Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Web 2.0 at Web 3.0?

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Web 2.0 at Web 3.0?

Mula sa mga larong may mga nakakatuwang kwento at nagbibigay ng kakaibang karanasan, hanggang sa mga larong pwedeng pagkakitaan ng crypto, ganito ang pagbabagong sa larangan digital na paglalaro.

TL;DR

  • Ang ekonomiya ng mga digital na laro ay malaki ang pinagbago sa nakalipas na dekada, at ang mga manlalaro ay pinagkakakitaan na ngayon ang paglalaro.
  • Ang mga manlalaro sa Web 2.0 ay maaaring bumili ng mga kasuotan at palamuti sa loob ng laro, na maaaring magbigay sa kanila ng kalamangan, ngunit hindi nila pwedeng ipalit ang mga ito sa totoong pera.
  • Ang mga laro sa Web 3.0 ay isinama ang cryptocurrencies, at ang mga manlalaro ay pwedeng kumita sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain o pagbebenta ng kanilang mga item kapalit ng crypto.
  • Ang mga laro sa Web 3.0 ay desentralisado, kung saan makakaboto ang mga manlalaro sa mahahalagang desisyon upang pagandahin pa ang laro, ngunit sa Web 2.0, tanging ang mga developer lamang ang gumagawa ng mga desisyon.

Ang mga digital na laro ay naging libangan ng mga tao loob ng matagal na panahon. Ngunit, sa pagdating ng Web 3.0, ang mga developer ng laro ay naghahanap ng mga bagong paraan upang gawing interactive at makabago ang mga karanasan sa paglalaro. Nagbunga ito ng maraming bagong alternatibo sa industriya, at ang pinakamagandang halimbawa dito ay ang mga larong play-to-earn tulad ng Axie Infinity, Town Star, Spider Tanks, at marami pang iba. Ang mga larong ito may mga pakulo na hindi makikita sa mga laro sa Web 2.0 na nakasanayan ng marami.

Pero paano naiiba ang Web 2.0 at Web3.0, at sa anong mga aspeto sila magkatulad? Pag-usapan pa natin ng mas malalim!

Mga Laro sa Web 2.0

Marami ang pamilyar sa mga sikat na laro tulad ng Valorant, Fortnite, Call of Duty, DOTA, League of Legends, at marami pang iba. Ang mga larong ito ay nagbibigay ng kakaibang uri ng karanasan gamit ang kapana-panabik na kwento. Gayunpaman, may ilang mga limitasyon sa mga larong ito.

Pagbili ng In-Game Items

Ang isang pagkakatulad ng mga laro sa Web 2.0 at Web 3.0 ay ang pagkakaroon ng kaperahan, tindahan ng mga armas, mga pampaganda, mga accessory, at iba pang mahahalagang items sa loob ng laro. Ang mga laro sa Web 2.0 na ito ay madalas na nangangailangan ng ilang uri ng pera na magagamit sa loob ng laro, na kailangan namang bilhin gamit ang pagdeposito ng pera galing sa bangko. Gamit ang pera sa loob ng laro, maaaring makabili ng mga in-game na items, na maaari namang magbigay ng kalamangan sa manlalaro. Ang mga pera na ito ay maaari ding makuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga hamon, pakikipagsapalaran, at pang-araw-araw na gawain sa loob ng laro. Gumagawa din ang ilang developer ng mga pakulo, tulad ng mga Season Passes o mga promo na makukuha lamang sa loob ng limitadong panahon. Ang mga ito ay ginagawa upang higit pang bigyan ng insentibo ang mga manlalaro na bilhin ang mga produkto sa loob ng laro.

Ang Malaking Problema ng mga Laro sa Web 2.0

Ang mga virtual na pera ng mga laro sa Web 2.0 ay hindi magipagpapalit sa ibang mga platform. Halimbawa, kapag nakabili ka na ng  V-Bucks o Valorant Points ng Fortnite, hindi mo na maipapalit ang mga ito pabalik sa Piso o Dolyar. Sa kabilang banda, ang mga laro sa Web 3.0 ay nagbibigay ng isang mahusay na solusyon sa problemang ito.

Ano ang Web 3.0 Games?

Ang mga laro sa Web 3.0 ay binuo gamit ang blockchain at kadalasang isinasama ang paggamit ng kanilang sariling cryptocurrency, na ginagamit bilang opisyal na kaperahan sa loob ng laro. Bukod sa paggamit ng cryptocurrency sa loob ng laro para bumili ng mga item, madalas din itong pagkakitaan ng mga manlalaro dahil ang mga ikaperahan sa loob ng laro ay maaaring ipalit sa totoong pera sa pamamagitan ng mga palitan ng cryptocurrency tulad ng Coins.ph.

Halimbawa: Sa tuwing kumikita ang mga manlalaro ng Axie Infinity ng $SLP mula sa kanilang mga laban sa PvP, madali lang nilang maililipat ang kanilang $SLP mula sa kanilang Ronin wallet papunta sa kanilang Coins wallet para maipalit ito sa Philippine Pesos. Nagbibigay-daan ito sa mga manlalaro na kumita ng pera mula sa paglalaro, na maaaring nilang gamitin upang bayaran ang kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Desentralisasyon ng Ekonomiya ng mga Laro

Ang pagbuo ng mga laro sa Web 2.0 ay kadalasang limitado sa mga ideya at kaisipan ng mga nasa kapangyarihan, lalo na ang mga gumawa ng laro. Maaaring isinasaalang-alang naman nila ang mga kagustuahan ng mga manlalaro, ngunit ito ay limitado lamang. Sa huli, sila parin ang makakapagsabi kung ano ang magiging hinaharap ng brand at laro. Ang mga laro sa Web 3.0 ay gumagamit ng ibang pamamaraan gamit ang mga token ng pamamahala, na pinapalawig ang pakikilahok ng komunidad ng manlalaro sa pagpapaganda at pagsasaayos ng laro.

Sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng token ng pamamahala o governance tokens, ang mga ilang manlalaro ay nagkakaroon ng kakayahang magmungkahi ng ilang partikular na pagbabago sa isang laro, na maaaring magresulta sa mas mahusay na mga serbisyo at perspektibo ng komunidad sa laro sa mahabang panahon.

Malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga token na ito sa mismong karanasan sa paglalaro, dahil nagsisilbi rin itong insentibo upang mas marami pang mga manlalaro ang sumali. Halimbawa, ang pangunahing governance token ng Axie Infinity, na kilala bilang $AXS, ay maaaring ipagpalit sa Coins.ph.

Ayon sa website ng Axie Infinity, ang Axie Infinity Shards ($AXS) ay ang pandikit na nagbubuklod sa lahat ng miyembro ng komunidad ng Axie. Ang mga may hawak ng $AXS ay maaaring makakuha ng mga reward kung itataya nila ang kanilang mga token at lalahok sa botohan ng pamamahala, na magpapasya naman kung paano mas papagandahin ang laro sa hinaharap. Ang mga manlalaro ay maaari ding kumita ng $AXS kapag naglalaro sila ng iba't ibang mga laro sa loob ng Axie Infinity Universe at sa pamamagitan ng paggawa ng content.

Walang katapusan ang mga posibilidad ng paglalaro sa Web 3.0, at kahanga-hangang isipin na nagsisimula pa lamang ang mga developers. Maraming mga developer ng laro sa Web 2.0, tulad ng Epic Games, ang gumagawa ng ng mga hakbang upang bumuo ng mga laro gamit ang blockchain sa malapit na hinaharap. Dahil dito, ang industriya ng paglalaro ay maaaring sobrang magbago sa susunod na sampung taon sakaling magpatuloy ang mga pag-unlad na ito. Ikaw? Plano mo na bang lumipat sa mga laro sa Web 3.0?

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.