Ang Binance Coins o ang BNB ay ang sariling token na ginagamit para sa Binance Smart Chain (BSC). Ang BNB ay ang ika-4 na pinakamalaking Cryptocurrency ayon sa Cpitalization na pinanghahawakan ng mahigit 301,000.
Ang BNB token na ito ay may kasamang iba’t ibang mga kagamitan gaya ng abilidad na lumahok sa Binance LaunchPad, BNB Vault, DeFi Staking, at makakakuha pa ng discounted trading fees kapag gumamit ng Binance Exchange. Kung ikaw naman ay naghahanap sa DeFi space, ang token na ito ay ginagamit para sa mga gas fees sa Dapps na binuo sa BSC. Ang mga bayarin na ito ay mababa at ang mga transaksyon dito ay mabilis, na naging daan para sa BSC na gawing isa sa mga nangungunang chains para sa mga developers na naghahanap upang bumuo ng Dapps.
Sino ang nagtatag ng BNB?
Itinatag ang BNB ni Changpeng Zhao, ang Founder at ni He Yi, ang Co-Founder para sa Binance Exchange. Ang BNB ay mayroong ICO noong 2017, na nagkakahalagang $0.15 kada BNB, mula sa 200 milyon na maximum supply nito, ang 100 milyong tokens ay inaalok sa mga retail investors sa pamamagitan ng ICO. Sa Kabuuan, nakalikom ng $15 milyon ang ICO na naging daan upang mabuo ang isa sa mga pinakamalaking crypto exchanges, ang Binance.
Ang Ekosistema ng BSC
Bilang isang token para sa Centralized Exchange (CEX), ang Binance, binibigyan ng BNB ang mga gumagamit nito ng mga diskwento sa kanilang trading fees.
Kung ikaw ay gumagamit ng BSC, mayroon itong mahigit 500 na mga Panukala na gumagamit ng BNB para sa mga gas fees nito at may hawak na Total Value Locked (TVL) na $4.85bn na naging daan para gawin itong pangalawa sa pinakamalaking EVM, na sumunod sa Ethereum.
Para sa mga manlalaro, ang BSC ay may hawak na mga laro gaya ng Thetan Arena, Summoners Arena, Meta Apes, at marami pang iba.
Para naman sa Swaps o mga DEX, ang pinaka kapansin-pansin na DEX sa BSC ay ang PancakeSwap na pinapayagan ang mga gumagamit nito na gumawa ng liquidity mining, trade perpetual swaps, at maging ang paggamit sa mga kumikitang produkto na inaalok sa plataporma.
Ang ekosistema ng BNB ay mukhang malawak pero dapat mong tandaan na ang pakikipag-ugnayan sa Dapps ay may mga panganib tulad ng potensyal na mga kahinaan sa smart contract, pag-hack, at maging ang pagmamanipula.
Pagpapanatiling mababa ang Supply ng BNB
Noong gumawa ng ICO ang Binance, isang pangaka ang ginawa para mabawasan ang umiikot na supply ng BNB mula sa maximum supply nito na 200 milyon patungong 100 milyon.
Sa unang kwarter ng 2023, mayroong kabuuang 44,098,071.95 ang sinunog gaya ng ipinahayag sa bnbburn.info. Mayroong 2 paraan na ginamit upang mabawasan ang supply ng BNB; ang una ay ang Auto-Burn system na ginagagawa kada kwarter. Ang ikalawa naman ang ay pagpapakilala sa Binance Evolution pROPOSAL 95 (BEP-95) kung saan ang bahagi ng BNB na ginastos sa BNB Chain ay susunugin ipang makabawas sa supply ng BNB.
Paano bumili ng BNB?
Gamit ang Coins Buy & Sell Crypto Portal:
- Step 1: Mag log in lamang gamit ang inyong Coins.ph account, at kung wala ka pang app nito, pwede mo itong idownload sa App Store o Google Play.
- Step 2: Mag cash in ng nais mong halaga patungo sa Coins.ph wallet mo.
- Step 3: Maaari ka ng makabili ng BNB na token bilang bahagi ng iyong crypto portfolio.
Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:
- Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
- Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
- Step 3: Piliin ang BNB/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
- Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
- Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph