Ano ang GALA?

Ang GALA ay isang token na inilunsad ng Gala Games, tagapaglathala ng mga laro sa blockchain gaya na lamang ng Town Star at Spider Tanks.

Ang GALA ay isang token na inilunsad ng Gala Games, tagapaglathala ng mga laro sa blockchain gaya na lamang ng Town Star at Spider Tanks.

TL;DR:

  • Ang GALA ay inilunsad ng Gala Games, isang Web3 entertainment ecosystem, na naglalathala ng mga laro para sa blockchain gaya na lamang ng Town Star at Spider Tanks.
  • Ito ang pangunahing cryptocurrency na tinatanggap para makabili sa plataporma ng Gala Games.
  • Ang token na ito, GALA, ay nakalista na sa Coins.ph, isa sa mga unang lisensyado at regulated na cryptocurrency exchange sa Pilipinas, kung saan ang mga Pilipino ay maaari ng magpalit ng PHP para makabili at makahawak ng GALA sa mas madaling paraan.

Ang GALA ay isang Web3 entertainment ecosystem na naghihikayat at nagpapalakas sa mga gumagamit nito na magkaroon ng sarili nilang assets at kumita ng mga gantimpala mula sa mga laro at musika.

Sa pamamagitan ng blockhain, nagagawa na ng GALA na ipasok ang kanilang pagmamay-ari sa magkakaibang antas ng entertainment experience ng isang manggagmit. Pinakamainam itong ipinakita sa pamamaraan ng paglalaro, kung saan ang manlalaro ng Gala ay maaari ng makakuha ng sarili nitong in-game assets gaya na lamang na lupa kung saan nagaganap ang mga labanan, ang mga armas na pagmamay-ari ng mga avatar, o maging ang avatar mismo.

Pag-aari ng mga larong ito ay nangangaluhugang ang manlalaro ay maaari ding magbenta o mangalakal para sa Gala Games token (GALA), ang kagamitan ng token na ito sa plataporma at ang daluyan ng palitan sa pagitan ng mga manlalaro ng Gala.

Ano ang GALA token?

Ang GALA ang ang opisyal na cryptocurrency sa ekosistema ng Gala Games at ito din ang pangunahing crypto na tinatanggap par pambili sa plataporma ng Gala Games.

Para sa mga nagpapatakbo ng Founder’s Nodes upang mapagana ang desentralisadong network sa paglalaro ng GALA, ang GALA ay ipinamamahagi bilang pangaraw-araw na gantimpala. Sa paparating na paglulunsad ng proprietary blockchain ng Gala, ang GALA ay gaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapanatili at pagpapalago ng kabuuang ekosistema ng Gala.

Ano ang mga laro na maaari kong laruin sa Gala?

Ang Gala Games ay naglalayong bumuo ng isang mundo para lamang sa desentralisadong paglalaro. Gamit ang bawat bagong proyekto sa Gala Games, isang bagong ekonomiya ng Web3 ay nilikha. Ang ekonomiyang ito ay kayang makapagbigay ng isang merkado, maglaan ng gantinmpala sa pakikilahok, at marami pang iba.

Narito ang ilan sa mga laro na binuo ng Gala Games sa ngayon:

  • Town Star — Simulation
  • Mirandus — Fantasy RPG
  • Spider Tanks — PvP Brawler
  • Fortitude — Tower Defense
  • Echoes of Empire — Strategy, 4X
  • Superior — Roguelite, Third-Person Shooter
  • Legacy — Business Sim
  • Legends Reborn — Card, Strategy
  • Champions Arena — Turn-Based RPG
  • GRIT — Battle Royale
  • Battlestar Galactica Eternety — Strategy, 4X MMO
  • The Walking Dead: Empires — Survival MMORPG
  • Eternal Paradox — 4x, Turn-Based RPG
  • Last Expedition — Survival FPS

Ano ang Town Star?

Ang Town Star ay kahalintulad sa Farmville kung saan ang pangunahing layunin ay makabuo ng mga mapagkukunan at ibenta ito sa kabilang bayan. Ang pera na nakukuha mula dito ay maaaring gamitin upang i-upgrade pa ang iyong kalupaan para mas maging produktibo ito. Ang mga manlalaro ay maaaring kumita sa pamamagitan ng pangongolekta at paggamit ng mga in-game NFT na nagpapahusay sa gameplay nito sa magkakaibang paraan.

Ang mga NFT na maaari mong gamitin sa Town Star ay kikita din ng mga TOWN token base sa pagkapambihira ng NFT na iyon. Ang pagppwesto ng NFT na iyon sa iyong sakahan ay magbibigay daan sa iyo na kumita pa ng mga gantimpalang TOWN token kada pagkumpleto mo ng pangaraw-araw na hamon. Mayroon ding tinatawag na Gala Power, na tumutukoy sa bilang ng mga NFT na maaari mong gamitin sa iyong sakahan. Ang Gala Power na ito ay nakabase sa maraming salik, gaya na lamang ng bilang ng Gala token nasa iyong pitaka, referrals, edad ng iyong account, TOWN coin holding, at marami pang iba. Dagdag pa rito, mayroong lingguhang kompetisyon kung saan ang mga manlalaro ay maaaring manalo ng GALA coins at mga in-game assets.

Ano ang Spider Tanks?

Sa Spider Tanks, ang mga manlalaro ay kikita sa pamamagitan ng pakikipaglaban at pagpapanalo sa araw-araw gamit ang sarili nilang NFT Tanks. Ang “Tank” ay maaaring binubuo ng isang kumpletong Tank gaya ng “Snoop’s Bumpin’ Lowrider” o “Santa’s Slay,” o ang kombinasyon ng kahit na anong armas at pangangatawan.

Kapag naglaro ka gamit ang mga piraso ng iyong pag-aari sa garahe ng Spider Tanks, kikita ka ng SILK, ang opisyal na gantimapalang token sa Spider Tanks. Maaari mong gamitin ang SILK na ito upang makabili ng mga blueprint at ilang mga component na magagamit mo upang i-upgrade pa ang lebel ng iyong Tank.

Parehong nag-aalok ang Town Star at Spider Tanks ng paminsan-minsang mga paligsahan at mga premyo na bukas kahit sa mga hindi nagmamay-ari, at ang mga Gala Games na ito ay libre lamang laruin.

GALA node

Bilang karagdagan sa napakarami nitong tampok, ang ekosistema ay nag-aalok din ng Nodes. Ang GALA node ay isang sistema kung saan ang mga gumagamit ay maaring magpatakbo ng isang node, na nagbibigay ng computational resources sa Gala Games’ decentralized gaming network kapalit ng mga gantimpala. Ang mga gumagamit ay gagantinpalaan para sa kanilang ambag sa ekosistema gamit ang $GALA token o mga NFT na unlimited edition.

Project GYRI

Ang GYRI project ng Gala ay ang unang blockchain na binuo ng mga game developers para matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng mga laro. Naglalapat din ito ng mga konsepto tulad ng "listen to win" "watch to win" at iba pa.

Sa paglulunsad ng Gala Music at ang intensyong palaguin ang ekosistema ng Gala, ang pagpapa-unlad ng proprietary blockchain ay may kaakibat na pagpapahalaga. Ang blockchain na ito ay maaring makapagpataas ng pagkabisa nito, bawasan ang epekto sa kalikasan, at bawasan ang mga gastos at oras ng transaksyon sa loob ng ekosistema. Ito ay magbibigay daan sa mga bagong kakayahan at mga pagpapalawak ng mga posibilidad para sa ekosistema ng Gala. Bilang dagdag, itataas din nito ay seguridad ng mga manlalaro at pasimplehin ang koneksyon ng mga developers sa mga ecosystem assets.

  • Mas pinabilis na transaksyon
  • Nabawasan ang epekto sa kalikasan
  • Mas mababang network fees
  • Mas mababang minting costs
  • Interoperability sa buong Gala World
  • Kakayahang maglipat sa/mula sa Ethereum
Ang GYRI project ay isang test blockchain, kung saan ang teknolohiya ay binuo at sinusubok hanggang sa maipatupad na ang opisyal na blockchain.

Komunidad ng Gala Games

  • @GoGalaGames (Twitter: 416,000  followers)

Sumali sa Gala Games Discord community at Coins.ph Telegram Community para alamin at matuto pa ng ilang impormasyong tungkol sa Gala at Coins.ph

Paano makakabili ng Gala Games (GALA)?

Gamit ang Coins Buy & Sell Crypto Portal:

  1. Step 1: Mag log in lamang gamit ang inyong Coins.ph account, at kung wala ka pang app nito, pwede mo itong idownload sa App Store o Google Play.
  2. Step 2: Mag cash in ng nais mong halaga patungo sa Coins.ph wallet mo.
  3. Step 3: Maaari ka ng makabili ng $GALA na token bilang bahagi ng iyong crypto portfolio.

Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:

  1. Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
  2. Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
  3. Step 3: Piliin ang GALA/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
  4. Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
  5. Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.