Ano ang Web3?

Ang Web3 ay itinuturing na susunod na henerasyon ng internet.
Ano ang Web3?

May bagong buzzword na lumalaganap ngayon sa mundo ng cryptocurrency: Web3 o Web 3.0.

Pakulo nga lang ba ito? Bakit marami ang excited dito? Ano ang benepisyo ng Web3?

At, siyempre, ano nga ba talaga ang Web3?

Ano ang Web3?

Upang maintindihan ang Web3, kailangan munang balikan ang kasaysayan ng internet.

Kaya mag-rewind muna tayo kaunti:

Web1 (Read-Only)

Kilala rin bilang static web, ang Web 1 o Web 1.0 ay ang unang internet na nagsimula noong 1990s. Ang read-only na bersyon na ito ay hindi "user-friendly" dahil ito ay ginawa lamang gamit ang HTML (Hypertext Markup Language), URL (Unique Resource Locator), and HTTP (HyperText Transfer Protocol).

Nagagamit lang ang Web2 para sa pagbabasa. Walang ginamit na algorithms dito, kaya hindi pwedeng makapaglagay ang mga tao ng karagdagang impormasyon o baguhin ang mga laman nito. Noong panahon ng Web1, email at mga news website lamang ang ilan sa mga interaktibong parte ng internet.  

Lahat ng mga impormasyon sa loob ng website ay ginawa lamang ng may-ari nito, at hindi makapag-contribute ang mga gumagamit nito.

Web2 (Read-Write)

Noong 2005, na-introduce ang konsepto ng Web2 or Web 2.0. Kilala rin bilang social web, iniba ng Web2 kung paano gamitin ng mga tao ang internet.

Dahil sa pagdevelop ng bagong teknolohiya sa internet at mga programming language, gaya ng JavaScript, HTML5, and CSS, nakagawa ang mga developers ng websites kung saan pwedeng makipag palitan ng impormasyon ang mga tao.

Ang Web2 ay nagdulot ng mas interaktibong experience. Ngayon, ang mga tao ay kaya nang baguhin ang content ng website. Ang mga pagbabago naman sa Web2 ay pinalawak pa dahil sa pag-unlad ng mobile apps, games, at social media.

Ang Web2 ay gumagamit ng client-server model – kung nagbukas ka ng isang website, ibig sabihin ay humihingi ka ng impormasyon sa isang centralized server. Ang server na ito, na pagmamay-ari at kontrolado ng isang kompanya, ay naglalaman ng data na kinakailangan upang gumana ang isang website.

Marahil ay naranasan mo na ang mga problemang kaakibat ng Web2 internet:

Pagkasira ng Centralized Server

Minsan ay nagkakaroon ng issue ang server ng website na maaaring abutin ng ilang oras o araw. Gaya ng nangyari sa Facebook noong October 2021, kung saan nawalan ng access ang mga tao sa kanilang data at hindi nila magamit ang website.

Hacking at Pagnanakaw ng Data

Kung nilagay mo ang iyong personal data sa isang website, ibig sabihin ay nagtitiwala kang maprotektahan nila ito. Ang modelong ito ay base sa tiwala. Subalit, kung ma-hack ang isang website, madadamay din ang mga impormasyon ng mga tao na nakalagay sa system nito.

Mga Isyu sa Permisyon

Nakakapasok ka sa isang website dahil binibigyan ka ng permiso ng kumpanya o server nila. Ngunit, ang mga kumpanyang ito ay maaaring limitahan ang iyong paggamit o alisin ka sa kanilang website. Legal itong gawin lalo’t kung sumang-ayon ka sa kanilang mga kondisyon (user agreement) sa pag sign up sa kanilang website.

Sa paglipas ng mga taon, maraming kumpanya ang lumago sa Web2 model ng internet, gaya ng Facebook, Google, YouTube, Twitter, at iba pa. Mula sa komunikasyon, entertainment, kaperahan, hanggang sa pag-order ng pagkain at pag-arkila ng sasakyan–ang mga kumpanyang ito ay kasama na sa pang araw-araw na buhay ng mga tao.

Dahil kontrolado nila ang websites, kontrolado din nila ang datos at impormasyon ng mga tao. Ang mga korporasyon na ito ay kumita na ng trilyong dolyar dahil sa paggamit ng data nga mga tao sa buong mundo.

Web3 (Read-Write-Own)

Kilala din bilang semantic web, ang Web3 ay itinuturing na susunod na henerasyon ng internet, na mas bukas sa publiko, desentralisado, hindi kailangan ng “tiwala” at permisyon ng mga kompanya. Ang Web3 ay gawa sa mga desentralisadong protocols, kung saan ang mga tao ay kasali sa paggawa ng nilalaman ng website at pamamahala nito. Pwede rin silang magmay-ari ng parte ng website.

Ang kayang gawin ng Web3 ay gawing may-ari at manlilikha ang mga tao. Tulad ng kung paano gumagana ang blockchain, ang Web3 ay tatakbo sa isang peer-to-peer na network nang hindi nangangailangan ng isang third-party na institusyon.

