Ano ang Move-To-Earn?

Ang Move-To-Earn games ay nagpapahintulot sa mga users na kumita ng cryptocurrencies sa pamamagitan ng paggalaw at pagtuloy nila sa kanilang mga gawain sa bawat araw. Narito ang 3 pangunahing Move-To-Earn games na pwede mong isaalang-alang.

Ang Move-To-Earn (M2E) ay nagbibigay gantimpala gamit ang cryptocurrencies sa mga tao sa paggalaw at paglalakbay nila sa totoong mundo. Ngunit hindi lang ‘yon ganun kasimple. Mayroong iba't ibang mga paraan ang mga platform upang gumana ang kanilang ekonomiya at magbigay ng mga benepisyo sa mga tao. Pinagsama-sama ng mga move-to-earn na app ang mga teknolohiya ng GPS, NFT, blockchain, at GameFi para subaybayan ang mga galaw ng mga tao at bigyan sila ng mga gantimpala.

Bukod sa pagtakbo at pagkuha ng mga token, ang mga manlalaro ay maaari ding makisali sa lahat ng karaniwang aktibidad sa crypto para kumita, tulad ng staking, yield farming, minting, trading, atbp.

Paano Nagsimula ang Move-to-Earn

Simula nang mabilis itong sumikat bilang pinakamainit na bagong inobasyon sa Web 3.0, ang move-to-earn ay nagbibigay-gantimpala sa mga tao para sa pakikisalamuha sa labas at pagpapaganda ng katawan.

Nang magsimulang bumagsak ang presyo ng crypto, ang Move-To-Earn coin ay kasama ding bumagsak mula sa mataas nitong presyo. Ngunit, hindi tulad ng maraming cryptocurrencies, ang industriya ng move-to-earn ay higit pa sa merkado na nakasalalay lamang sa haka-haka. Nagbibigay ito ng halaga sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao na mag-ehersisyo para makakuha ng mga gantimpala o rewards. Sa pamamagitan din ng pagsali sa application or mga paligsahan, sila ay maaaring makakuha ng mga karagdagang rewards.

Sa kabila ng pagsikat nito kamakailan, ang Move-To-Earn ay hindi na pala isang bagong konsepto. Maraming negosyo ang lumikha ng mga pang-ehersisyong aplikasyon na nagbibigay sa mga tao ng mga reward, gaya ng mga gift card at vouchers, kapalit ng kanilang pagsisikap.

Noong 2016, inilabas ang Pokémon Go, isang “augmented reality game” kung saan ang mga manlalaro ay kailangang maghanap ng Pokémon sa mga lansangan. Ang mga manlalaro ay maaari ring bumuo ng mga koponan at makisali sa mga kapanapanabik na laban. Gamit ang konseptong ito, ang Lympo ay inilunsad noong 2018, na nagbabayad ng $LYM token sa mga tao upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Maraming Move-To-Earn na proyekto ang gumagamit ng ganitong mekanismo, ngunit ang mga Web 3.0 app na ito ay maaaring magbigay ng crypto sa mga gumagamit nito. Ang ilan sa mga mas sikat na Move-To-Earn na laro ay gumagamit ng NFT character at mga senaryo sa laro upang hikayatin ang mga taong makilahok at pasiglahin ang kanilang mga ekonomiya.

Mga Paraan Para Kumita sa M2E Dapps

Maraming mga paraan upang kumita mula sa mga M2E na platform. Subalit, hindi lahat ng ito ay nangangailangan ng pag-ehersisyo o pakikisalamuha sa ibang tao. Narito ang ilan sa mga paraan kung paano kumita mula sa mga move-to-earn DApps.

Kumuha ng mga NFT (Minting)

Ang ilan sa mga pinakasikat na platform ng M2E ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro na makakuha ng mahahalagang NFT. Halimbawa, ang StepN ay may “Shoe-Minting Event” kung saan ang dalawang Sneakers ay maaaring “mag-breed” para gumawa ng bagong Sneaker NFT. Ang mga manlalaro ng Genopets ay maaari ding gumawa ng bagong "Habitats", na mga virtual world NFT na maaaring ibenta o rentahan ng ibang mga manlalaro upang magkaroon ng karagdagang kita.

Pagkalakal ng NFT at Token (Trading)

Ang mga NFT at token ng mga M2E apps ay maaaring ipagpalit sa crypto o totoong pera sa iba't ibang palitan, at ang mga presyo ng mga NFT at token na ito ay naka-link sa demand at kasikatan ng larong M2E. Kung mas sikat ang laro, mas mataas ang demand, na nagpapataas ng mga presyo ng mga NFT at mga token nito.

Pagpusta (Staking)

Ang ilang M2E ay pinapayagan din ang mga manlalaro na ipusta (stake) ang kanilang mga token at NFT upang makakuha ng mga karagdagang reward sa hinaharap. Depende sa mekanismo ng GameFi, ang ilang M2E na laro ay nagbibigay ng magagandang benepisyo sa staking. Sa Genopets, ang staking ng $GENE ay magbibigay ng $GENE rewards, NFT distribution, $KI token airdrops, in-game boosts, access sa karagdagang in-game na feature, at governance voting.

