Ano ang Shiba Inu (SHIB)?

$SHIB ay isang ERC-20 token na binuo sa Ethereum. Ang ekosistema ng Shiba Inu ay sumusoporta sa Shibaswap, isang desentralisadong exchange.

TL;DR

  • Ang Shiba Inu na coin (SHIB) ay isang ERC-20 na token na base sa blockchain ng Ethereum, na pinahintulutan ang ilang mga gamit nito, gaya na lamang ng pag-swap ng token, staking, at pagkuha ng yields.
  • Ang ShibaSwap naman ay ang sariling desentralisadong exchange ng Shiba Inu, kung saan gumagawa ito ng ekosistema na mayroong tatlong klase ng tokens: SHIB, LEASH, at BONE.
  • Ang SHIB ay nakalista na ngayon sa Coins.ph at Coins Pro, ang isa sa mga pinaka unang lisensyado at regulated na cryptocurrency exchange sa Pilipinas, kung saan ang mga Pilipino ay malaya na ngayong makapag-convert ng PHP para makabili o gumamit ng $SHIB.

Ano ang Shiba Inu (SHIB)?

Ang Shiba Inu Coin (SHIB) ay isang ERC-20 na token na binuo sa Ethereum. Ang SHIB ay maaaring gumamit ng smart contracts upang gumawa ng mga produkto at serbisyo para sa desentralisadong finance at iba pang mga desentralisadong apikasyon. Kilala ito bilang “Dogecoin Killer,” ang ekosistema ng Shiba Inu na sumusuporta sa NFT art incubator at ang desentrailsadong exchange nito na Shibaswap. Katulad ng Dogecoin, marami pang SHIB ang umiikot ngayon - na mayroong pangunang supply na isang trilyon na coins.

Paano Gumagana ang Shiba Inu?

Dahil nga ito ay binuo sa Ethereum blockchain, nag-aalok ito ng trading sa pagitan ng ERC-20 na mga tokens. Ang Shiba Inu ay may sarili desentralisadong exchange na tinatawag na ShibaSwap. Ginagawa nito na maging bahagi ang SHIB sa decentralized financial ecosystem ng Ethereum, na pinahintulutan ang ilang mga gamit nito, gaya na lamang ng pag-swap ng token, staking, at pagkuha ng yields.

Ano ang SHIB, LEASH, at BONE?

Ang ShibaSwap ang sariling desentralisadong exchange ng Shiba Inu kung saan ang mga gumagamit ay maaaring mag-dig (magbigay liquidity), bury (mag-stake ng coins), fetch (kumuha ng tokens mula sa Uniswap o SushiSwap), at makipag-swap ng tokens. Gamit ang plataporma, ang mga mamumuhunan ay mayroong ilang mga paraan upang pagbutihin ang kanilang return on investment. Ang ekosistema ay kinabibilangan ng SHIB, LEASH, at BONE na mga token.

  • Ang SHIB ay siyang pangunahing token ng ekosistema. Ang token na ito ay isang cryptocurrency na pinapahintulutan ang mga gumagamit na humawak ng trilyon na mga token. Ang Shiba Inu ay maaaring gamitin sa peer-to-peer na digital payment o pwede din sa mga payment method para sa mga negosyong tumatanggap nito. Sa simula ng 2022, mahigit 600 na negosyo na ang tumatanggap ng Shiba Inu.
  • $LEASH: Kaysa magsilbing isang anyo ng investment lamang, ito ay ang pambayad na cryptocurrency na gamit para makabili ng ilang mga produkto at serbisyo. Ang mga may hawak ng $LEASH ay maaaring i-unlock ang mga kakaibang benepisyo tulad ng abilidad na makapagbigay ng liquidity sa DEXs na siya namang makakapagbigay ng 0.5% na gantimpala sa lahat ng $BONE kada block na idinadagdag sa blockchain. Ito ay idinisenyo upang mas maging matatag at matibay kumpara sa Shiba Inu na token.
  • $BONE: ay isang sharing economy cryptocurrency na ginawa naman upang gamitin bilang mekanismo ng mga donasyon. Idinisenyo ito upang maging pundasyon ng ekosistema ng layer-2, and Shibarium.

Ano ang Use-Cases ng Shiba Inu?

