Ano ang DApps?

Decentralized Applications o DApps ay mga application na tumatakbo sa blockchain o ang tinatawag na decentralized P2P na network.

Sa DeFi space, mayroong magkakaibang uri ng mga application sa blockchain na kilala din bilang DApps. DApps ay ang pinaikling bersyon ng decentralized applications, at sa pahayag na ito, aalamin natin kung ano nga ba ang Dapps, ang mga magaganda, mga hindi maayos, at ang mga hindi kaakit-akit na mga bagay ukol dito.

TL;DR

  • Ang DApps ay mga application na tumatakbo sa blockchain tulad ng UniSwap at SushiSwap.
  • Ang pagiging desentralisado ay nangangahulugan na kahit sino na mayroon Web 3.0 na wallet ay maaaring lumahok, walang nagiisang awtoridad, at ang mga application ay patuloy na pinapaunlad.
  • Ngunit ang pagiging desentralisado ay mayroon ding kaakibat na mga panganib gaya ng pagiging lantad sa mga hacks at mga atake, ang mga application na nasa experimental phase at ang mga gumagamit nito ay kinakailangan ng ilang mga kaalaman para makapagsimula gumamit ng DApps.

Ano ang DApps?

Ang Decentralized Applications (DApps) ay umiiral at tumtakbo sa isang blockchain o sa isang peer-to-peer computer network sa halip na sa isang kompyuter lamang. Pinapahintulutan nito ang mga application na maging desentralisado na ibig sabihin hindi ito kontrolado ng iisang pinagmumulan ng awtoridad.

Isipin ito tulad ng Instagram, wala ni isa sa atin ang may access sa source codes ng Instagram maliban na lamang kung ikaw ay empleyado ng Meta. Sa kaso ng DApps, ang mga source codes ay open sources na ibig sabihin kahit sino man ay maaaring mag-access sa mga codes na ito at i-verify kung ang ginagawa ba ng Dapp ay dapat niyang mga tungkulin.

Kasabay nito, ang mga DApps ay pinamamahalaan ng mga gumgamit nito at hindi ng isang entity lamang. Kapag mayroong pagbabago na kailangan gawin, ang mga panukala ay ilalapag para pagbotohan ng mga gumagamit. Subalit, para makaboto sa mga pagbabagong ito, ang mga gumagamit ay dapat na mayroong sarili nila o may hawak silang native token ng kanilang DApp.

Magkakaibang blockchains, magkakaibang DApps

Karamihan sa mga DApps ay binuo sa Ethereum blockchain dahil sa mga katangian ng Ethereum na pagiging blockchain para sa mga smart contracts. At dahil na rin sa technological advancement.

Para sa mas simpleng ideya patungkol sa mga DApps, isipin mo ang mga blockchains bilang iyong mobile phone, gaya ng kung paano natin nagamit ang iOS at Android operating system, ang blockchain ay ang operating system at ang DApps naman ay kahalintulad ng mga application na mayroon ka sa iyong phone gaya ng Instagram, Telegram, Twitter, etc.

Mayroong iba’t ibang DApps na may magkakaibang gamit gaya ng gaming, finance, at maging ang social media.

Pagkakaiba sa pagitan ng Web 2.0 at Web 3.0 Apps?

Kung titignan natin ang standard application, ito ay maihahalintulad sa YouTube at Twitter. Ang mga app na ito ay Web 2.0 application. Sa kabaliktaran, ang mga decentralized applications gaya ng Odysee at Diamond ay ang katumbas na Web 3.0 ng nasabing mga Web 2 application.

Sa Web 2.0 applications, mayroon tayong mga gumagamit na nagbibigay ng mga impormasyon sa isang kumpanya. Sa backend ng Twitter, ang kanilang mga codes ay kontrolado, ibig sabihin piling grupo lamang ng mga tao ang may access dito at ang mga code na ito ay siyang nagkokontrol sa algorithm ng kung ano ang nakikita natin sa Twitter, kanino tayo nakakonekta, anong mga tampok ang mayroon para sa atin, at kung minsan ay pwede nila kontrolin ay mga maaaring may access sa application.

Kabaligtaran sa isang DApp, ang source codes ay open-source ibig sabihin, ang code ay malayang magagamit ng ilang Dapp developers. Ang mga gumagamit naman sa kabilang banda, ay hindi kinakailangan magbigay ng impormasyon patungkol sa kanilang mga sarili, ang kailangan lang nila ay ang Web 3.0 wallet na papahintulutan sila na i-access ang mga DApps na ito.

Mga Advantages ng DApps

Tulad ng nakararami, may mga kalamangan at kahinaan sa paggamit ng DApps na sa huli ay maaaring maging salik ng pagpapasya kung gagamit ka o hindi ng DApps o mananatili sa mga Web 2.0 na application.

Resistant to a single point of failure

Ang pagiging natural na desentralisado, ang mga DApps ay hindi kontrolado ng iisang entity at tumatakbo ito sa P2P na mga kompyuter. Nangangahulugan na walang single point ng failure o outage.

Kung ikukumpara naman ito sa isang application gaya ng Facebook, kung ang server nila ay bababa o nasa maintenance, maaaring nagpapahiwatig din ito ng outage sa ibang applications na mayroon sila gaya ng Whatsapp, Instagram, at Messenger.

Resistant to censorship

Kapag tayo ay nag sign up para sa account sa Web 2.0 application, kinakailangan nating magbigay ng mga impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan, national identification number, at iba pa. Subalit sa DApp, ang kinakailangan mo lamang ay ang Web 3.0 wallet gaya ng MetaMask para masimulan maaccess ang iba’t ibnag DApps na mayroon sa internet, kahit na hindi ka magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa iyong sarili.

Sa karamihan ng Web 2.0 application, maaaring mayroon iilang mga gumagamit na hindi maka-access ng ilang tampok o mga serbisyo, ang pinakamasama pa, mayroon ding posibilidad na ang mga gumagamit ay maaaring ma-ban o ma-restrict sa paggamit ng application. Kung ikukumpara sa DApps, ang pagiging desentralisadong ay ginagawa itong resistant to censorship.

Patuloy na Pagpapaunlad

Dahil ang mga codes sa DApps ay open-sourced, naghihikayat ito ng mas mabilis at mas ligtas na pagpapaunlad ng kasalukuyang DApps na mayroon tayo sa merkado. Gaya ng kung paano lumago ang yield-farming mula sa native farms patungong vault at ngayon ay yield aggregators na tumutulong para awtomatikong ma-compund ang iyong yields lahat sa pamamagitan ng smart contracts.

Mga Disadvantages ng DApps

Sa pagkakaroon ng advantages, mayroon ding mga disadvantages na kasama ang mga pagpapaunlad sa teknolohiya.

Madaling pasukin ng pagsasamantala at pag-hack

Dahil nga ang mga codes ng application ay open-sourced, mga masasamang loob ay maaaring at talagang makakapasok sa pamamagitan ng codes at paghahanap ng mga loopholes o mga possibleng kahinaan na maaaring pagsamantalahan at ubusin ang pondo na mayroon sa mga DApps. Mas inirerekomenda pa din na ilagay ang majority ng iyong crypto sa isang cold wallet kung saan hindi ito konektado sa internet.

Ang mga DApps ay nasa Experimental Phase

Dahil ang DApps ay patuloy na pinapaunlad ng iba’t ibang mga developers, ang user interface nito ay maaaring hindi pa kasing ganda at ayos kumpara sa mga standard application kung saan maraming developers ang nagtutulungan para masiguro na walang error sa mga code.

Bilang ang mga codes ay open source, may mga ilang developers na naghahanap upang buuin ang sunod at mas mabuting bersyon ng SushiSwap, PancakeSwap, at ilan pang mga DApps na mayroon sa merkado. Sa pamamagitan nito, maaaring mayroong mga hindi inaasahang problema gaya ng scalability issues na nangyayare kapag ang DApps ay may biglaang dumog ng mga gumagamit, na hindi kaaya-aya sapagkat ginagawa nitong unstable ang DApp, na nagreresulta ng pagkawala ng mga gumagamit na silang importanteng bahagi ng ecosystem.

Kaalamang Kinakailangan sa Paggamit ng DApps

Gaya ng anumang application na mayroon tayo, mas maraming gumagamit mas mataas ang tsansa ng tagumpay nito. Subalit, habang dinaanan natin, ang user interface ay maaaring hindi maging strong suite para sa mga developers na maaaring gawing hindi kaakit-akit ang DApps. Dagdag pa rito, sa paglipat mula sa centralized app gaya ng exchange patungong decentralized echange ay may kaakibat na mga hamon din. Ang mga gumagamit ay kinakailangan magkaroon ng know-how ng pagtransfer ng mga assets, alamin kung anong mga functionalities ay mayroon, at aralin kung paano gamitin ang DApps, na kinakailangan ng oras para maging mas pamilyar dito.

Gayunpaman, sa paglipas at pag-unlad ng teknolohiya, maaaring magsimula tayong makakita ng mas maraming DApps na naka-catered sa mga gumagamit na mayroon limitadong kaalaman pero magsisilbing isang starting point para sa mas madaming advanced DApps na may madaming kapasidad.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.