Ano ang TRON (TRX)?

Ang TRX ay binuo na may layuning baguhin ang industriya ng midya at entertainment, na nagbibigay-daan sa mga user na ma-access nang mabilis at ligtas ang mga de-kalidad na mga app at iba pang mga content.

TL;DR:

  • Ang token na TRX ay isang desentralisadong, open-source blockchain platform na may kakayahang magpatakbo ng mga smart contract at suportahan ang pabubuo ng mga desentralisadong applikasyon.
  • Ang mga token na katugma sa TVM ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng mga smart contracts gamit ang TRC-20 na isang teknical stand at sumusunod sa ERC-20.
  • Nag-aalok din ang TRON ng napakabilis na pagporoseso, na may kakayahang magproseso ng milyun-milyong transaksyon sa bawat segundo.

Coins Wiki: TRON

TRX
Token nameTRX
TickerTRX
Website Tron Network
NetworkTRC 20
Ang buod ng TokenAng TRX, kilala din bilang Tron, ay isnag cryptocurrency na inilunsad noong 2017. Ito ay isang open-source blockchain platform na naglalayong maging isang desentralisadong entertainment network.
Pangkalahatang Ideya ng TokenAng TRX ay ang sariling token ng plataporma ng Tron, isang desentralisadong blockchain na naglalayong bumuo ng libre at desentralisadong internet. Ang token na ito ay ginagamit bilang isang pamamaraan ng pagbabayad ng mga transaction fees, investment, pag-access sa mga decentralized application, asset tokenization, at paggantimpala sa mga programa sa plataporma.
AuditLeast Authority
Mga Advisors & Mga PartnersAng pinakamahalagang partnership ng TRON ay kabilang ang Poloniex, isang brokerage na mayroong daily volume na mahigit $70 milyon. Ang kolaborasyon na ito ay nagresulta sa paglista ng TRON sa Poloniex, na pinapataas ang accessibility nito sa mga investors. Bilang karagdagan, ang TRON ay mayroon ding strategic partnership kasama ang Samsung, isang pandaigdigang lider sa industriya ng teknolohiya. Nagbuo din ng partnership ang TRON kasama ang APENFT Marketplace. Ang kolaborasyon na ito ay pinahintulutan ang paggamit ng TRON bilang isang paraan upang magbayad ng mga nabiling NFT sa merkado, na pinapalawak ang pagiging kapaki-pakinabang nito at pagpapalakas ng presensya nito sa sektor ng NFT. Ang Swisscom Blockchain ay isa pang mahalagang partnership ng TRON. Pinalawak nito ang presensya ng TRON sa Europa at naging posible para sa mas maraming tao na maka-access at makagamit ito. Sa wakas, ang partnership na ginawa ng TRON kasama ang Opera Browser.
Circulating Supply91,444,435,192 TRX
Contract AddressTNUC9Qb1rRpS5CbWLmNMxXBjyFoydXjWFR
Max Supply
Number of Holders72,800,825*
BlockchainTRC-20
Year in-corporated2017
Governance TokenTRX
Mga Fun FactsJustin Sun, ang tagapagtatag ng Tron, ay kinilala sa kanyang matapang na pagkilos at prominenteng presensya sa social media. Bumuo ng iba’t ibang partnership ang Tron sa iba pang malalaking kumpanya, kabilang na ang Samsung, na nagpapalakas sa presensya nito sa merkado ng cryptocurrency.

Dagdag pa rito, si Sun ay kilala din sa mundo ng cryptocurrency, na nagbayad ng 4.57 milyong dolyar para sa isang tanghalian kasama ang sikat na investor na si Warren Buffett.
Where to Buy & SellMangalakal ng TRX sa CoinsPro isang BSP-regulated licensed crypto wallet sa Pilipinas.
Mga pinaggagamitan ng TokenAng token na TRX ay ginagamit sa plataporma ng Tron bilang isang pamamaraan ng pagbabayad ng mga transaction fees, investment, pag-access sa mga decentralized application, asset tokenization, at paggantimpala sa mga programa sa plataporma.

