Ano ang Order Book?

Ang order book ay tumutukoy sa isang elektronikong listahan ng mga pagbili at pagbenta ng isang partikular na asset. Nagbibigay din ito ng impormasyon sa mga mangangalakal na nagagamit nila upang gumawa ng wais na desisyon na makakadagdag sa mga startehiya nila bilang isang mangangalakal.

TL;DR

  • Ang isang order book ay isang elektronikong listahan ng mga order ng pagbili at pagbenta ng isang asset na nakabatay sa price level nito.
  • Ang mga order book ay nagbibigay ng isang maaasahang impormasyon tungkol sa suplay at demand sa merkado.
  • Ang lalim ng merkado (market depth) ay ang kapasidad ng platform na tumanggap ng malalaking order sa merkado nang hindi naaapektuhan ang presyo ng asset.
  • Maaaring ipakita ng mga order book kung ang momentum ay pabor sa mga bull o bear, pati na rin ang umiiral na mga lebel ng support at ressistance.  
  • Huwag lamang gumamit ng impormasyon mula sa isang order para gumawa ng mga desisyon sa pangangalakal.

Ang isang order book ay isang elektronikong listahan ng mga buy at sell na order para sa isang partikular na asset o instrumento sa pananalapi na nakaayos ayon sa price level nito.

Sa isang order book, ang market depth ay kinakatawan ng bilang ng mga asset na ibinebenta at bini-bid sa iba't ibang presyo. Ang mga order book ay nagbibigay ng isang mahusay na pang-unawa sa suplay at demand ng merkado, sa pamamagitan ng impormasyong nakalista sa isang order book, na nagbibigay ng transparensiya para sa parehong mga mamimili at nagbebenta.

Maaaring magkaiba ang mga order book sa pagitan ng mga palitan, ngunit ang kanilang gamit ay nananatiling pareho.

Sa isang sentralisadong palitan ng crypto, nagaganap ang mga transaksyon kapag nagkasundo ang mga mamimili at nagbebenta sa isang presyong nakalista sa order book. Sa kabilang banda, ang mga desentralisadong palitan ay gumagamit ng smart contracts na tinatawag na automated market maker (AMM) upang magsagawa ng mga order ng pagbili at pagbebenta.

Ano ang Market Depth?

Ang Market Depth, o lalim ng merkado, ay ang kakayahan ng merkado na tanggapin ang malalaking order sa merkado nang hindi gaanong naaapektuhan ang presyo ng nasabing asset. Isinasaalang-alang nito ang liquidity at dami ng asset. Kung mas maraming order ng pagbili at pagbebenta sa isa pares ng asset, mas malalim ang market depth.

Paano magbasa ng Order Book?

Ang isang order book ay may ilang punto ng data na magbibigay sa iyo ng mga pang-unawa tungkol sa merkado.

Presyo ng Bid

Ang Presyo ng Bid ay ang presyo kung saan handang bilhin ng isang tao ang asset. Karaniwang mas mababa ang Mga Presyo ng Bid dahil gugustuhin ng mga mamimili na bilhin ang mga asset na mas mababa kaysa sa presyo sa merkado.

Kung maglalagay ka ng Bid na mas mataas kaysa sa Presyo ng Pagbebenta o Ask Price, ang palitan ay awtomatikong isasagawa ang order sa pamamagitan ng pagtutugma sa Ask Price.

Ang ilang mga palitan ng crypto ay may mga proteksyon upang maiwasan ang "overbidding." Kung ang mangangalakal ay naglalagay ng presyo ng bid na masyadong mataas, ang palitan ay magpapakita ng mensahe upang bigyan ng babala ang mangangalakal tungkol sa pagkakaiba ng presyo.

Halimbawa, awtomatikong tatanggihan ng Coins Pro ang isang order kung lumampas ito sa mga limitasyon ng kasalukuyang Ask Price at mga bid na inilagay sa platform. Ito ay isang kakayahang pangseguridad na nagpoprotekta sa mga user mula sa potensyal na pagmamanipula sa merkado.

Presyo ng Pagbebenta (Ask Price)

Ang Presyo ng Pagbebenta o Ask Price ay ang presyo kung saan ang nagbebenta ay handang ibenta ang nasabing asset. Ang Ask Price ay kadalasang mas mataas dahil gusto ng mga nagbebenta na ibenta ang kanilang mga asset sa mas mataas na presyo sa merkado. Ang “bid-ask spread” ay ang agwat sa pagitan ng presyo ng pagbebenta at mga bid.

Ang ilang mga mangangalakal ay naglalagay ng kanilang ask price na mas mataas kaysa sa umiiral na presyo ng asset upang mahulaan ang napipintong pagtaas ng presyo.

Halimbawa, ang BTC ay maaaring i-trade sa $10,000, ngunit ang isang mangangalakal ay maaaring maglagay presyo ng pagbebenta sa $15,000. Kapag tumugma ang presyo ng bid sa pinakamababang presyo na hinihiling, awtomatikong mapupunan ang market order.

Dami/Halaga

Ang dami (o laki) at halaga ay may kaugnayan sa isa't isa. Ang dami o halaga sa bawat order ay nagpapakita lamang ng bilang ng mga yunit sa nakalistang presyo.