Digital Currency

Ang ShibaSwap ay isang Ethereum-based na plataporma na pinapahintulutan ang mga gumagamit nito na mag-trade ng ERC-20 na mga tokens. Ang mga gumagamit nito ay maaari din i-stake ang kanilang cryptocurrency sa liquidty pool ng mga exchanges na ito, na nagpapahintulot sa exchange na gamitin ito. Ang mga gumagamit ay nakakatanggap din ng crypto reward mula sa kanilang na-stake na token sa exchange kapalit ng paglahok nila dito.

NFT

Ang Artist Incubator ay isang kakaibang tampok ng proyekto ng Shiba Inu. Inaanyayahan ng network ang mga gumagamit na gumawa ng sarili nilang NFT para lalong tumaas at tumunog ang meme ng proyektong ito. Ang mga artists mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ay hinihikayat din na magpasa ng mga gawa nila sa merkado ng NFT.

Ang ShibaSwap ay mayroong merkado para sa mga non-fungible tokens (NFTs) na kung tawagin ay Shiboshis, ito ay ang pixelated cartoons ng mga Shiba Inu na aso na mayroong kanya-kanyang kakaibang katangian. Dagdag pa rito, ang team ng Shiba Inu ay nagbubuo ng Shiboshi game na pwede gamitin ang mga karakter na ito.

Governance

Ang nagpapamahala sa ShibaSwap na token ay ang BONE. Ang mga holders ay maaaring mag-propose at bumoto ng mga babaguhin sa ShibaSwap. Ang BONE ay ginagamit din para sa pag-stake ng crypto sa kadahilanang mas kikita ang mga holders mula dito.

Ano ang Shiberse?

Ang Shibarium ay itinuturing na makapangyarihang tier 2 blockchain at isang transisyonal na ebolusyon para sa ekosistema ng Shiba. Gumagana ito sa taas ng Ethereum blockchain gamit ang mga token mula sa SHIB ecosystem ($SHIB, $LEASH, and $BONE). Dahil sa ebolusyon ng Web3, ang blockchain technology ay nagsisimula na maging mainstream. Ilan sa pinakamalalaking balakid sa pag-adopt ng mainstream na ito ay ang gastos at ang bilis ng transaksyon.

Ang layer 2 blockchain protocol ng Shibarium ay maaari ding magsilbi sa iba pang mga industriya gaya na lang ng metaverse, Web3 innovation, at gaming. Ito ay dahil sa common scalability at limitasyon ng performance ng mga kasalukuyang blockchain networks. Itong layer na ito ay naglalayong magamit kasama ng ilang mga umiiral na blockchain networks, na nagpapahintulot ng mas mabilis, mas mura at mas pribadong transaksyon na napproseso off-chain, na umaasa pa rin sa seguridad ng mga kaakibat nitong blockchain.

Maaari ito makatulong upang bawasan ang kargo sa blockchain network at mas pabutihin ang experience ng mga user para sa metaverse at ilang mga applikasyon sa gaming. Sa pagsama ng web3 at ang Layer-2 blockchain technology maaari ng magkaron ng bagong desentralidong metaverse at ekosistema ng gaming kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makipag-interact at trasact sa mas pinagkakatiwalan, desentralisadong paraan at kung saan sila ay maaaring magkaron, bumili, at magbenta ng digital assets na mayroon sila.

Ang Komunidad ng Shib

Ang komunidad ang siya susi sa pagbuo o pagkalas ng isang proyekto. Ang komunidad ng Shiba Inu ay mayroong magkakaibang ekosistema na silang magkakakonekta sa isa’t isa gaya ng ShibaSwap, Woof analytics, Shibarium (Eth L2 Blockchain), at pati na rin ng NFT koleksyon na Shiboshis.

Ang telegram nila ay mayroong mahigit na 77k miyembro and mahigit 3.6 milyon na tagasubaysaby sa Twitter, dahil dito ay siyang nagpapatunay na ang komunidad ng SHIB ay siyang isa sa mga pinaka malakas na komuninad na mayroon.

Paano bumili ng Shiba Inu (SHIB)?

Gamit ang Coins Buy & Sell Crypto Portal:

  1. Step 1: Mag log in lamang gamit ang inyong Coins.ph account, at kung wala ka pang app nito, pwede mo itong idownload sa App Store o Google Play.
  2. Step 2: Mag cash ng nais mong halaga patungo sa Coins.ph wallet mo.
  3. Step 3: Maaari ka ng makabili ng $ETH na token bilang parte ng iyong crypto portfolio.

Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:

  1. Step 1: Mag log lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
  2. Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
  3. Step 3: Piliin ang SHIB/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
  4. Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
  5. Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.