Ito ay maaaring gamitin sa pangangalakal ng cryptocurrency at maaari ding gamitin bilang isang paraan para mag-diversify ng asset portfolio. Ang inaasahan ay, sa paglago ng platform ng Tron, ang paggamit ng TRX ay lalawak pa upang ma-access at makipag-ugnayan sa isang malawak na hanay ng mga application at serbisyo sa platform.
*as of writing

Ang ano Tron?

Ang TRX ay binuo na may layuning baguhin ang industriya ng midya at entertainment, na nagbibigay-daan sa mga user na ma-access nang mabilis at ligtas ang mga de-kalidad na mga app at iba pang mga content.

Ang TRX ay binuo na may layuning baguhin ang industriya ng midya at entertainment, na nagbibigay-daan sa mga user na ma-access nang mabilis at ligtas ang mga de-kalidad na mga app at iba pang mga content. Ang token na TRX ay isang desentralisadong, open-source blockchain platform na may kakayahang magpatakbo ng mga smart contract at suportahan ang pabubuo ng mga desentralisadong applikasyon. Maaaring i-trade ang TRX sa CEXs at DEXs at maaari ding gamitin para sa pag-diversify ng iyong asset portfolio. Sa paglaki ng platform ng Tron, inaasahan na patuloy na lalawak ang paggamit ng TRX.

Ekonomiya ng TRON

Ang TRON Virtual Machine (TVM) ay isang compact turing-complete virtual machine na may layuning maghatid ng isang pinasadyang blockchain system na mabisa, ligtas, at nasusukat.

Ang mga token na katugma sa TVM ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng mga smart contracts gamit ang TRC-20 na isang teknical stand at sumusunod sa ERC-20. Hindi tulad ng Bitcoin, tumatakbo ang TRX sa isang Delegated Proof Of Stake (DPOS) consensus mechanism  upang aprubahan at lumikha ng mga bagong block sa blockchain.

Bilang isang Proof Of Stake (POS) token, ang mga gumagamit ay maaaring i-stake ang kanilang TRX at makatanggap ng maliit na insentibo bilang gantimapala sa pagbilang sa ekonomiya ng TRON. Mayroong 27 Super Representatives (SRs) na responsable sa pagpapanatili ng seguridad ng network sa pamamagitan ng pag-validate ng mga transaksyon. Sa block time na 3 segundo at block reward na 32 TRX bawat block, nagbibigay ito sa pag-stake ng TRX na magkaroon ng APY na 3.9%.

USDD - Ang Algorithmic Stablecoin ng TRON

Ang USDD, ang stablecoin sa ekonomiya ng TRON na ipinakilala noong Hulyo 2022, ay nakaposisyon upang maging unang over-collateralized na Stablecoin. Ang stablecoin ay isang digital asset na palaging mananatili sa fixed ratio na 1:1 sa US Dollar.

Sa kaso ng USDD, ang 1 USDD ay palaging katumbas ng US$1. Upang makamit ang peg na 1:1 ratio, ipinakita ng TRON DAO Reserve (TDR) ang mga reserba kumpara sa halaga ng USDD na na-mint. Sa pagsulat, ang sobrang collateralization ay nasa 173%, ibig sabihin, mayroong karagdagang US $0.73 na halaga ng mga asset sa DAO para sa bawat 1 USDD na na-mint.

Ang paglago ng merkado ng DeFi ay naging malaking tulong sa TRX nitong mga nakaraang buwan, at ang Tron ay nagsusumikap na maging isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng DeFi.

TRC-20 USDT

Ang USDT, isang USD-pegged stablecoin na inisyu ng kumpanyang Tether ay maaari ng makita sa network ng TRON na kilala bilang TRC-20 USDT. Ang TRC-20-based USDT ay may mataas na interoperability sa TRON-based na mga panukala at Decentralized Apps (dApps) na nagpapahintulot sa mga gumagamit na mag-trade, farm, at humiram ng crypto gamit ang USD-pegged stablecoin

Mga Benepisyo ng TRC-20 USDT

Dahil sinusuportahan ang USDT ang network ng TRON, ginagawa nitong mas mura ang mga transaksyon para sa mga gumagamit kapag naglilipat ng TRC-20 USDT mula sa isang wallet patungo sa isa pang wallet.