Tatlong Nangungunang Move-to-Earn App Ngayon

Ang paggamit sa mga platform ng M2E ay ang unang hakbang upang gawing higit na "kapaki-pakinabang" ang  ehersisyo. Sa dami ng M2E na pwedeng gamitin, maaaring malito ka sa labis na impormasyon. Gayunpaman, kung nagsisimula ka pa lamang, mas mabuting subukan mo muna ang mga pangunahing platform ng M2E. Nasa ibaba ang tatlong nangungunang M2E batay sa kasikatan!

StepN

Ginawa gamit ang Solana (SOL) blockchain, ang StepN ngayon ang pinakasikat na M2E Web 3.0 app. Ang mga manlalaro ay kailangang bumili ng isang pares ng mga Sneaker NFT bilang paunang puhunan. Pagkatapos nito, ang paglalakad, pagbibisikleta, at pagtakbo ay magbibigay sa iyo ng mga reward na Green Satoshi Token ($GST). Sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa application at pag kumpleto ng mga gawain, ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng karagdagang GST.

Maaaring gamitin ang mga GST token upang bumili ng mga bagong avatar at upgrade. Bukod pa rito, maaaring i-stake o ipagpalit ng mga manlalaro ang GST token para sa iba pang cryptocurrencies. Upang sumulong sa laro, maaaring bumili ang mga manlalaro ng mga bagong sneaker mula sa NFT marketplace sa loob ng app o i-upgrade ang mga pag-aari na nila.

Sa pamamagitan ng pagrenta ng iyong mga sneaker, ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng karagdagang GST. Bukod pa sa mga GST token na nabanggit, mayroong GMT na siyang token ng pamamahala para kay StepN. Ang mga may hawak ng GMT ay maaaring bumoto sa mga panukala at desisyon sa hinaharap na mga pagpapaganda ng laro.

Genopets

Ang Genopets ay ang unang libreng laruin o “Free-To-Play” na Move-To-Earn tungkol sa pagpapatibay ng samahan sa iyong digital na alaga. Ang mga manlalaro ay maaaring mag-mint ng Genopet nang libre. Sa pamamagitan ng paggamit ng pedometer ng smartphone upang subaybayan ang pisikal na aktibidad, ang mga manlalaro ay maaaring makaipon ng mga hakbang at maipalit ang mga ito sa Energy (E), na nagsisilbing gasolina sa laro.

Bagama't mayroong Free-To-Play na modelo, ang Pay-To-Play na bersyon ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro mapabilis ang progreso sa laro.

Ang mga Genopet ay tumatakbo sa isang “dual token system” gamit ang GENE at KI. Sa Genoverse, ang mga $GENE token ay ginagamit sa pamamahala at pagpapatakbo ng system at staking. Ang mga may hawak at mga pumusta ng GENE token ay makakaboto sa mga mode ng laro o mga gagawing pagbabago sa laro sa hinaharap. Ang KI token ay ang in-game currency, na ginagamit upang gantimpalaan ang mga manlalaro, pabilisin ang ebolusyon ng Genopet, o lumikha ng mga item at Habitats.

Step App

Ang Step App ay kung saan pinagsanib ang Metaverse at move-to-earn. Nagbibigay ang Step App ng SDK (Step Protocol SDK) para magamit ng mga third-party na developer para bumuo ng mga bagay sa loob ng metaverse nito. Gagawin nitong mas transparent ang paglago ng tinutukoy ng Step App bilang "ekonomiyang FitFi."

Gumagawa ng inspirasyon mula sa Metaverse at GameFi, ang Step App ay nagbibigay ng insentibo sa mga gumagamit na maging aktibo sa pamamagitan ng pagbibigay ng cryptocurrency. Ang Step App ay isa sa ilang bagong pangunguna (initiative) na naglalayong tulungan ang kanilang mga user na kumita ng pera mula sa kanilang pag-eehersisyo. Ang pangunahing layunin ng Step Software, ang unang app sa Step Protocol, ay pag-isahin ang mga user, programmer, at creator sa Step Metaverse sa pamamagitan ng paggamit ng nakakatuwang mekanismo ng laro, augmented reality, at mga insentibo sa pananalapi upang maging pamilyar ang mga tao sa crypto at metaverse.

Iwasang Mapag-iwanan

Sa komunidad ng blockchain, marami ng kaganapan ang nangyayari sa sektor ng kalusugan at pagpapaganda ng katawan. Ang mga move-to-earn na laro ay ang pinakamahusay na paraan upang pagsamahin ang ehersisyo, mga laro, at teknolohiya ng blockchain para kumita ng dagdag na pera. Sa pamamagitan nito, ang pagsusumikap ay gagantimpalaan at ang mabubuting kasanayan ay mabubuo.

Ang konsepto ng M2E crypto ay patuloy na tumataas, at ang paggamit nila ay patuloy pang mapapalaganap sa paglipas ng panahon. Samakatuwid, ito ang tamang oras para mag-ehersisyo at kumita ng crypto.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.