Ano ang Coins Arcade?

Ang pagpasok sa space ng Web 3.0 ay kasing dali lamang ng pag-set up ng Coins Game Wallet. Sa pamamagitan ng Coins Arcade, maaari ka ng makapagbuo ng Web 3.0 wallet na pinapahintulutan ka na i-imbak ang iyong mga token na iyong pinaghirapan mula sa paglalaro sa Web 3.0.
Ano ang Coins Arcade?

Ang Coins Arcade ay hindi lamang isang tipikal na Web 3.0 wallet. Ito din ay maaari mong gamitin para makapaglaro ng Web 3.0 na mga laro at itago ang iyong pinaghirapang mga token. Narito kung paano mo ito sisimulan!

Paano gumawa ng Coins Game Wallet?

Ang Coins Game Wallet ay kasalukuyang magagamit ng mga Coins.ph users. Bilang isang gumagamit ng Coins.ph, pwede mo ng gawing aktibo ang iyong wallet sa pamamagitan lamang ng pagpindot sa Coins Arcade Icon na iyong matatagpuan sa iyong Coins app!

Kung wala ka pang Coins account, mag sign-up ka na para makakuha ng acess sa Coins Game Wallet.

Pagsasaayos ng iyong Coins Game Wallet

Sa oras na ika’y mag tap in, makikita mo ang homepage ng Coins Arcade. Upang magpatuloy, pindutin lamang ang “Play” sa mga laro na nais mong laruin.

Kung ito ang unang beses na bubuksan mo ang iyong Coins Arcade, maagap na hihikayatin ka ng app na gumawa muna ng wallet bago ka magpatuloy.

Pagkapindot mo ng Next, dadalhin ka nito sa isang page para iset-up naman ang iyong pin.

Ang 6-digit-pin ay isang pin upang mabuksan at magamit ang iyong wallet. Ang pin na ito ay dapat mong itago at ilihim. Kapag natapos mo na itong i-set, hindi na ito pwedeng baguhin o palitan ng kahit na sino man, ikaw man o ng Coins team.

Mga Laro na Meron sa Coins Arcade

Sa kasalukayan, sinusuportahan ng Coins Arcade ang MetaDerby, isang play-to-earn na laro, ngunit mas maraming mga titulo ang idadagdag mula sa pagpapabuti ng wallet upang mas matulungan ang mga gumagamit nito na magsimula na din sa Web3!

Sa oras na ito’y maset-up, pwede ka na magsimulang maglaro ng mga larong meron sa Coins Arcade. Ngunit tandaan na ang wallet ay uudyukan ka na kumonekta sa iyong wallet, kapag nangyare ito, piliin lamang ang “GO23”.

Ano ang MetaDerby?

Ang MetaDerby ay ang unang Free-To-Play, Play-To-Earn horse racing metaverse na binuo sa Avalanche (AVAX). Kahit sino na nais magsimula kumita sa MetaDerby bilang mga users nito ay bibigyan ng panimulang kabayo kapag nakagawa na sila ng account.

Ang Free-To-Play model na ito ay pinapahintulutan ang mga users na kumita ng $HOOF mula sa pangangarera ng kabayo, pagpaparami ng mga kabayo, Create-To-Eran na mga land systems, Defi staking, at pagbili o pagbebenta ng mga NFT.

Dagdag pa rito, ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng extra tokens kapag nakatapos sila ng daily quests o kapag nagrefer sila ng kaibigan.

MetaDerby Tokenomics

Ang MetaDerby ay tumatakbo sa isang dual token system na gaya ng Genopets, isang Move-To-Earn game. $HOOF ay isang in-game currency na ginagamit din bilang gas fee. Ang $HOOF ay ginagamit sa pagbabayad ng entry fees para sa pangangarera, stable fees para sa mga lalaking kabayo, breeding, pagbili ng mystery box, at pagbuo ng mga farmland at race courses.

