“Quantum” ang tawag sa unang NFT na ginawa noong 2014, isa itong bidyo clip na ginawa ng asawa ni Kevin McCoy na si Jennifer. Noong 2021, naibenta ang Quantum sa halagang $1.4 milyon sa subasta ng Sotheby.
Dahil ang katanyagan ng NFT ay nagsimulang tumaas noong 2017, sinimulan din nito ang paglago ng NFT Marketplace gaya ng OpenSea na mayroong 56% na dami ng transaksyon sa NFT space. Dahil sa taglay nitong mataas na sales volume, walang duda na mayroon talagang mga mangangakal na naghahanap ng iba pa upang makipag-trade ng NFT para kumita.
Bakit natin kailangan ng NFT Marketplace?
Gaya ng pagunlad ng teknolohiya sa mga nagdaang taon, malinaw na ang NFT ay maaari ding mag-alok sa mga artist at creator nito ng kung ano ang inaalok ng crypto sa paraan ng pagpapadala ng pera.
Dati, ang mga artist ay kinakailangan pang dumepende sa mga subasta o auction tulad ng kina Sotheby and Christie o iba pang mga art gallery upang maibenta ang kanilang mga art piece. Ngayon, maaari na nila itong ibenta direkta sa mga mamimili kahit walang middleman sa pamamagitan ng NFT.
Bilang isang artist, pwede kang pumili kung hanggang magkanong royalties ang gusto mo matanggap sa tuwing magkakaron ng NFT exchange. Maaari itong gawin gamit ang NFT Marketplace, sa isang blockchain platform, o tuwing nasa proseso ng minting kapag natapos na ang isang koleksyon.
Pagtulong sa mga Artist na Maglabas ng NFT Collection
May possibilidad na ang mga artist ay hindi kagalingan sa coding, ang ilang mga NFT marketplace gaya ng Magic Eden ay pinapahintulutan ang mga artist nito na mag mint ng kanilang kolesyon sa madaling paraan gamit ang kanilang launchpad, na nagpapahintulot sakanilang ilagay ang kanilang mga art piece for sale.
Ano ang NFT Marketplace?
Ang NFT marketplace ay kasintulad ng isang cryptocurrency exchange kung saan pwede kang bumili at magbenta ng iyong digital assets. Subalit, depende sa iyong NFT marketplace na gagamitin, maaari ka lamang bumili o magbenta ng NFT gamit ang cryptocurrency gaya ng Ethereum (ETH), Solana (SOL), o Polygon (MATIC).
Ang ilan sa mga ito ay nagaalok din ng kakaibang tampok gaya ng launchpad kung saan malayang mag-launch ng kanilang sariling NFT collection ang mga artist o creator, habang ang ilang NFT marketplace ay nagaalok naman ng staking rewards sa pangangalakal ng mga NFT.
Gumawa kami ng paghahambing ng iba’t ibang NFT marketplace na mayroong listahan ng presyo, mga tampok nito, at ilan pang mga benepisyo na maaari mong maanggap bilang gumagamit nito.
Dahil ang NFT market ay patungo sa pagtaas ng higit kumulang $35 bilyon sa pagtatapos ng 2022 at maaari pang umabot ng hanggang $80 bilyon sa taong 2025, maaari mag-udyok pa ito ng mas maraming NFT marketplace na magbukas sa mga susunod pang mga taon. Kasabay pa nito, ang pagkilala ng ilan pang magagandang NFT projects ay pwedeng mas maging hamon dahil mas maraming artist, creator, at mga proyekto na ang maaaring bumukas.
Gaya ng iba pang klase ng pamumuhunan, ang pag-invest sa NFT ay mayroon ding panganib o risk na kasama at mas inirerekomenda na gumawa muna ng sariling pananaliksik bago mag-invest sa kahit na anong klase ng pamumuhunan.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph