Ano ang Decentralized Exchange (DEX)?

Ang mga DEX ay mga peer-to-peer na merkado o mga platform kung saan ang mga mangangalakal ng cryptocurrency ay maaaring direktang makipagpalitan sa sa isa't isa nang walang sentral na awtoridad na humahawak o namamahala sa kanilang mga asset.

TL:DR

  • Ang mga DEX ay mga peer-to-peer na merkado o mga platform kung saan ang mga mangangalakal ng cryptocurrency ay maaaring direktang makipagpalitan sa sa isa't isa nang walang sentral na awtoridad na humahawak o namamahala sa kanilang mga asset.
  • Upang awtomatikong maisagawa ang mga peer-to-peer na palitan, ginagamit ang mga “smart contracts” o mga naka-program na kasunduan sa platform
  • Ang Coins.ph ay isang sentralisadong palitan ng cryptocurrencies na nagpapahintulot sa mga ordinaryong Pilipino na mag-trade at mamuhunan sa crypto kahit na sa kaonting halaga.
  • Ang mga desentralisadong palitan ay nag-aalok ng  iba’t ibang paraan para kumita, lalo na sa mga oportunidad sa  yield farming, kung saan ang mga liquidity provider ay nagpapahiram ng kanilang crypto sa palitan at tumatanggap ng mga gantimpala bilang kapalit.
  • May tatlong uri ng DEX: Automated Market Makers (AMM), Order Book DEXs, at DEX Aggregators.
  • Upang magamit ang mga DEXs, kailangan mong bumili ng kanilang mga “native token” para mabayaran ang mga transaksyon sa palitan

Ang mga DEX ay mga peer-to-peer na merkado o mga platform kung saan ang mga mangangalakal ng cryptocurrency ay maaaring direktang makipagpalitan sa sa isa't isa nang walang sentral na awtoridad na humahawak o namamahala sa kanilang mga asset. Upang mapadali ang mga pagpapalitang ito, ginagamit ang mga "smart contract," o mga naka-program na mga kasunduan.

Ang layunin ng decentralized exchanges (DEXs) ay alisin ang pangangailangan para sa isang sentral na namamahala upang subaybayan at aprubahan ang mga transaksyon sa loob ng palitan. Ang palitan ng peer-to-peer (P2P) ng mga crypto ay ginawang posible sa pamamagitan ng mga desentralisadong platform ng pananalapi tulad ng Dexs. Ang terminong "peer-to-peer" ay tumutukoy sa isang online na app o website na pinagsasama-sama ang mga taong gustong bumili at magbenta ng mga crypto nang direkta sa isa't isa.

Ang mga “non-custodial wallet” ay nagbibigay-daan sa mga user na mapanatili ang pagmamay-ari ng kanilang mga “private key”. Upang magamit nila ang kanilang cryptocurrency, ang may-ari ay kailangang gumamit ng private, na isang uri ng kumplikadong encryption. Pagkatapos ng matagumpay na pagkilala ng platform sa private key ng user, magkakaroon sila ng agarang access sa kanilang mga crypto holdings. Ang mga gustong manatiling anonymous o hindi magpakilala ay matutuwangmarinig na hindi na nila kailangang magbigay ng anumang impormasyon na maaaring magamit upang makilala sila.

Ang mga automated market makers at iba pang inobasyon na tumulong sa paglutas ng mga problema sa liquidity ay umakit sa mga tao sa decentralized finance (DeFi) at tinulungan itong lumago. Ang mga aggregator ng DEX at mga extension ng wallet ay nakatulong sa mga desentralisadong platform na lumago nang mas mabilis sa pamamagitan ng paglutas at pagpapaganda ng mga presyo ng token, bayad sa palitan, at “slippage”.

Sentralisadong Palitan kumpara sa Desentralisadong Palitan

Karamihan sa mga crypto trade ay nangyayari sa mga sentralisadong palitan dahil pinagkakatiwalaan ang mga ito ng mga tao at iniisip nilang mas ligtas ditong magimbak ng kanilang mga asset. Dagdag pa, ginagawa nilang mas madali ang pagpapalitan para sa mga baguhan. Ang paghawak ng mga asset sa isang sentralisadong merkado ay maaaring mapanganib, ngunit ang ilan sa mga ito ay nag-aalok ng insurance.

Ang Coins.ph ay isang sentralisadong palitan para sa mga cryptocurrencies. Dahil ito ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay itinuturing na isa sa pinakaligtas na palitan ng crypto sa bansa. Dahil sa mas mababang barrier to entry, ang mga ordinaryong Pilipino ay nakakapag-trade at namumuhunan sa crypto kahit na sa mababang halaga.

Ang isang sentralisadong palitan ay nagbibigay ng mga serbisyong katulad ng ibinigay ng bangko. Pinapanatili ng bangko na ligtas ang pera ng mga customer nito at nag-aalok ng mga serbisyong pagsubaybay. Ginagawa nitong mas madali ang paglipat ng pera sa pagitan ng mga account.

Sa kabilang banda, ang mga taong gumagamit ng desentralisadong palitan ay maaaring gumawa ng mga transaksyon mula mismo sa kanilang mga wallet sa pamamagitan ng paggamit ng mga smart contracts na nagpapatakbo ng platform. Ngunit mayroong kondisyon dito: Dapat na protektahan ng mga mangangalakal ang kanilang kapital at pasanin ang mga panganib kung mali ang kanilang pamamahala sa kanilang mga pondo. Kapag nawala ng namumuhunan ang kanyang mga private key o nagpadala ng mga sa maling address, karaniwan ay kakaunti o wala nang solusyon dito.

Ang isang user ay maaaring magdeposito ng pera sa isang desentralisadong palitan, at bilang kapalit ay makakatanggap sila ng "I owe you" (IOU) na maaaring gamitin upang makipagpalitan sa network. Ang isang IOU ay maaaring ituring na isang token batay sa blockchain na katumbas ng halaga sa pinagbabatayan na asset.

Ang mga blockchain na gumagamit ng smart contracts ay nagbigay ng pundasyon para sa pagbuo ng mga sikat na desentralisadong palitan. Ang mga ito ay batay sa layer-one na mga protocol, na nangangahulugan na sila ay itinayo sa blockchain mismo. Ang Ethereum blockchain ay ang pundasyon para sa karamihan ng mga sikat na DEXs ngayon.

Sa mga desentralisadong palitan, pinapanatili ng mga user ang pag-iingat ng kanilang pera. Ang mga gastos sa transaksyon at mga bayarin sa pangangalakal ay kinakalkula sa tuwing nakikipagtransaksyon ang user sa network ng blockchain.

Mga Uri ng Desentralisadong Pagpapalitan

Automated Market Makers (AMM)

Ang problema sa liquidity ay nalutas sa pamamagitan ng paggawa ng isang platform batay sa smart contracts na may automated market maker (AMM). Ang mga AMM na ito, na tinatawag na "blockchain oracles," ay umaasa sa mga serbisyong binuo sa distributed ledger technology upang matukoy ang halaga ng mga na-trade na asset. Ang mga smart contracts na nagpapatakbo ng mga desentralisadong palitan na ito ay gumagamit ng mga liquidity pool, o mga pool ng mga asset na napondohan na upang tumugma sa mga buy at sell na order.

Ang Uniswap ($UNI) at PancakeSwap ($CAKE) ay ilan sa mga pinakasikat na AMM exchanges ngayon.

Ang mga tagapagbigay ng liquidity ay naglalagay ng pera sa mga pool upang makakuha sila ng bahagi ng mga bayarin sa transaksyon kapag binili o ibinebenta ng mga mangangalakal ang pares ng crypto na iyon. Ang mga liquidity provider ay dapat maglagay ng halagang katumbas ng halaga ng parehong asset sa trading pair para makakuha ng gantimpalang cryptocurrency. Kung susubukan nilang maglagay ng magkaibang halaga ng mga asset, ihihinto ng smart contract na sumusuporta sa pool ang transaksyon. Hinahayaan ng mga liquidity pool ang mga mangangalakal na punan ang mga order at kumita ng pera nang hindi kinakailangang umasa sa ibang mga kalahok sa merkado o makuha ang kanilang tiwala.

Ang slippage ay isang problema kapag walang sapat na liquidity para sa AMM, kaya ang mga market na ito ay kadalasang kinakalkula base sa total value locked (TVL) na nasa kanilang mga smart contract. Kapag walang sapat na supply sa palitan, maaaring mag-slide ang mga order, na magsasanhi para tumaas ang bayad sa binili ng higit pa kaysa sa karaniwang rate. Dahil ang malalaking order sa mga platform na ito ay maaaring makaranas ng slippage kung walang sapat na liquidity, maaari itong maging sanhi ito upang hindi nila gamitin ang mga DEXs.

Kapag ang mga liquidity providers ay naglagay ng dalawang asset sa isang pares ng kalakalan, nanganganib silang pansamantalang mawala ang dalawa sa mga ito. Maaaring mas kumonti ang isa sa kanila na nasa liquidity pool kung nakakaranas ito ng mas maraming volatility kaysa sa isa. Ito ay tinatawag na "impermanent loss."

Ang pagkawala ay itinuturing na pansamantala dahil ang presyo ay maaari pa ring tumaas at ang mga trades ay maaaring balansehin ang ratio ng pares. Inilalarawan ng ratio ng pares ang proporsyon ng bawat asset sa liquidity pool. Dagdag pa, ang impermanent loss ay maaari paring mabawa dahil sa bayarin sa trades.

Mga Order Book DEX

Sinusubaybayan ng mga order book ang lahat ng available na buy at sell order para sa bawat pares ng asset. Ang isang buy order ay nagpapahiwatig ng layunin ng isang mamimili na bumili ng isang asset sa presyong gusto nito (bid), samantalang ang isang  sell order ay nagpapahiwatig ng layunin ng isang nagbebenta na magbawas ng isang asset sa hinihinging presyo. Ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay tumutukoy sa presyo ng merkado at lalim ng order book sa palitan.

Pagdating sa order books, maaaring hatiin ang mga DEX sa dalawang kategorya: on-chain at off-chain. Karamihan sa mga order book na DEX ay nag-iimbak ng mga pondo sa labas ng chain habang pinapanatili ang data ng order sa loob ng chain (on-chain). Sa pamamagitan ng paggamit ng leverage, o paghiram ng pera mula sa mga nagpapahiram sa platform, maaaring pataasin ng mga mangangalakal ang kanilang mga potensyal na kita. Ang leverage trading, kung saan mas maraming pondo ang hinihiram upang mapalaki ang isang posisyon, ay parehong pinapataas ang potensyal na tubo at ang panganib kung sakaling matalo ang posisyon.

Ang pangunahing DEX sa Solana ($SOL) ay tinatawag na Serum, isang on-chain na desentralisadong palitan na pwedeng kumunekta sa iba pang mga third party.

Sa kabilang banda, ang mga DEX na nagpapanatili ng kanilang mga order book sa off-chain ay nagsasagawa lamang ng mga transaksyon sa blockchain, na nagbibigay sa mga mangangalakal ng mga benepisyo ng mga sentralisadong palitan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga off-chain order book, makakatipid ng oras at pera ang mga palitan, at matitiyak ng mga user na magagawa ang mga transaksyon sa presyong inaasahan nila.

Mga Aggregator ng DEX

Upang matugunan ang mga isyu sa liquidity, gumagamit ang mga aggregator ng DEX ng iba't ibang mga protocol at diskarte. Pinagsasama-sama nito ang liquidity ng maraming DEX upang mabawasan ang slippage sa malalaking order, i-optimize ang mga gastos sa palitan at mga presyo ng token, at bigyan ang mga mangangalakal ng pinakamahusay na exchange rate at mga kondisyon sa pinakamaikling panahon.

Isa sa mga pangunahing layunin ng mga aggregator ng DEX ay protektahan ang mga customer mula sa mga pagbabago sa presyo at bawasan ang bilang ng mga nabigong transaksyon. Gumagamit ang ilang non-custodial DEX aggregator ng liquidity mula sa mga central exchange para gawing mas mahusay ang karanasan ng user.

Ang 1inch ($1INCH) ay kasalukuyang pinakasikat na DEX aggregator.

Patuloy na Paggamit sa Cryptocurrencies

Nilulutas ng mga desentralisadong palitan ang maraming problema at nagbibigay ng napakaraming benepisyo sa mga user.

Maaaring lumabas ang mga bagong application sa hinaharap dahil nakabatay ang mga system na ito sa smart contracts na maaaring tumakbo nang mag-isa. Mas maraming inobasyon ang tiyak na magtutulak sa mas malawakang paggamit ng crypto sa mga darating na taon. Ang mga taong sinamatala ang pagkakataon ay aani ng mas malaking gantimpala.

Huwag mapag-iwanan! Galugarin ang mundo ng DeFi ngayon sa pamamagitan ng pagsali sa aming komunidad ng Coins.ph.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.