at regulated na exchange dito sa Pilipinas.
Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:
- Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
- Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
- Step 3: Piliin ang BLUR/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
- Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
- Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph