Ano ang DAOs (Decentralized Autonomous Organizations)?

Ang Decentralized Autonomous Organization (DAO) ay grupo na pinagana ng smart contract upang mag-govern.
Ano ang DAOs (Decentralized Autonomous Organizations)?

Sa mabilis na pag-unlad ng cryptocurrency, maraming developers ang gumagawa ng paraan yung maging  disentralisado ang iba pang mga bagay sa mundo. Patuloy na binabago ng blockchain ang ating kinabukasan -- mula sa pananalapi, pamumuhunan, trabaho, at paglalaro hanggang sa internet, pagtitinda, at sining.

Ngunit, isang mahalagang bagay ang itinuturing na susi bago ang malawakang paggamit sa cryptocurrency – ang pamamahala. Dito pumapasok ang isang DAO.

Ano ang DAO?

Ang Decentralized Autonomous Organization (DAO) ay grupo ng mga tao na pinagana ng smart contract upang pamahalaan ang isang partikular na komunidad, protocol, crypto exchange, desentralisadong aplikasyon, atbp. Dahil sa code, ang organisasyon ay mapangasiwaan ang sarili nito dahil ang smart contract ay tumutukoy at nagpapatupad ng mga kinakailangang tuntunin para sa pagtatala, pagpasa o pagbasura sa mga mungkahi.

Paano Gumagana ang DAO?

Ang DAO ay maaaring magmungkahi ng mga pagbabago o upgrade, na maaaring ipatupad batay sa boto ng nakararami.

Ang istruktura ng pamamahalang ito ay kadalasang may kaban ng kumunidad, na nabuo mula sa isang bahagi ng mga staking reward mula sa mga bagong gawang token o galing mga bayad sa transaksyon. Ang pinakamadaling bersyon ng DAO ay nagbibigay sa bawat miyembro ng isang boto para sa bawat coin/token na hawak nila. Ang isang panukala ay ipapasa kung ang 51% ng mga kalahok ay bumoto pabor sa panukala.

Ang isang bahagi ng kaban ay inilalaan sa anumang mga pagpapabuti o mga aktibidad na kailangan upang maisakatuparan ang panukala. Kung maaprobahan ang panukala nang walang anumang problema, maisasakatuparan ito.

Paano Hinaharap ng DAO ang Korapsyon?

Ang miyembro ng isang DAO ay binibigyang insentibo sa pamamagitan ng mga token. Dahil maraming pera ang dumadaloy sa operasyon ng DAO, ito ay kaakit akit sa mga masasamang loob. Kaya naman ang checks-and-balance system ay ginagamit ng ilang istruktura ng pamamahala upang pigilan ang katiwalian.

Isa sa mga pinakamahusay na halimbawa nito ay ang PolkaDAO. Bago ihain ang isang panukala, dapat magpusta ang miyembro ng DOT coins nito. Kung ang isang panukala ay maipapasa o hindi ay depende sa bilang ng mga DOT coins na kalahok. Ang antas ng consensus na kinakailangan ay kabaliktaran ng bilang ng mga kalahok na DOT coins. Ang bilang ng mga boto ay katumbas ng haba staking ng DOT coins. Ang 32 buwan ay katumbas ng 6x vote na dami.

Kung maipapasa ang isang panukala, maaari pa rin itong i-veto ng Polkadot council na inihalal ng kumunidad. Ang isang teknikal na komite ay maaari ring i-veto ang panukala kung ito ay itinuturing na isang ito ay na-veto.

Ano ang mga Uri ng DAO?

Ang mga DAO ay maaaring ikategorya batay sa kanilang gamit. Bagama't marami pang ibang uri ng DAO, ito ang mga pinakasikat ngayon:

Mga Protocol DAO

Ito ang mga crypto protocol na pinamamahalaan ng komunidad ng mga developers at mga may hawak ng token. Ang DAO ay pinamamahalaan ng mga panuntunang nakalagay sa smart contract nito. Gayunpaman, ang mga may hawak ng token ay maaaring gumawa ng mga panukala kung paano mapapabuti o mababago ang protocol. Maaari ding magmungkahi at bumoto ang mga user sa mga inisyatiba sa marketing, pagbuo ng dApps, o mga bagong paraan upang pamahalaan ang mga pondo DAO.

Mga halimbawa: Aave, Uniswap, MakerDAO, PolkaDAO

Mga Investment DAO

Ang grupong ito ng mga tao ay sumasali sa isang capital pool upang mamuhunan sa mga partikular na asset. Ang mga miyembro ay maaaring bumoto kung paano gagastusin o ipapamuhunan ang kapital. Ang mga karagdagang token ng DAO ay ibibigay kung ang kumikita ang organisasyon sa mga investment nito. Ang halaga ng mga token ng DAO ay kumakatawan sa kung magkano ang nasa kaban ng kumunidad.

Mga halimbawa: MetaCartel, bitDAO, Flamingo DAO

Mga Social DAO

Gumagana ito tulad ng isang club na may kasamang crypto. Nagpasya ang isang grupo ng mga tao na pagsamahin ang kanilang mga crypto, na magsisilbing kanilang katapatan. Ang pangunahing layunin ng isang social DAO ay pagsama-samahin ang mga indibidwal na may parehong interes o layunin. Ang pagiging miyembro ng ganitong uri ng DAO ay nagbibigay sa isang miyembro ng susi sa isang eksklusibong komunidad, insentibo, mga kasuotan, at mga karagdagang mga paraan upang kumita.

Mga Halimbawa: ApeCoin DAO, Friends With Benefits, Krause House

Mga Service DAO

Isa itong organisasyon na pinagsasama-sama ang mga mahuhusay na indibidwal na maaaring magbigay ng produkto o serbisyo sa mga kliyente. Karaniwan, ito ay isang ahensya na tumutugon sa mga kliyente, na nagbabayad ng fees sa DAO treasury at sa service/product provider. Ang mga token ay ibinibigay sa bawat miyembro upang kumatawan sa kanilang kapangyarihan para bumoto. Maaaring bumoto ang mga may hawak ng token sa mga patakaran ng organisasyon, kabilang ang taas ng bayarin para sa mga partikular na serbisyo, mga upgrade sa system, at pamamahala sa pondo.

Mga halimbawa: MetaverseDAO, LexDAO, Tracer DAO

Mga Media DAO

Sa paglitaw ng mga Web3 na bersyon ng social media, ang mga tagalikha ng content at mga konsyumer ay maaari na ngayong gantimpalaan nang hindi umaasa sa mga patalastas. Dahil sa mga token na ibinibigay sa mga miyembro, maaari silang mabigyan ng insentibo sa pamamagitan ng pagsasaliksik at paggawa ng content, pagdidisenyo ng mga graphics, pagbibigay ng mga video, pagsasalin ng mga artikulo, at maging sa marketing ng mga content.

Mga Halimbawa: Decrypt, Bankless DAO, Mirror

Mga Philanthropy DAO

Gaya ng naisip mo, ang pagsasama-sama ng kapital ay maaari ding gamitin sa pagkakawanggawa. Ang paghawak ng mga token, minsan mga NFT, ay kumakatawan sa isang boto sa kung paano dapat ilaan o gamitin ang mga pondo. Marahil ang isang bahagi ng pondo ay mapupunta sa developers ng DAO at isa pang bahagi sa mga institusyong pangkawanggawa. Ang mga patakaran sa DAO ay maaari ding baguhin batay sa pinagkasunduan ng mga miyembro.

Mga Halimbawa: Ukraine DAO, PleasrDAO, Big Green DAO

Ano ang mga Benepisyo ng DAOs?

Trust-Less

Ang mga miyembro ay hindi kailangang magtiwala sa isang pinuno o kumpanya. Ang buong organisasyon ay magpapatuloy anuman ang mangyari sa isang developer o miyembro.

Hindi Ito Maaaring Ipatigil

Ang isang tradisyonal na negosyo ay madali lang ipasara ng gobyerno. Sa kabilang banda, ang tanging paraan upang maitigil ang DAO ay kapag ang mga miyembro ay bumoto dito.

Open-Source

Bukas ang code ng isang smart contract para suriin ng sinuman. Maaari itong i-debug at higit pang mapabuti sa pamamagitan ng mungkahi ng iba pang mga developers.

Anong mga Problema ng DAO sa Kasalukuyan?

Ang DAO ay ang sukdulang hangganan sa ganap na paggamit ng cryptocurrency. Kung mapapalitan nito ang mga tradisyunal na pamahalaan at institusyon na mayroon tayo ngayon ay nakasalalay sa kung kaya nitong lutasin ang mga kasalukuyang problema nito.

Mga Isyu sa Legalidad

Dapat sumunod ang mga organisasyon at negosyo sa mga panuntunan sa isang partikular na hurisdiksyon. Gayunpaman, ang mga DAO ay hindi nakatali sa isang partikular na lugar, kaya  hindi sila kasali sa mga regulasyon at batas. Samakatuwid, ang mga tradisyunal na batas, tulad ng mga buwis at batas pangkorporasyon, ay hindi maaaring ilapat sa mga aktibidad ng DAO.

Kung ang mga token naman ay may ilang partikular na katangian na itinuturing ng Securities and Exchange Commission (SEC) bilang investment securities, ito ay maaaring maging problemang legal para sa DAO.

Panganib ng Pag-atake

Ang open-source code ng mga DAO ay isang tabak na may dalawang talim. Bagama't nagpapakita ito ng pagiging transparent ng organisasyon, maaari rin itong maging daan para sa mga hacker upang humanap ng butas o kahinaan ng system. Ito ay napamalas sa sikat na insidente ng hacking sa The DAO, na humantong sa hard fork ng orihinal na Ethereum blockchain.

Lebel ng Sentralisasyon

Sa kasamaang palad, mayroon paring sentralisasyon sa mga DAO. Sa isang on-chain na istruktura ng pamamahala, kung saan ang halaga ng crypto ay kumakatawan sa laki ng kapangyarihan nitong bumoto, hindi lubusang makakamit ang isang demokratikong sistema. Ang mayayaman ay laging mangunguna. Maaari silang makaipon ng mas maraming kapangyarihan sa pagboto at maimpluwensyahan pa ang iba para bumoto pabor sa kanila.

DAO = Pagbabago sa Modelo ng Pamamahala

Bagama't maraming mga problema, ang konsepto ng DAO ay maaari pa ring mas gumanda at mapabuti sa paglipas ng panahon.

Maraming makabagong paraan ang matutuklasan at gagamin sa mga DAO. Kasama ng DeFi, Web3, at dApps, ang mga DAO ay tiyak na magbibigay-daan sa pagbabago kung paano natin pinamamahalaan ang mga institusyon at negosyo.

Mag-sign up ngayon o i-download ang Coins.ph app para makuha ang pinakabagong balita, tips, at gabay tungkol sa cryptocurrency.

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.