Ano ang Play-to-Earn?

Ang mga larong play-to-earn ay isa lamang mundo kung saan mayroong malayang ekonomiya.
Ano ang Play-to-Earn?

Kapag naglalaro ka ng League of Legends o DOTA (Defense of the Ancient), ano ang makukuha mong benefits? Maraming livestream gamers ang kumikita ng disenteng halaga mula sa paglalaro, at ang mga propesyonal ay nananalo ng milyun-milyong dolyar mula sa mga tournaments.

Ngunit, para sa mga ordinaryong manlalaro, aliw lang ang kanilang nakukuha. Sa katunayan, ang ilan ay handa pang gumastos ng pera upang makakuha ng mga malalakas na items at magandang skins.

Ngunit, sa rebolusyon ng teknolohiya ng blockchain at NFT, kahit na ang mga ordinaryong manlalaro ay maaari na ngayong maglaro at kumita.

Ano ang Mga Larong Blockchain na Play-to-Earn?

Ang mga larong play-to-earn ay isa lamang mundo kung saan mayroong malayang ekonomiya. Habang ginagamit ang mga manlalaro ng kanilang pera para bumili ng mga character o item, ang laro ay nakakakuha ng reward pool sa pamamagitan ng pagsingil ng mga transaksyon mula sa mga pagbili ng items, trades, at iba pang aktibidad sa laro. Ang mga ordinaryong manlalaro ay maaarin namang makisali sa pamamagitan ng pamumuhunan ng paunang halaga at paglalaan ng kanilang oras sa paglalaro nito.

Mayroong dalawang paraan kung paano kumita sa paglalaro ng mga laro sa blockchain.

  1. Kumita ng cryptocurrency sa paglalaro
  2. Magkulekta ng NFT at ibenta ang mga ito

Ang mga pabuyang crypto o NFT mula sa laro ay maaaring iplait sa totoong pera. Ang teknolohiyang blockchain at ang konsepto ng NFT ay nagbibigay-daan sa ganitong uri ng ekonomiya, na siyang nagtatala ng lahat ng mga transaksyon at nagbibigay ng patunay ng pagmamay-ari sa mga item at character.

Mga Halimbawa ng Blockchain NFT Games

Sorare

Inilabas noong 2019, ang Sorare ng Crunchbase Company Profile & Funding ay isang pandaigdigang laro ng digital football na ginawa sa Ethereum blockchain. Ang larong ito na play-to-earn ay mabilis na sumikat kahit sa mga unang taon nito. Kinilala ang potensyal nito sa cryptocurrency at maraming kapitalista at atleta ang sumusuporta ngayon sa larong ito.

Maaaring mangolekta ng mga NFT digital playing card ang mga manlalaro at gamitin ang mga ito para makipaglarosa sa mga fantasy football tournament. May bagong tournament bawat linggo, at ang mga manlalaro ay maaaring kumita sa pamamagitan ng pakikipaglaro. Kapag nanalo, ang manlalaro ay pwedeng manalo ng kakaibang cards at mga premyong Ethereum. Maaari rin nilang ibenta ang kanilang NFT sa pamilihan ng Sorare at iba pang mga merkado ng NFT.

Ang laro ay may limitadong bilang ng mga card na nilikha para sa bawat manlalaro. Ang mga NFT trading card na ito ay napakabihira. Sa isang partikular na season, ang bawat manlalaro sa loob ng laro ay magkakaroon lamang ng 1000 limitadong card, 100 bihirang card, sampung sobrang bihirang card, at isang natatanging card. Kung mas bihira ang card, mas maganda itong gamitin sa laro.

Town Star

Kung mahilig ka sa Farmville, para sa iyo ang play-to-earn game na ito. Ang blockchain game na ito ay nilikha ng Gala Games, na sinimulan ni Eric Schiermeyer, isa sa mga co-founder ng kumpanya sa likod ng Farmville.

Ang layunin ng laro ay lumikha ng mga materyales at pagkain, na pwedeng ibenta sa ibang mga bayan. Ang perang nalikom mula sa benta ay maaaring gamitin upang i-upgrade ang iyong bayan upang gawin itong mas produktibo. Kahit na parang simple lamang ang laro, ang mechanics ng laro ay medyo kumplikado. Kailang ditong magbalanse sa halaga ng produksyon laban sa presyo ng pagbebenta ng mga bilihin. Dapat ding subaybayan ang pagiging produktibo ng bayan.

