“Hindi iyong susi, hindi iyong coins”
Ito maaari ang lagi ninyong naririnig sa crypto space. Kung nagmamay-ari ka ng crypto, may possibilidad na gumagamit ka na ng hot wallet ng hindi mo nalalaman. Pero narito ang isa pang klase ng wallet, ang cold wallet at sa pahayag na ito, inilista namin ang pagkakaiba at benepisyo ng 2 wallet na ito.
Ano ang crypto wallet?
Ang crypto wallet ay katulad lamang ng pisikal na wallet na iyong ginagamit para itago ang iyong mga fiat, pero sa halip na fiat, ang hinahawakan nito ay ang cryptocurrency mo. Ang crypto wallet ang siyang nagtatago ng iyong private keys na pinapayagan kang gumawa ng transaksyon gaya ng pagpapadala ng ETH o BTC sa isang kaibigan o exchange. Isang halimbawa ng crypto wallet ay ang coins.ph app mo na siyang humahawak ng iyong cryptocurrency.
Bakit importante ang crypto wallet?
Dahil ang crypto natin nakatira kumbaga sa mga blockchain, ang paraan lamang para mabuksan mo ang iyong crypto holdings ay sa pamamagitan ng iyong private keys. Ang private keys mo ang siyang nagpapatunay na ikaw ay nagmamay-ari ng isang partikular na wallet address, na siya namang nagpapahintulot sayo na ilipat o galawin ang iyong funds.
Mga Uri ng Crypto Wallet
Mayroong 2 pangunahing kategorya ang crypto wallet na madalas gamitin ng mga tao, ito ay ang hot at cold wallet.
Ang hot wallet ay nagbibigay ng ginhawa o convenience sa mga gumagamit nito sa pagkakaron ng mga transaksyon na on-the-go dahil ito ay palaging nakakonekta sa internet, ngunit kahit na ito’y nakakapagbigay ng ginhawa, kulang naman ito sa seguridad, dahil palagi nga itong nakakonekta sa internet, ang paggamit ng hindi kilalang wifi ay maaaring maka engkuwentro ng mga hacker sa pagitan mo at ng iyong internet access point na maaaring magresulta sa pagkawala ng iyong funds. Isang halimbawa ng hot wallet ay MetaMask, Phantom, at SafePal App.
Ang cold wallet naman sa kabilang banda ay nagbibigay ng dagdag na seguridad. Para ma-access mo ang iyong funds sa blockchain, dapat mayroon kang private keys na hawak o isang hardware wallet na konektado sa iyong computer para makagawa ng isang transaksyon. Isang halimbawa nito ay ang SafePal.
Sa hot at cold wallet, mayroong 3 pangunahing uri ng wallet na ginagamit ng mga tao:
- Paper Wallet - Ang private keys ng isang paper wallet ay nakasulat lamang at tinatago sa isang ligtas na lugar. Kung wala kang access sa paper wallet o private keys, hindi ka pwedeng mag-access ng crypto sa online.
- Hardware Wallet - Ang private keys naman ng hardware wallet ay nakatago sa isang hardware wallet na mukhang USB stick. Ang mga gumagamit ay dapat na mayroong hardware wallet para ma-access ang kanilang wallet o gumawa ng kahit na anong transaksyon sa blockchain.
- Software Wallet - Ang software wallet naman ay maaaring nasa anyo ng browser extension, app sa phone, o isang software sa iyong kompyuter. Ang private keys nito ay nakatago sa loob ng isang software kung saan ito ay ligtas at ginagamitan ng unique password na ginawa ng may-ari.
Ang pag-setup ng Hot Wallet
Para sa mga bagong gumagamit na tutok sa kanilang crypto, ang paggamit ng isang hot wallet ay maaari mong isaalang-alang dahil sa dali ng paggamit nito, karamihan pa sa mga ito ay libre lamang kung gagamitin at kailangan mo lamang ng isang kompyuter o phone. Gagamit tayo ng SafePal bilang halimbawa para sa gabay na ito, ngunit mayroon ding iba pang mga hot wallets gaya ng MetaMask at Phantom.
Para masimulan, kailangan mo mag-download ng SafePal App na maaari mong makita sa iOS o android. Maghanda ng papel at panulat sa iyong tabi pati na rin ang paghahanda mo magsulat ng iyong secret key phases.
Step 1: Kapag natapos mo na i-download ang iyong SafePal App, may lalabas na mga impormasyon patungkol sa app na ito.
Step 2: Uudyukan ka naman ng SafePal na gumawa ng sarili mong password. Ang password na ito ang magpapahintulot sa iyo na i-access and SafePal sa device na kasalukuyan mong ginagamit.
Step 3: Kapag nakumpirma mo na ang iyong password, pwede ka na mag secure ng iyong wallet.
Step 4: Ang sunod na pahina naman ang magbibigay sayo ng option kung ikaw ba ang gagawa ng software wallet o ng hard wallet. Pipiliin natin ang software wallet para sa halimbawang ito. Ngunit, kung mayroon ka ng SafePal hardware wallet, pwede mo i-connect ang iyong hardware wallet sa iyong SafePal App.
Step 5: Pindutin ang Software wallet at dadalhin ka nito sa bagong pahina kung saan bibigyan ka ng mga pagpipilian. Kung mayroon ka ng existing wallet mula sa ibang provider, pwede mong i-input ang mnemonic phase para masynch ito sa iyong gagawing wallet. Kung sakali man na mawala ang iyong device, pwede ka muling makakuha ng access nito sa pamamagitan ng pagimport nito gamit ang mnemonic phase.
Kung hindi man, pindutin natin ang “Create a new wallet”
Step 6: Sa pagpindot nito, lalabas ang isang pahayag na maguudyok sayo na gumawa ng sarili mong Mnemonic Phrase.
Ang mnemonic phrase na ito ay magsisilbing secret key mo para ma-access ang iyong wallet kung sakali man na mawala ang iyong device. Gamit ang mnemonic phrase, maaari mong kunin pabalik ang access sa iyong wallet sa pamamagitan ng pagimport nito gaya ng nabanggit sa Step 4.
Step 7: Ang mnemonic phrase ay naglalaman ng 24 na mga salita. Ang 24 na salitang ito ay masisilbing susi mo para ma-access ang iyong wallet kung sakaling mawala ito sa iyo. Kailangan mong isulat ang mnemonic phrase sa isang piraso ng papel at dapat itong nakarecord sa tamang pagkakasunod sunod nito. Ang mnemonic phrase ay dapat na itago sa isang ligtas na lugar kung saan walang access ang ibang tao maliban sa’yo.
Step 8: Kapag nakumpirma mo na ang iyong mnemonic phrase, ang huling hakbang ay ang paglalaan mo ng pangalan sa iyong wallet at pwede na itong magamit pagkatapos.
Ang SafePal App ay pinahihintulutan kang hawakan ang karamihan ng iyong cryptocurrency, mga NFT, at i-explore ang mga DeFi Dapps. Sa pagkakaroon ng hot wallet, pwede kang gumawa ng mga transaksyon at makipag-ugnayan sa Dapps ng walang problema.
Paano mag-setup ng Hardware Wallet?
Ang pag-setup ng isang hardware wallet ay labis na kapareho lamang ng pag-setup ng isang software wallet. Ang pinaka pinagkaiba lamang nila ay ang pagkakaroon ng ugnayan ng application pati na rin ng hardware. Karamihan sa mga hardware wallets ay itinuturing na cold storage ng nakararami dahil nangangailangan ito ng pisikal na hardware para makagawa ng mga transaksyon. Mayroong ibang mga hardware wallets gaya ng Ledger at Trezor pero gagamit tayo ng SafePal bilang halimbawa para sa gabay na ito.
Kapag mayroon ka ng SafePal hardware wallet, kailangan mo itong buhayin at pumili ng lenggwahe. Pagkatapos, maglalabas ito ng QR code kung saan pwede mo magamit ang iyong SafePal App para ito’y mascan.
Pagkatapos mascan ang QR code, uudyukan ka naman nito na gumawa ng mnemonic phrase. Gaya ng dati, kailangan mo itong isulat at siguraduhin na nasa ligtas at maayos na lugar ito nakatago.
Kapag naverify mo na ang iyong mnemonic phrase at nakagawa ka na ng strong pin, bigyan mo din ng pangalan ang iyong wallet at pwede mo na din itong gamitin.
Anong crypto wallet ang dapat kong gamitin?
Ang parehong hot at cold crypto wallet ay may sariling nitong gamit sa magkaibang oras. Kung ikaw ay laging nangangalakal o gumagawa ng mga transaksyon gamit ang crypto, ang hot wallet ay maaaring para sa’yo. Pero dapat mong tandaan na ang software wallet ay may sarili nitong mga panganib at laging konektado sa internet.
Ang cold wallet naman sa kabilang banda ay nagsisilbing vault kung saan ang mga cryptocurrency sa hardware wallet ay bihirang galawin.
Isang paraan para masiguro na ang crypto ay ligtas ay ang paghati nito sa magkakaibang wallet. Ang pagkakaroon ng maliit na halaga ng crypto sa iyong hot wallet ay pahihintulutan ka na i-access ang mga Dapps at dabble sa DeFi space para ikaw ay makapag yield farming, crypto lending, o maging ang pagsali sa NFT minting. Ang malaking bahagi ng iyong crypto ay maaaring itago sa iyong cold wallet para masiguro na ito ay ligtas.
Bakit kailangan gumamit ng crypto wallet?
Ang paggamit ng crypto wallet ay binibigyan ka ng kontrol sa iyong crypto na galawin ito sa paraan na gusto mo at kung kailan mo ito gustuhin, kumpara sa pag-iwan ng iyong crypto sa isang sentralisadong exchange kung saan nililimitahan nito ang pag-withdraw kapag mayroong inanunsyo, o worse case, ang exchange ay maaaring magsara na lamang bigla sa magdamag.
Hindi alintana kung anong crypto wallet ang iyong gagamitin, ang importante alam mo na sa paggamit ng crypto wallet, pag nagmamay-ari ka ng keys, nagmamay-ari ka din ng coins.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph