Ano ang Pinakabisang Oras Para Mag-Trade ng Crypto?

Base sa kasaysayan, ang Bitcoin market at iba pang cryptocurrencies ay nakakaranas ng malaking pagbabago ng presyo tuwing Sabado’t Linggo at holidays. Dagdag pa riyan, ang mga negatibong balita sa weekend ay may posibilidad na magkaroon ng mas malubhang epekto sa merkado.
Ano ang Pinakabisang Oras Para Mag-Trade ng Crypto?

Base sa kasaysayan, ang Bitcoin market at iba pang cryptocurrencies ay nakakaranas ng malaking pagbabago ng presyo tuwing Sabado’t Linggo at holidays. Dagdag pa riyan, ang mga negatibong balita sa weekend ay may posibilidad na magkaroon ng mas malubhang epekto sa merkado. Kaya marami ang nagtatanong, "Dapat ka bang mag-trade tuwing weekend?"

TL;DR

  • Ang weekend ay madalas na nakakaranas ng isang pagbulusok ng presyo ng mga cryptocurrency, na humahantong sa pagdagsa ng mga sell order.
  • Bumababa ang mga merkado ng crypto tuwing weekend dahil mas kaunti ang dami ng kalakalan, sarado ang mga bangko, nabibenta ang mga leveraged trades, at pinapatakbo ng mga balyena ang merkado.
  • Sa kabila ng pagbaba ng presyo tuwing weekend, ang mga merkado ng crypto ay inaasahang natural na magwawasto sa mga araw na may pasok na.
  • Maaaring kumita ang mga mangangalakal mula sa pabago-bagong ng presyo tuwing weekend sa pamamagitan ng scalping, pagbili ng dip, arbitrage, at range trading.

Sa kasaysayan, ang Bitcoin market at iba pang cryptocurrencies ay nakakaranas ng malubhang pagbabago sa presyo tuwing Sabado’t Linggo at holidays. Bilang karagdagan, ang mga negatibong balita na nangyayari sa weekend ay may posibilidad na magkaroon ng mas malaking epekto sa merkado.

Sa weekend ng Nobyembre 16–18, 2013, ang presyo ng Bitcoin ay bumaba mula $1,100 hanggang $760 ng kumalat ang balita tungkol sa pagpapasara ng China sa ilang mga crypto exchange. Noong Disyembre 2017, dahil sa mga alalahanin sa regulasyon sa South Korea, ang presyo ng Bitcoin ay bumaba mula $19,000 hanggang $13,000 sa loob ng Sabado’t Linggo noong Disyembre 2017.

Hindi tulad ng tradisyonal na stock o forex trading, ang crypto trading ay hindi natutulog, ang merkado ay bukas 24/7, 365 araw sa isang taon nang walang pahinga. Sa isang merkado na hindi natutulog, nagbubukas ito ng maraming pagkakataon sa mga mangangalakal, ngunit isang tanong ang iniisip nila "Ligtas bang makipagkalakalan sa weekend?"

Bakit Nagiging Volatile ang Crypto tuwing Weekends

Una, tingnan natin kung bakit napakaraming mangangalakal ang umiiwas sa mga merkado tuwing weekend. Merong ilang mga dahilan na nagpapahina sa presyo ng crypto, na maaari mong gamitin at samantalahin.

Mas kaunting kalakalan tuwing weekend

Mas kaunti ang mga trades sa weekend at ang mga indibidwal na order ay karaniwang mas malaki. Ibig sabihin, ang mas malalaking traders, na kilala bilang mga “balyena," ay bumibili at nagbebenta ng napakalaking halaga sa weekend upang kumita mula sa pabago-bagong presyo.

Halimbawa, maaaring mag-tweet si Elon Musk tungkol sa Dogecoin at paliparin ang presyo nito sa buwan sa weekend. Sa kabilang banda, ang konting  trades sa karaniwang araw ay ay mahirap paring kunin ang parehong resulta. Kapag may mas kaunti ang mga trade sa weekend, ang ginagawa ng mga balyena ay may malaking epekto sa kung paano gumagalaw ang isang cryptocurrency.

Ang mga Bangko ay Sarado

Ang pangangalakal ng cryptocurrency ay hindi pinipigilan ng tradisyunal na linggo ng trabaho o tradisyonal na oras ng negosyo. Sa pagsasara ng mga institusyong pampinansyal tulad ng mga bangko tuwing weekend, nangangahulugan ito na ang mga mamumuhunan na gustong bumili o magsamantala sa mababang presyo ay hindi makakakuha ng mga pondo na humahantong sa pagbawas ng aktibidad ng kalakalan.

Maaari mo ring isaalang-alang ang paggamit ng credit card upang bumili ng mga cryptocurrencies. Gayunpaman, depende sa hurisdiksyon, ang ilan ay maaaring walang pribilehiyong ito; kahit na mayroon kang pribilehiyong bumili gamit ang isang credit card, ang mga bayarin sa transaksyon ay hindi maliit na halaga at ito nauuwi sa pagkain sa iyong profit margin.

Kaya naman, mas gugustuhin ng marami na gumamit ng mga bank transfer o wire transfer na mas mura o walang bayad. Tulad ng paggamit ng Cash-in function sa Coins.ph, madali mong masisimulan ang pagbili ng mga sikat na cryptocurrencies kapag mayroon kang Pesos sa iyong Coins app! Kung wala ka pang account sa Coins.ph, mag-sign up ngayon! Ito ay LIBRE!

Liquidation ng Leveraged Trades

Narinig namin ang tungkol sa mga liquidation na nangyayari sa bilyong-bilyong dolyar at ito ay isang dahilan kung bakit pabago-bago ang presyo ng crypto sa weekend. Nangangailangan ang leverage trading ng "margin call," kung saan bumababa ang presyo ng asset sa ilalim ng isang partikular na lebel at inaabisuhan ang nanghihiram na ibalik ang utang nila.

Ang mga palitan ay maaari ring mag-liquidate ng isang posisyon kung ang mga mamumuhunan ay hindi mabayaran ang kanilang mga utang at dahil maraming mga institusyong pampinansyal ang sarado tuwing Sabado at Linggo, ang ilang mga mangangalakal ay maaaring nahihirapang ibalik ang mga hiniram na asset. Dahil wala silang kakayahang magdeposito ng mga bagong pondo, ito ay naghuhudyat upang ibenta ng mga exchange ang mga posisyon ng mangangalakal, na lalong nagpapalakas sa pwersa ng pagbebenta.

Bilang karagdagan, ang mga awtomatikong pagbebenta ay maaaring magsimula ng isang "snowball effect" na magreresulta sa pangmalawakang pagbebenta bukod pa sa malaking panganib ng margin trading. Kung marami kang ibebenta, mas marami kang kailangang ibenta upang mapanatili ang balanse ng sistema. Habang binibenta ang mga leveraged na posisyon, ang dami ng sell orders ay naiipon. Habang bumababa ang presyo, pahirap nang pahirap matugunan ang mga margin call.

Kailan ang pinakamabisang oras upang mag-trade ng crypto?

Ang mga gustong magsagawa ng malalaking order ay dapat matukoy ang mga panahon ng maximum liquidity (ang pagkakaroon ng mga bidder) at dami ng kalakalan. Bilang pagkukumpara, ang isang vendor na may maraming prutas at gulay na ibebenta ay dapat pumili ng isang abalang palengke na may maraming tao sa halip na isang hindi kilalang tindahan na nakatago sa isang eskinita.

Ang mga spot traders (o ang mga mabilis na bumibili at nagbebenta ng mga asset) ay hindi lamang ang may problema sa pagtukoy ng mga pinakamabisang oras upang makipagtransaksyon; ang mga namumuhunan sa DeFi ay nahaharap din sa parehong problema.

Dahil ang mga bayarin sa gas ay dulot ng pagsisikip ng network at hindi sa laki ng isang trade, maaari silang mag-iba-iba sa bawat oras. Ito ay mahalaga para sa mga baguhan na may katamtamang mga portfolio dahil maaari itong lubos na makaapekto sa kanilang kita. Halimbawa, ang isang mangangalakal na gumagamit ng DeFi, na nagbebenta ng $100 na halaga ng crypto sa abalang oras ng kalakalan ay maaaring kailanganing gumastos ng $200 sa mga bayarin lamang sa gas.

Ligtas ba ang pangangalakal sa weekend?

Sa weekend, mas kaunti ang "matalinong trades'', ibig sabihin, nagpapahinga ang mga madiskarteng mangangalakal. Kasabay ng mga limitasyon sa oras ng negosyo, ang mga kumpanya at dalubhasang mangangalakal ay may mas kaunting kontrol sa kanilang kapital. Bilang resulta, ang mga trading bots at mga liquidity provider ay nangingibabaw sa dami ng transaksyon.

Sa madaling sabi, nawawalan ng gana ang ilang mangangalakal dahil sa pagtaas ng volatility.

Sa kabilang banda, gustong-gusto ng ilang mangangalakal kapag pabago-bago ang mga presyo ng crypto dahil lumilikha ito ng mas maraming pagkakataon sa pangangalakal, na maaaring magbigay ng malaking kita. Maraming tao ang nangangalakal sa DeFi, kung saan maaari silang mag-eksperimento sa mga coin na hindi nakalista sa mga sentralisadong palitan. Gayundin, ang mga pagtaas ng presyo sa weekend ay inaasahang natural na magwawasto sa linggo ng trabaho.

Pinakamahusay na Estratehiya sa Crypto Trading Tuwing Weekends

Ang volatility ng weekend ay iyong kaibigan. Kung alam mo kung paano paamuhin ito, maaari kang kumita ng malaki. Ang pinakamaganda rito ay maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga diskarte upang kumita mula sa weekend volatility.

Scalping

Maaari mong samantalahin ang paghina ng merkado sa paggamit ng malaking pondo at paulit-ulit na pangangalakal ng mga asset nang maraming beses. Karaniwan, ang mga scalper ay nagbebenta bago dumating ang anumang dahilan na maaaring baguhin ang pangkalahatang opinyon ng publiko sa isang partikular na cryptocurrency.

Upang patuloy na manalo sa napakabilis na paraan ng pangangalakal na ito, kailangan mong magkaroon ng malaking halaga ng kapital. Kahit na ang return on investment (ROI) ng bawat deal ay napakababa, ang isang scalper na pumusta ng malaking halaga ay maaaring magkaroon ng malaking kita. Kapag sila ay nag-trade, madalas na pinapasok nila ang 5 hanggang 15 na posisyon kada minuto, na ibig sabihin ay kahit na ang tila maliit na kita ay maaaring maging malaking halaga sa paglipas ng panahon.

Pagbili ng Dip

Ang pagsasamantala sa pagbaba ng presyo nang may kumpiyansa na ang isang pagwawasto ay darating sa linggo ng trabaho, ay nagbibigay-daan sa iyong makaipon ng ilang blue-chip na cryptocurrencies sa mababang presyo.

Range Trading

Sa maraming pagkakataon, ang mga presyo ng crypto ay nananatili sa loob ng isang paunang natukoy na hanay sa isang partikular na panahon. Halimbawa, sa loob ng 30-araw, ang presyo ng Bitcoin ay maaaring naglalaro sa pagitan ng $8,000 at $10,000. Kapag isinasaalang-alang mo na ang presyo ng Bitcoin ay maaaring magbago ng hanggang 40% sa loob ng 24 na oras, maaari mong laruin ang pagitan na iyon bawat oras at gamitin ito upang kumita ng kaunti.

Sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga galaw na sinusundan ng mga balyena, magagamit mo ito bilang kalamangan. Ang pagbabantay sa dami ng kalakal na nagpapahiwatig ng labis na pagbebenta o labis na pagbili ay magbibigay sa iyo ng ilang impormasyon tungkol sa kung ano ang ginagawa ng mga balyena.

Ang overbought crypto ay nagmumungkahi na ang pagbili ay malapit nang huminto at ang merkado ay malapit nang makaranas ng pagwawasto. Kapag nangyari ang labis na pagbebenta, ang presyo ay makakaranas ng isang malakas na bullish na pagliko. Ipapakita ng mga candlestick, Relative Strength Index (RSI), at stochastic indicator ang mga signal na ito nang mas mabilis.

Arbitrage Trading

Ang ideya sa likod ng arbitrage ay simple. Bumili ka ng cryptocurrency sa Exchange A at magbebenta ka ng parehong cryptocurrency sa Exchange B para makuha ang diperensya sa presyo or spread.

Ang "spread", o ang pagkakaiba sa presyo ng asset sa bawat exchange, ang dahilan kung bakit ito kumikita. Upang simulan ang diskarte sa pangangalakal na ito, kailangan mong tumingin sa iba't ibang mga palitan na may parehong mga cryptocurrencies ngunit may iba't ibang mga presyo.

Sa pagtaas ng volatility sa weekend, mas madaling kumita mula sa arbitrage. Ang isang magandang halimbawa nito ay kapag ang presyo ng Bitcoin sa Korea ay dating 40% na mas mataas kaysa sa America. Ang mga mangangalakal ay pumasok sa isang posisyon sa American Exchange at agad na lumabas sa South Korean Exchange para kumita.

Para sa Iyo ba ang Weekend Trading?

Ang pangangalakal ng Cryptocurrency ay nangyayari sa buong mundo at sa lahat ng oras, at maaaring maging mahirap ang pagtukoy sa pinakamahusay na oras para makipagkalakalan.

Ang isang bagay na makakatulong ay ang pag-aaral kung aling mga araw ang mahusay mong nagagawa ang iyong mga trade ay kasinghalaga ng pagtingin sa galaw ng presyo. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga tala at pagsusuri sa iyong mga nakaraang trade at pattern ng pag-uugali, maaari kang makakita ng mga dahilan na nakaapekto sa iyong proseso ng pagdedesisyon. Patuloy na magsanay hanggang sa matukoy mo ang mga bahagi ng iyong diskarte na gumagana at kung alin ang hindi.

Sa huli, ang iyong tagumpay sa crypto trading ay magdedepende sa iyong pangkalahatang diskarte. Patuloy na pinuhin ang iyong mga pamamaraan. At, gaya ng nakasanayan, magsagawa ng angkop na pananaliksik.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.