Halimbawa, gustong bumili ng isang mangangalakal ng dami na 1 BTC lang sa presyo ng bid na 1,000,000 PHP. 1 BTC ang dami/halaga at 1,000,000 PHP ang presyo ng bid.

Kabuuan (Total)

Sa order book, may isa pang column na nagpapakita ng kabuuan o Total. Ito ang kabuuang halaga ng mga order ng asset. Halimbawa, sa pares ng BTC/PHP, mayroong P10,940 na mga order para ibenta ang 0.0102547 BTC sa presyong 1,066,828.4 PHP.

Ang kabuuan ay madaling kalkulahin sa pamamagitan ng pagkuha sa Ask/Bid Price at pag-multiply sa bilang ng mga asset.

Paano Gumagana ang isang Order Book?

Ang bawat palitan ng crypto ay gumagamit ng mga order book upang subaybayan ang demand ng mamimili at nagbebenta. Ang kanilang hitsura ay maaaring bahagyang mag-iba depende sa palitan. Gayunpaman, ang kanilang oparasyon ay halos pare-pareho.

Ang mga order book ay laging nagbabago; patuloy silang ina-update sa buong araw. Tanging ang mga market open at market close order lamang ang pinapanatili nang hiwalay. Ang dalawang libro ay tinutukoy bilang "pagbubukas" at "pagsasara" ng mga order book.

Sa simula ng bawat araw ng kalakalan, ang pambungad na presyo at mga order ay pinagsama sa isang presyo ng pagbubukas. Kapag nagsara ang merkado, ang isang solong presyo ng pagsasara ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng closing book at ang continuous book.

Ang Gamit ng Order Books sa Trading

Maaaring ipakita ng mga order book kung ang galaw ng presyo ay pabor sa mga bull o bear. Kung ang dami ng order ng pagbili ay mas malaki kesa sa dami ng order ng pagbebenta, lalo na sa pinakamainam na antas ng bid/ask na presyo, ito ay nagpapahiwatig ng mas malakas na paggalaw patungo sa pagbili at isang potensyal na pagtaas sa presyo.

Sa kabaligtaran, mas maraming nagbebenta ang nagpapahiwatig na ang mga oso ay may higit na kontrol sa merkado. Dahil patuloy na paggalaw ng order book, ito ay maaaring makaranas ng biglaang pagtaas ng aktibidad, kailangan ang patuloy na atensyon upang matukoy kahit ang pinakamaliit na trend ng presyo.

Ang isang candlestick chart ay maaaring magbigay ng mga kapaki-pakinabang na pang-unawa sa kasalukuyang galaw ng merkado at paggalaw nito noon. Ang order book ay nagbibigay sa mga mangangalakal ng mahalagang impormasyon para sa paggawa ng mga matalinong kalakalan. Sa pamamagitan ng pagtingin sa order book, masusubaybayan ng mga mangangalakal kung aling asset ang aktibong kinakalakal, na nagpapakita kung ang aktibidad sa merkado ay hinihimok ng mga regular na mamumuhunan o institusyon. Bilang karagdagan, ang order book ay nagpapakita ng pagkasira ng balanse ng order, na nagpapakita ng panandaliang paggalaw ng presyo.

Halimbawa, kung may malaking pagkakaiba sa bilang ng mga order ng pagbili at pagbebenta, maaaring tumaas ang presyo ng asset dahil sa paglakas ng pwersa ng pagbili. Ang mga potensyal na antas ng suporta at pagtutol ay tinutukoy din gamit ang order book. Maraming malalaking order ng pagbili na inilagay sa parehong presyo ang maaaring magturo sa malakas na antas ng suporta, habang maraming order ng pagbenta na inilagay sa parehong presyo ay maaaring magturo sa isang lugar ng pagtutol.

Ang "Buy Wall" ay nangyayari kapag mayroong konsentrasyon ng mga order ng pagbili sa isang partikular na antas ng presyo na hindi nakakatugon sa hinihinging presyo ng mga nagbebenta. Ang Buy Walls ay karaniwang bumubuo ng isang lugar ng suporta dahil ang mga nagbebenta ay hindi gustong ibenta ang kanilang mga asset para sa mas mababang presyo na nagpapanatili nito sa isang rehiyon ng suporta kung saan ang presyo ay hindi bababa doon.

Kapag mayroong mataas na halaga ng mga order ng pagbebenta sa isang tiyak na antas ng presyo, ang resultang pattern ay tinatawag na "Sell Wall". Lumilikha ng punto ng pagtutol ang isang Sell Wall dahil ayaw ng mga mamimili na bilhin ang asset sa presyong iyon na nangangahulugan ng mababang pagkakataon ng pagpapahalaga sa presyo.

Ang order book ay maaaring magbigay sa atin ng maraming impormasyon sa pangangalakal at sentimento sa merkado. Gayunpaman, pinakamahusay na gumamit ng impormasyon mula sa isang order book pati na rin ang iba pang mga indikasyon ng kalakalan upang makakuha ng mas mahusay na larawan ng merkado, upang makagawa ka ng matalinong mga desisyon sa pangangalakal sa halip na umasa lamang sa isang senyales lamang.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.