Marami nang teknolohiya na maaaring magsilbing pundasyon ng Web3. Ang mga blockchain tulad ng Chainlink (LINK), Helium (HNT), Ethereum (ETH), at mga imbakan ng data tulad ng InterPlanetary File System (IPFS) ay ilan sa mga teknolohiyang maaaring magsilbing pundasyon ng isang desentralisadong internet.

Sa katunayan, mayroon nang libu-libong mga desentralisadong aplikasyon (dApps) o open-source na mga aplikasyon na tumatakbo sa isang blockchain network. Kasama sa mga dApps na ito ang mga native na token, na dumadagdag din naman sa halaga ng mga token na iyon . Samakatuwid, ang mga may hawak ng mga cryptocurrencies na ito ay maaaring lumahok sa network at makibahagi sa halagang nalilikha mula dito.

How Does Web3 Work?

Magagawa lang ang mga desentralisadong apps sa loob ng smart contract network.

Ang Ethereum, halimbawa, ay tulad ng isang higanteng network ng mga computer, kung saan ang lahat ng mga kalahok ay sumasang-ayon sa parehong estado ng data sa buong network.

Ang Ether (ETH), ang cryptocurrency sa Ethereum network, ay ginagamit upang lumikha ng mga transaksyon na nagbabago sa estado ng data. Kaya, kapag nag-broadcast ka ng isang transaksyon, nagbibigay ka rin ng maliit na halaga ng Ether, na nagsisilbing  insentibo para sa isa pang computer sa network na isagawa ang transaksyon. Ito ay tinatawag na "gas fee", na nagpapagana sa mga operasyon ng isang desentralisadong aplikasyon.

Karaniwan, ang mga web developer ay bumubuo ng isang website o application sa pamamagitan ng pagsulat ng back-end code at pag-deploy nito sa isang sentralisadong server. Sa kabilang banda, ang back-end code ng isang desentralisadong app ay nakasulat sa loob ng isang smart contract, na kadalasan ay nasa Ethereum blockchain.

Ang front-end naman ng isang desentralisadong app ay maaaring gawin tulad ng isang normal na website. Subalit, ang user authentication ay gumagana sa ibang paraan.

Kumpara sa Web2, ang mga application na ginawa sa blockchain ay hindi nangangailangan ng username o password. Kapag nag-a-access sa isang dApp, ang user ay dapat magbigay ng isang Public Wallet Address para sa pagtanggap ng mga bayad at isang Private Key para sa pagpirma ng mga transaksyon at pagpapadala ng mga bayad. Maaaring ikonekta ng mga tao ang kanilang mga wallet sa isang browser plugin tulad ng MetaMask. Ang mga wallet ng tao ay maaaring lumikha ng nilalaman at makipag-ugnayan sa isa't isa sa parehong paraan na ginagawa sa Web2. Maaari silang bumili ng mga NFT, mag-post ng mga artikulo, maglaro, atbp.

Mga Halimbawa ng Desentralisadong Applications (dApps) sa Web3

  1. Ang Uniswap ay isang desentralisadong kalakalan ng cryptocurrency na binuo sa loob ng Ethereum network. Karaniwan, mayroon itong algorithm na nagpapahintulot sa pagpapalitan ng Ethereum ERC-20 tokens. Ito ay isa sa mga pinaka "naka-forked" na proyekto sa Decentralized Finance (DeFi) space, na nangangahulugang ginagamit ng mga tao ang code nito upang bumuo ng mga application.
  2. Ang AAVE ay isang open-source liquidity protocol na nagpapahintulot sa mga user na magdeposito (stake) ng kanilang Ethereum at pondohan ang ilang mga smart contract. Sa paggawa nito, ang mga mamumuhunan ay maaaring makatanggap ng interes at makakuha ng passive income. Sa ganitong paraan, pinapayagan ng system ang mga developer na pondohan ang kanilang mga proyekto at bumuo ng mga application sa blockchain.
  3. Ang Orca ay isang desentralisadong exchange na nagpapahintulot sa mga user na mag-trade ng mga token sa ilalim ng Solana blockchain. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng middleman sa proseso, pinapayagan ng Orca ang pagpapalitan ng mga token na may kaunting bayad sa transaksyon at mas mabilis na paglipat ng data. Ang palitan ay nagbibigay-daan din sa mga user na mag-stake at kumita mula sa mga bayad sa transaksyon.

How to Join the Web3 Revolution?

Lalo pang lalawak ang mundo ng cryptocurrency habang ang mga developer ay bumubuo ng mas maraming dApps at tumutuklas ng iba pang gamit ng Web3. Tiyak na mas makikila pa ang desentralisasyon sa maraming iba pang lugar sa paglipas ng panahon – mula sa pananalapi, sining, paglikha content, entertainment, at maging ang internet mismo.

Kaya kung hindi mo nais na mapaglagpas ang pagkakataong ito, dapat ay bumili ka na ng cryptocurrencies at mag-aral tungkol sa mga ito.

Mag-sign up na ngayon para bumili ng mga cryptocurrencies at sumali sa Web3 revolution!



You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.