Ang Dogecoin ay isang cryptocurrency na token na binuo bilang isang meme noong taong 2013, ngunit mabilis itong naging popular at naging isang paraan para ipambayad online. Ang layunin ng pahayag na ito ay makapagbigay ng kabuuang ideya tungkol sa ekonomiya ng Dogecoin token, kasama na ang kasaysayan nito, ang network support, kamakailangan mga update, at mga trivia.
Ang Dogecoin ay ginawa ng mga programmers na sina Billy Markus at Jackson Palmer bilang isang biro ngunit mabilis na sumikat ito sa internet dahil sa pagiging simple nito at sa suporta mula sa mga personalidad gaya ng negosyanteng si Elon Musk. Ang token na ito ay pangmalawakang ginagamit para sa pagbabayad online at pagsasagawa ng mga donasyon, pati na rin para sa layuning pamumuhunan.
Ang Ekonomiya at mga Update sa Token
Ang Dogecoin ay nakabatay sa teknolohiya ng blockchain at mayroong matinding pokus sa komunidad at pakikipag-ugnayan sa lipunan. Ang token na ito ay kilala din sa pagkakaroon ng mataas na volatility, na nangangahulugang ang mga presyo ay mabilis na nagbabago-bago. Dagdag pa rito, ang Dogecoin ay walang limitasyon sa usapang supply, ibig sabihin ang dami ng umiikot na token ay maaaraing tumaas nang walang katapusan. Tugma din ang Dogecoin sa karamihan ng mga cryptocurrency exchange, gaya ng Coins.ph, Binance, Coinbase, at Kraken. Bilang karagdagan, sinusuportahan din nito ang malawak na hanay ng mga cryptocurrency wallet, gaya na lamang ng Ledger at Trezor.
Kamakailan, ang pangkat sa likod ng pagpapa-unlad ng Dogecoin ay naglabas ng mga update para pagbutihin pa ang sclability at seguridad ng network. Bilang dagdag, ang pangkat ay nagtatrabaho sa pakikipagtulungan sa iba pang kumpanya ng cryptocurrency para itaas ang paggamit ng token.
Ang mga developers ay pinapabuti din ang memory management ng network at nagdagdag ng configuration para sa mga gumagamit upang magkaroon ang wallet nila ng backup directory. Higit pa rito, ang fee stabilization mechanism para sa Dogecoin ay isinabay na din sa paglulunsad. Si Elon Musk, ang tinaguriang “Dogefather”, ay nag-tweet tungkol sa update na ito, at ang gumawa naman ng Dogecoin na si Billy Markus ay nagbahagi ng istorya nito sa Twitter,
Konklusyon
Ang Dogecoin ay may kakaibang pamamaraan ng pamamahagi na siyang nagbibigay kalamangan dito kumpara sa ibang mga cryptocurrency. Sa halip na magkaroon ng sentral na awtoridad na siyang nagkokontrol ng supply ng coin, ang panukala ng Dogecoin ang siyang namamahagi ng mga bagong coins sa mga miner nang hindi nagiiba-iba. Tinitiyak nito na ang mga coin ay laging nariyan para gamitin nang walang kahit na anong pangongontrol.
Ang Dogecoin ay isang patuloy na sumisikat na cryptocurrency na ginagamit sa maraming lugar sa buong mundo. Ang pagkakaroon nito ng mababang transaction fee, mabilis na transation time, at desentralisadong pamamahagi ang naging daan upang maging kaakit-akit ito na pagpipiliian para sa maraming indibidwal at mga negosyo. Habang mas maraming tao nakakaalam sa Dogecoin at sa potensyal nito, mas mataas ang possibilidad na mas magiging popular pa ito sa hinaharap.
Paano Bumili ng Dogecoin(DOGE)?
Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:
- Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
- Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
- Step 3: Piliin ang DOGE/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
- Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
- Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph