Fundamental vs Technical Analysis: Ano ang pagkakaiba?

Dapat ay magsimula sa pagtukoy ng plano o diskarte sa crypto trading.
Fundamental vs Technical Analysis: Ano ang pagkakaiba?

Bagama't hindi malinaw kung ang Technical Analsis ay maaaring ipamalalit sa paggawa ng Fundamental Analysis, hindi maikakailang ang benepisyo ng parehong pamamaraan ay maaaring makatulong sa mga investors na maunawaan ang asset.

Narito ang mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Fundamental Analysis (FA) at Technical Analysis (TA)

Fundamental Analysis

  • Inirerekomenda para sa pangmatagalang investment
  • Tinutukoy ang intrinsic na halaga ng crypto
  • Sinusukat gamit ang pang-negosyong impormasyon
  • Nakatuon sa nakaraan at kasalukuyang data
  • Mula ang bagong datus sa mga ulat at kaganapan
  • Prediksyon ng presyo ay batay sa performance ng proyekto
  • Ginagamit para sa mahabang posisyon

Technical Analysis

  • Inirerekomenda para sa mga panandaliang trades
  • Tinutukoy ang tamang panahon para bumili at magbenta
  • Sinusukat gamit ang trends at pagtaas-baba ng presyo
  • Nakatuon lamang sa nakaraang data
  • Nakakakuha ng bagong datus sa chart analysis
  • Prediksyon ng presyo ay batay sa pattern at indicator
  • Ginagamit para sa maikling posisyon

Ikaw Ba ay Isang Investor o Trader?

Dapat ay magsimula sa pagtukoy ng plano o diskarte sa crypto trading. Simula rito ang pag-aralan ang fundamental analysis at technical analysis.  Ang halaga ng pera na maaari mong kitain sa crypto ay depende sa kung alin sa dalawang estratehiya ang gagawin mo kapag tumitingin sa merkado.

Investor

Ang mga investors ng cryptocurrency ay naka-"HODL" lamang at mahigpit na hinahawakan ang kanilang mga crypto sa mahabang panahon. Ang pinakamagandang cryptocurrency investment ay  balak mong panghawakan sa matagal na panahon. Anuman ang pagbabago sa halaga ng iyong investment, nananatili ang kumpiyansa mo sa pangmatagalang pagtaas ng presyo nito.

Namumuhunan ang mga tao sa isang partikular na cryptocurrency dahil naniniwala sila sa teknolohiya, mga plano, ekonomiya, at mga taong nasa likod nito, na malalaman lamang sa pamamagitan ng Fundamental Analysis. Hangga't ang iyong pera ay naka-invest sa ilang mga mapagkakatiwalaang cryptocurrency, hindi mo kailangan ng malawak na pananaliksik.

Trader

Bumibili at nagbebenta ng crypto ang mga trader para kumita nang mabilisan. Ang cryptocurrency ay tinitiganan nila bilang isang paraan o tool upang kumita ng pera. Sa madaling salita, ang crypto trading ay hindi isinasaalang-alang ang teknolohiya o ang mga indibidwal na lumikha nito.

Sinasamantala ng mga crypto traders ang pagtaas-baba ng presyo sa merkado. Ang isang mamumuhunan ay maaaring kumita mula sa mga murang coins sa pagbebenta sa mga ito kapag tumaas na ang presyo. Upang maging isang matagumpay na trader, dapat kang magsagawa ng malawak na pananaliksik, na nangangailangan ng pag-aaral ng mga chart at pattern sa presyo, na malaking parte ng Technical Analysis.

Fundamental Analysis Kumpara sa Technical Analysis

Tinitingnan ng isang fundamental analyst ang tunay na halaga ng cryptocurrency at kung gaano ito kahusay kumita ng pera. Sa kabaliktaran, ang isang teknikal na analyst ay tumitingin lamang sa kasaysayan ng presyo ng asset at dami ng trades.

Gumagamit ang mga technical analyst ng mathematical equation, chart, at graph para maghanap ng mga trend na sumusuporta sa mga senyales kung dapat nang bumili o magbenta. Dahil ang teknolohiya ay hindi pinagtutuunan ng pansin, ang mga buy at sell signal na ito ay sinusukat na may kaugnayan sa iba pang mga teknikal na indicator na nagsasabi ng parehong kwento.

Hindi tulad ng Technical Analysis, na nakatutok sa mga pamamaraan para hulaan ang paggalaw ng presyo ng asset, hinihimok ng Fundamental Analysis ang mga investors na tignan ang tunay na halaga ng cryptocurrency. Ang mga fundamental analyst ng crypto ay madalas na gumamit ng mga hakbang na kaugnay sa negosyo upang malaman kung magkano ang halaga ng isang cryptocurrency. Halimbawa, susuriin nila ang mga gamit o aplikasyon at ekonomiya ng proyekto upang makita kung paano maihahambing ang kanilang investment sa iba.

Ano ang Technical Analysis?

Ang Technical Analysis ay isang uri ng pananaliksik na tumitingin sa kung magkano ang halaga ng isang crypto batay sa mga trend at istatistika tungkol sa kung paano gumagalaw ang presyo ng isang asset at kung gaano karami ang trades nito.

Pagdating sa Technical Analysis ng crypto, mahalagang pag-aralan ang ilan sa mga kasanayang matututunan mo sa mga tradisyonal na pamilihang pinansyal. Ang mga trader ng Forex, stocks, at futures ay gumagamit ng iba't ibang teknikal na indicator, at ang cryptocurrency ay hindi naiiba sa mga ito. Sinusubukan ng mga teknikal na indicators tulad ng RSI, MACD, at Bollinger Bands na hulaan kung paano kikilos ang market, anuman ang kinakalakal na asset.

Ang Technical Analysis ay binuo sa paniniwala na ang mga nakaraang paggalaw ng presyo at aktibidad sa merkado ng isang partikular na asset ay maaaring gamitin bilang isang mahalagang impormasyon upang matukoy ang hinaharap na galaw ng presyo.

Fundamental Analysis

Ang mga crypto ay hindi masusuri gamit ang mga tradisyonal pamamaraan pagdating sa Fundamental Analysis. Taliwas sa popular na paniniwala, ang Fundamental Analysis para sa mga cryptocurrencies ay malaki ang pagkakaiba sa ginagawa sa mga tradisyonal na merkado.

Ang Fundamental Analysis ay nangangailangan ng malalim na pagsasaliksik tungkol sa mga katangian, makinarya, and proseso sa likod ng cryptocurrency. Maaari mong tingnan ang mga gamit ng crypto, ang bilang ng mga indibidwal na gumagamit nito, o ang mga tao sa likod ng proyekto. Sa ganitong mga impormasyon, matutukoy mo kung ang asset ay masyadong mababa o mataas ang presyo. Pagkatapos ay maaari mong gamitin ang iyong mga natuklasan upang bumuo ng isang diskarte sa investment.

Ang kanilang pangunahing layunin ay malaman kung ang isang asset ay sobra o kulang sa presyo sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng ilang mga bagay. Maaari nilang samantalahin ang kaalamang iyon upang taktikal na makapasok sa posisyon para sa mahabang panahon at kumita kapag lumaki na ang halaga ng crypto.

Dapat Bang Gamitin Pareho?

Ang Technical at Fundamental Analysis ay madalas itinuturing na magkakontrang pamamaraan para sa pagsusuri sa crypto. Gayunpaman, ang ilang mga investors ay nakahanap ng tagumpay sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa. Posibleng tumuklas ng mga nakatagong kayamanan sa crypto gamit ang Fundamental Analysis at pagkatapos ay gumamit ng Technical Analysis upang humanap ang tamang tiyempo bagon bumili or magbenta. Minsan, ang kumbinasyong ito ay gumagana kapag masyado nang maraming nagbenta sa crypto, at ang pagkuha sa posisyon ng masyadong maaga ay maaaring maging masama.

Sa maraming pagkakataon, maaaring tingnan ng mga teknikal na traders ang mga pang-negosyong mga batayan at sukatan sa crypto upang umakma sa kanilang mga teknikal na natuklasan. Kung ang isang breakout ay nangyari bago ang isang makabuluhang ulat, ang isang trader ay maaaring tumingin sa mga fundamental na impormasyon upang makita kung maaari nitong malagpasan ang mga inaasahang kita sa hinaharap.

Konklusyon

Ang ilang mga tao ay hindi gusto ang ideya ng pagsasama ng Technical Analysis sa Fundamental Analysis, ngunit ang pag-aaral sa mga ito ay mabuti upang malaman kung paano sila gamitin.

Sa kabilang banda, ang ilang mga tao ay naniniwala na ang kumbinasyon ng Technical at Fundamental Analysis ay makakalikha ng epektibong diskarte sa trading at investing ng crypto.

Gayunpaman, ang paggawa ng iyong sariling pananaliksik ay susi upang maging matagumpay sa mundo ng crypto.

Mag-sign up ngayon o i-download ang Coins.ph app para makuha ang pinakabagong balita, tips, at gabay tungkol sa cryptocurrency.

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.