Ang Derby ($DBY) naman ay isang governance token para sa MetaDerby-Verse. Bilang isang holder ng $DBY, ang mga users ay maaaring gumamit ng governance token para makabili ng lupa, makapagbigay ng liquidity, at pati na rin ang paglahok sa mga proseso na kinakailangan ng desisyon na angkop sa pagpapaunlad at direksyon ng laro.

Paano maglao ng MetaDerby?

Sa pagsisimula ng MetaDerby, kailangan mo muna magkaroon ng Web3 na pitaka. Isang halimbawa ng supported integrated wallet ay ang Coins Game Wallet. Bilang kahalili, ang mga gumagamit ay maaari ding gumamit ng MetaMask.

Kapag naset-up na ang iyong pitaka, kailangan mo na ng access patungo sa MeatDerby website gamit ang Coins Arcade o ang sarili mong self-hosted web3 wallet.

Pagsisimula ng MetaDerby Horse

Para makapagsimula sa MetaDerby, pwede kang bumili ng una mong kabayo mula sa MetaDerby Marketplace. Ngunit, kailangan mo din ng $HOOF, na maaari mong mabili mula sa TraderJoe, o ilipat ang yong $HOOF at $AVAX ($HOOF para bilhin ang iyong mga nais bilhin, $AVAX para sa pagbayad ng iyong mga transaksyon) papunta sa Coins Arcade na mayroong pinapalabas na public address.

Gamit ang MetaDerby Marketplace, pwede na makabili ng kabayo, mga gamit nito, at maging mga mystery box na maaaring makapagbigay sa iyong kabayo ng kalamangan laban sa mga katunggali nito.

Kung hindi naman, pwede ka makakuha ng libreng kabayo sa pamamagitan ng paglahok sa mga MetaDerby promotions.

Paano kumita ng $HOOF

Kapag natanggap mo na ang yong libreng kabayong NFT, pwede ka na magsimula mangarera para kumita ng points at $HOOF na pwede mong gamitin upang i-upgrade ang iyong kabayo.

Pwede ka pa kumita ng dagdag na $HOOF na tokens sa pamamagitan ng pagtatapos ng daily tasks gaya ng pagtapos ng isang karera na kabilang ka sa Top 3.

Paano kuhanin ang iyong $HOOF?

Maaari mo ng simulang kuhanin ang iyong $HOOF kapag nakaipon ka na ng minimum na 1,000 $HOOF. Ang paglikom ng iyong $HOOF gamit ang Coins Arcade ang libre lamang, ang mga bayarin ay sagot na ng MetaDerby team!

Ang mga Play-To-Earn na Laro

Mayroon pang ibang Play-To-Earn na mga titulo ng mga laro na may saklaw na turn-based battle gaya ng Axie Infinity hanggang sa pangangalakal ng card games gaya ng Gods Unchained.

Bawat laro ay may kanya-kanyang play style at tokenomics kung saan ang mga manlalaro ay maaaring kumita mula sa iba’t-ibang mga pamararaan.

Ang mga Move-To-Earn na Laro

Isa pang kategorya ng Move-To-Earn na laro ay ang movement category. Sa Move-To-Earn, ang mga gumagamit nito ay binibigyan ng insentibo sa pag-iipon ng mga steps na maaari nilang ipalit sa mga in-game currency para sa iba’t ibang mga aktibidad o aksyon gaya ng pag level-up ng mga karakter o pagaani ng mga materyales o maging ang pag-upgrade ng mga lupa.

Ang ilan sa mga popular na Move-To-Earn games ay Genopets, StepN, at Sweatcoins kung saan ang mga gumagamit ay kumikita ng crypto sa pamamagitan ng paggalaw at pagtutuloy ng kanilang pangaraw-araw na mga gawain.

Hindi lamang nito binibigyan ng insentibo ang mga gumagamit nito ng crypto ngunit binibigyan din ng mga benepisyal na pangkalusugan sa pamamagitan ng paggalaw at pananatiling aktibo.

Kung wala ka pang Coins.ph na app, maaari ka nang mag-download nito para masimulan at mabuksan na ang iyong Coins Game Wallet!

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.