Ano ang $RPL (Rocket Pool)?

Sa pamamagitan ng Rocketpool, pinapahintulutan nito ang mga gumagamit na mag-stake ng Ethereum at i-withdraw ito anumang oras sa pamamagitan ng liquid staking.

TL;DR:

  • Sa pamamagitan ng Rocketpool, pinapahintulutan nito ang mga gumagamit na mag-stake ng Ethereum at i-withdraw ito anumang oras sa pamamagitan ng liquid staking.
  • Ang liquid staking ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na mag-withdraw o magdagdag ng liquidity anumang oras, kung saan ang mga gumagamit ay makakatanggap ng Liquidity Provider (LP) token pagkatapos magdeposito ng $ETH sa mga protocol.
  • Pinapahintulutan naman ng LP token na tubusin ang iyong idinepositong mga token, na maaaring gamitin sa ilang mga DeFi protocol para sa karagdagang yieds. Subalit, mayroon din itong kaakibat na mga lebel ng panganib depende sa mga protocol.

Coins Wiki: RPL (Rocket Pool)

RPL
Token nameRPL
TickerRPL
Website Rocket Pool
Whitepaper Rocket Pool Whitepaper
NetworkERC-20
Ang buod ng TokenAng Rocket Pool ay isang desentralized Ethereum 2.0 staking pool na pinapahintulutan ang mga gumagamit ng mag-stake ng kanilang ETH at kumita ng mga gantimpala. Ito ay isang open-source na proyekto na binuo upang gawing mas madali at mas accessible ang staking sa lahat.
Pangkalahatang Ideya ng TokenRocket Pool is a decentralized Ethereum 2.0 staking pool that allows users to stake their ETH and earn rewards. It is an open-source project that was created to make staking easier and more accessible for everyone.

Ang Rocket Pool ay gumagana sa tinatawag na dual token na modelo, ang rETH at RPL. Ang RPL ay ang sariling token ng RocketPool, na ginagamit upang bigyan ng insentibo ang mga operator ng node para sa mataas na uptime at hindi hinihikayat ang pagkakaroon ng mga penalty.

Ang mga node operators naman ay maaaring mag-stake ng RPL para makatanggap ng mas mataas na porsyento ng komisyon ng protocol ngunit makakatanggap ng parusa kung sakaling maputol ang mga gantimpalang eth.

Ang rETH ay ang liquidity token na kumakatawan sa tokenized staking. Kapag nagdeposito ang isang user ng ETH, makakatanggap sila ng rETH. Ang halaga ng rETH ay proporsyonal na tataas sa ETH batay sa staking APY ng ETH.

Maaaring ibalik ang rETH para sa idineposito na ETH o maaaring gamitin sa iba pang mga DeFi protocol.
AuditSigma Prime Audit
Circulating Supply19,113,413 RPL
Contract Address0xd33526068d116ce69f19a9ee46f0bd304f21a51f
Max Supply19,185,084
Number of Holders7,215*
BlockchainEthereum
Year in-corporated2020
Governance TokenRPL
Saan pwede Bumili & MagbentaMangalakal ng BUSD sa CoinsPro isang BSP-regulated licensed crypto wallet sa Pilipinas.
Mga pinaggagamitan ng TokenMayroong 3 pangunhaing paggagamitan ang RPL, ang slashing insurance, network incentives, at ang governance.

Ginagamit ang RPL token para gantimpalaan ang mga gumagamit na mag-stake ng kanilang ETH sa network ng Rocket Pool, at maaari itong gamitin upang bayaran ang mga bayarin na kaakibat ng staking o para sa iba pang mga serbisyo sa loob ng network ng Rocket Pool.
*as of writing

Ano ang $RPL(Rocket Pool)?

Ang RocketPool ay isang desentralized Ethereum staking pool platform. Ang staking ay isang proseso na nagpapahintulot sa mga may hawak ng cryptocurrency na lumahok sa pagpapatunay ng mga transaksyon sa isang blockchain network kapalit ng mga gantimpala. Ang platform ng RocketPool ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit sa buong mundo na i-stake ang kanilang ETH sa iba't ibang staking pool, na nagbabahagi ng mga reward na nakuha mula sa staking nang walang pumapagitnang awtoridad.

Ang layunin ng RocketPool ay gawing mas accessible ang proseso ng Ethereum staking para sa lahat ng gumagamit, kabilang ang mga may maliit na balanse ng ETH. Maaaring i-stake ng mga gumagamit ang kanilang ETH nang hindi kinakailangang magpanatili ng buong node, na nangangailangan ng teknikal na kaalaman at 32 ETH.

Kamakailang Pagpapaunlad sa Rocket Pool

Simula noong itong inilunsad noong 2020, ang Rocket Pool ay nakitaan na ng matatag at tuloy-tuloy na paglaki sa kanilang user base at total value locked (TVL) mula $0 TVL noong 2020 patungong $998.73 milyon TVL noong Marso ng 2023.

Nakabuo din ang proyekto ng mga bagong tampok para mapahusay ang mga alok na ibinibigay ng plataporma:

  • Pakikipagsosyo sa Metamask: Ang RocketPool ay makikipagsosyo sa MetaMask upang payagan ang pag-stake nang direkta sa MetaMask wallet, na maaaring makatulong na madagdagan ang paggamit ng Rocket Pool.
  • Pinag-isang Grafana Dashboard: Gumawa ang team ng bagong Grafana Dashboard para tulungan ang mga operator ng node na subaybayan at i-access ang mga istatistika, pag-unlad, at pangkalahatang kalusugan ng kanilang mga node.
Rocket Pool Unified Grafana Dashboard

Ang Staking Protocol ng Rocket Pool ay isang makabagong solusyon na nagbibigay-daan sa mas maraming tao na lumahok sa pagpapatunay sa Ethereum network at makatanggap ng mga gantimpala para sa kanilang mga kontribusyon. Gumagamit ang protocol ng validation pool approach at guarantee system para hikayatin ang partisipasyon at protektahan ang integridad ng network. Sa Staking Protocol ng Rocket Pool, ang mga user na may kasing liit na 0.01 ETH ay maaaring lumahok sa proseso ng staking, na nagpapahintulot sa kanila na makakuha ng ilang mga ani mula sa kanilang mga Ethereum na deposito.

Paano bumili ng $RPL sa Pilipinas?

Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:

  1. Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
  2. Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
  3. Step 3: Piliin ang RPL/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
  4. Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
  5. Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.

Paano mag-deposit at mag-withdraw ng RPL gamit ang Coins Pro sa Pilipinas?

Step 1: Maging whitelisted para sa Coins Pro Wallet address dito
Step 2: Magbibigay ng access ang aming team sa'yo sa loob ng dalawang araw.
Step 3: Matapos mo makakuha ng access, pindutin ang [Deposit] at piliin ang [Deposit from Wallet]
Step 4: Kumpletuhin ang iyong order.Mas matuto sa pagbasa ng What is Coins Pro Crypto Deposits and Withdrawals? How to Deposit & Withdraw?

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.