Bagama't ang USDT ay nakabatay sa ERC-20, ang paglilipat ng ERC-20 USDT mula sa isang wallet patungo sa isa pang wallet ay maaaring nagkakahalaga ng hanggang US$1 depende pa sa congestion ng network. Sa network ng TRC-20, ang pagpoproseso ng parehong transaksyon ay maaaring nagkakahalaga ng kasingbaba ng US$0.26 na siyang naging daan upang makatipid ang mga gumagamit.

Mga kamakailang pagpapaunlad ng Tron

  • Noong Enero 2021, inanunsyo ng Tron Foundation ang pagkuha ng BitTorrent, isa sa pinakamalaking network ng pagbabahagi ng mga file sa buong mundo. Pinayagan nito ang TRON na palawakin ang presensya nito sa merkado digital entertainment at palakasin ang peer-to-peer network nito.
  • Kamakailan din ay naglunsad ang TRON ng DeFi lending na panukala, ang JUST, na nagbibigay-daan sa mga user na magpahiram at kumita ng kanilang TRX at iba pang digital asset.

Ang Teknolohiya ng Tron

Ang platform ng TRON ay nakabatay sa teknolohiya ng smart contracts at sinusuportahan ang pagpapatupad ng mga desentralisadong aplikasyon. Nag-aalok din ang TRON ng napakabilis na pagporoseso, na may kakayahang magproseso ng milyun-milyong transaksyon sa bawat segundo.

Ang arkitektura ng smart contracts ng TRON ay idinisenyo upang magbigay ng flexible at mahusay na platform para sa paglikha at pagpapatupad ng mga smart contracts. Ang mga smart contracts ay mga self-executing program na awtomatikong nagsasagawa ng mga kundisyong nauna nang tinukoy sa pagitan ng mga kasangkot na partido. Ito ay naging daan upang magpahintulot ng may seguridad na mga transaksyon at mga kasunduan na hindi na kinakailangan pa ng mga tagapamagitan.

Ang TRON ay gumagamit ng mga Solidity programming language upang magsulat ng kanilang mga smart contracts, na siya namang pangunahing programming language ng Ethereum. Ang mga developers na pamilyar sa Solidity ay mas madaling makakasulat at gumawa ng smart contracts sa blockchain ng TRON. Nagbibigay din ang TRON ng malawak na hanay ng mga tool at talaan para tulungan ang mga developer na lumikha ng mga advanced na smart contract.

Nag-aalok din ang TRON ng mataas na scalability para sa mga smart contract nito. Sa kakayahang magproseso ng milyun-milyong transaksyon sa bawat segundo, ang TRON ay may kakayahang pangasiwaan ang malaking halaga ng mga demand ng smart contract nang sabay-sabay, nang hindi isinasakripisyo ang seguridad o kahusayan.

Ang isa pang kalamangan ng arkitektura ng smart contracts ng TRON ay ang pamamaraan nito sa pagbabayad. Sa halip na maningil ng mga bayarin para sa bawat transaksyon, naniningil ang TRON ng mga bayarin para lamang sa storage at paggamit ng data sa network. Nangangahulugan ito na ang mga gumagamit ay maaaring madalas na magsagawa ng mga smart contracts nang hindi nababahala tungkol sa halaga ng mga bayarin sa transaksyon.

Bilang kabuuan, ang arkitektura ng smart contracts ng TRON ay isang mahusay na platform para sa paglikha at pagpapatupad ng mga smart contracts. Sa pagkakaroon ng accessible programming language, mataas na scalability, advanced na mga tool, at isang mahusay na diskarte sa bayad, nagbibigay ang Tron ng isang praktikal na solusyon para sa paglikha ng mga desentralisadong aplikasyon at smart contracts.

Paano Bumili at mag-Trade ng TRON sa Pilipinas?

Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:

  1. Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
  2. Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
  3. Step 3: Piliin ang TRX/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
  4. Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
  5. Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.

Paano Bumili ng TRC-20 USDT sa Pilipinas?

Paano Bumili ng TRC-20 USDT sa Pilipinas?

Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:

  1. Step 1: Mag log in lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
  2. Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
  3. Step 3: Piliin ang USDT/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
  4. Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
  5. Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.