Ang mga NFT na magagamit mo sa Town Star ay makakalikom ng TOWN token batay sa pagkabihira ng NFT. Ang paglalagay ng mga NFT sa iyong bukid ay magbibigay-daan para makakuha ka ng TOWN token sa tuwing makumpleto mo ang mga pang-araw-araw na gawain. Nariyan din ang Gala Power, na tumutukoy sa bilang ng mga NFT na magagamit mo sa iyong sakahan. Ang Gala Power ay batay sa maraming bagay, gaya ng bilang ng mga Gala token sa iyong wallet, mga referrals, edad ng iyong account, TOWN coin holdings, atbp. Dagdag pa rito, may mga lingguhang kumpetisyon kung saan ang mga manlalaro ay maaaring manalo ng mga GALA coins at iba pang pag-aari.

CryptoBlades

Ito ay isang blockchain role-playing game (RPG), kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng mga SKILL token sa pamamagitan ng pagdurog sa kanilang mga kalaban, pagsalakay sa mga bayan, at pag-deposit ng tokens. Madali lang laruin ang CryptoBlades. Mayroong apat na elemento sa loob ng laro: apoy, tubig, lupa, at kidlat. Ang mga elemento ay itinalaga sa bawat karakter, katangian, sandata, at kaaway. Malaki ang papel ng mga elemento kapag nakikipaglaban sa ibang mga manlalaro.

Ang mga bihirang makapangyarihang armas ay maaari ding makuha, na maaaring magbigay sa mga manlalaro ng lamang sa labanan. Ang mga espesyal na item na ito ay maaari ding gawin bilang NFT at gamitin sa laro o i-trade sa mercado ng NFT sa CryptoBlades. Ang mga karakter ay ibinibigay din bilang isang NFT.

Ang mga SKILL token ay kinakailangan para mag-recruit ng isang character at magsimulang maglaro. Para dito, kakailanganin mo ng isang MetaMask wallet. Kakailanganin mo ring bumili ng ilang SKILL token, na nagsisilbing bayad sa transaksyon.

Ang Sandbox

Parang Minecraft, pero ito ay nasa blockchain. Ang Sandbox ay isang nakakatuwang metaverse, kung saan ang mga manlalaro ay gumagawa ng mga virtual na lupain (real-estate) at pinagkakakitaan ang mga ito. Ang Sandbox ay may iba’t ibang mundong pwede mapagpipilian, gaya ng Summer Jam land, The Walking Dead land, at maging sa Snoop Dogg-themed na mga lupain.

Sa loob ng Sandbox metaverse, maaari kang bumili ng mga lupaing digital real estate. Ginagamit ng mga manlalaro ang mga lupaing ito upang bumuo ng mga kakaibang mundo at lagyan ito ng mga in-game na bagay upang lumikha ng kakaibang karanasan. Kung ang mundong ginawa mo ay maging sobrang ganda, maaari kang maningil ng mga SAND token sa ibang manlalaro na gustong bumisita sa iyong lupain at maglaro ng mga larong ginawa mo.

Ang Sandbox ay lumikha ng isang ganap na bagong ecosystem at ekonomiya sa itaas ng modelong ito. Ang mga in-game na asset at lupa ay ibinebenta sa  mercado ng The Sandbox, na magagamit upang lumikha ng mga nakakabilib na mundo. Ang mga piraso ng lupang ito sa metaverse ay tinuturing din na NFT, na maaari mong ibenta sa iba't ibang NFT marketplace. Ang resulta: Ang demand ay patuloy na tumataas habang ang supply ng SAND ay hindi nagbabago, na nagpapataas sa halaga ng token at mga in-game na NFT.

Axie Infinity

Noong 2018, ang kumpanyang Sky Mavis ay lumikha ng isang blockchain na laro na tinatawag na Axie Infinity. Ang Pokemon at Tamagotchi ay nagbigay inspirasyon sa larong ito. Binubuo ito ng milyun-milyong kaibig-ibig at magagarang nilalang na tinatawag na Axies, na maaaring palakihin, palakihin, at ipanglaban.

Ang bawat Axie ay maaaring maging isa sa siyam na kategorya. Tulad ng mga uri ng Pokemon, ang bawat kategorya ay may kalamangan sa iba’t ibang klase ng kalaban. Ang mga Axies ay lumalaban sa grupo ng tatlo. Maaaring labanan ng team ang iba pang mga manlalaro sa Arena Game mode o hindi manlalaro sa Adventure Game mode. Kapag natalo ng Axie team ang kalaban na team, makakakuha sila ng maliit na halaga ng Smooth Love Potion (SLP) o AXS (Axie Infinity Shards) token.

Maaaring i-trade ng mga manlalaro ang mga token ng SLP para sa iba pang mga Ethereum token sa mga desentralisadong palitan tulad ng Uniswap. Maaari ding ipagpalit ng mga manlalaro ang token para sa totoong pera sa mga sentralisadong palitan, tulad ng Binance at Coins.ph. Ang mga Axies at iba pang in-game na item ay maaari ding ibenta sa mercado ng Axie Infinity. Ang halaga ng mga kita mula sa laro ay maaaring dumipende sa ilang mga bagay, tulad ng presyo ng SLP, ang kalidad ng Axie spawns, at ang oras na ginugugol sa paglalaro.

Ang mga token ng SLP ay kinakailangan para mag-breed ng Axies. Upang matiyak na ang populasyon ng Axie ay nananatiling stable at sustainable, ang bawat Axie ay maaari lamang i-breed nang pitong beses. Ang bawat karagdagang pagpaparami ay nangangailangan ng higit pang mga token ng SLP.

Mga Problema sa Play-to-Earn Games

Bagama't ang mga larong play-to-earn ay nagugustuhan ng maraming manlalaro, maraming makikitang problema sa modeling ito.

Sa isang larong play-to-earn, kailangan mong gumugol ng maraming oras para kumita ng malaking halaga ng pera. Napipilitan din ang maraming manlalaro na laruin ang mga larong hindi talaga nila gusto dahil wala silang masyadong mapagpipilian.

Ang modelo ng play-to-earn ay medyo limitado, dahil maraming laro ang nangangailangan ng malaking halaga ng panimulang kapital. Kaya naman, ang mga manlalaro ay napipilitang maglaro ng limitadong bilang ng mga laro na kaya nilang bayaran.

Higit pa rito, maraming manlalaro ang naglalaro lamang para kumita ng pera. Maglalaro sila at ilalabas agad ang kanilang mga kinita sa halip na muling i-invest ang mga ito pabalik sa laro, na nakakasama sa ekonomiya ng laro at nakakahadlang sa paglago nito.

Paano Ginawang Mga Larong Play-to-Earn ang Play-to-Earn

Niresolba ng GuildFi Ecosystem ang lahat ng problema sa modelong play-to-earn.

Ang GuildFi ay isang halimbawa ng isang Web3 platform na nagdadala ng mga investors, developers, at mga manlalaro sa isang lugar.

Narito kung paano ito gumagana:

Sa loob ng GuildFi Ecosystem, may iba't ibang gaming guild na pinamamahalaan ng isang Decentralized Autonomous Organization (DAO) o isang ordinaryong grupo ng mga manlalaro. Ang bawat guild ay may malaking halaga ng crypto at NFT holdings, na kanilang ini-invest sa mga laro sa loob ng GuildFi Ecosystem.

Kung ang isang manlalaro ay walang kinakailangang pondo para magsimulang maglaro, maaari siyang sumali sa isang komunidad ng manlalaro o guild. Maaaring ipahiram ng isang guild ang kanilang mga NFT sa laro, na nagpapahintulot sa mga manlalaro na maglaro at kumita. Maaaring kunin ng player ang karamihan sa mga reward mula sa gameplay habang interesado ang guild.

Sa patuloy na pag-update ng listahan ng mga laro ng GuildFi Ecosystem, maaaring pagpipilian ang mga manlalaro ng mga blockchain games. Ang isang manlalaro ay maaaring maglaro ng ilang mga laro, kumita ng higit pa, at subaybayan ang kanyang progreso.

Ang bawat manlalaro ng GuildFi ay magkakaroon ng pampublikong experience bar. Habang nagiging mas mahusay ang isang manlalaro, magkakaroon siya ng ilang mga kalamangan kumpara sa ibang manlalaro, tulad ng dagdag na mga pabuya at pagkakataong makilala ng mga guild. Ang data at mga sukatan para sa performance ng player ay magbibigay-daan din sa mga developer at guild na sukatin ang kanilang ROI (Return of Investment), na nagbibigay-insentibo sa galing at karanasan ng manlalaro – hindi sa dami ng oras na ginugol sa paglalaro.

Higit pa rito, ang karanasan/galing ng manlalaro ay magandang sukatan upang ipamahagi ang mga token at NFT sa mga manlalaro na gustong ipamuhunan muli ang kanilang mga kita.

Ang resulta ng modelong ito ay isang play-and-earn ecosystem, kung saan ang mga manlalaro ay hindi naglalaro para lang kumita kundi para maging mas mahusay sa paglalaro habang kumikita rin mula rito.

Konklusyon

Ang hindi pagtanggap ng inobasyon ay ang pinakamadaling paraan para hindi makasali sa malalaking oportunidad.

Ang pagbuo ng mga larong play-to-earn at ang GuildFi ecosystem ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro na kumita kahit na walang halagang ipamuhunan. Kaya, kung mahilig ka sa paglalaro, walang dahilan para mag-aksaya ka ng iyong oras sa mga regular na laro. Kumita na ng cryptocurrencies habang naglalaro.

Mag-sign up ngayon para matuto pa tungkol sa crypto at NFTs at madaling i-convert ang iyong AXS/SLP sa Peso.

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.