Maaari Bang Palitan ng Cryptocurrencies ang mga Bangko?

TL;DR

  • Ang isang sentralisadong sistema ng pananalapi, tulad ng mga bangko, ay may mga pagkukulang na maaaring malutas ng mga cryptocurrencies.
  • Mula pagsasali ng mga taong walang bank account, hanggang sa isang punto ng pagkasira (failure point), at bilis ng transaksyon, maaaring tugunan ng cryptocurrency ang ilan sa mga  ito.
  • Ang mga Bangko Sentral ng bawat bansa ay may responsibilidad sa pamamahala ng pananalapi at lakas ng pera sa loob at labas ng bansa, sa pamamagitan ng pagkontrol sa sirkulasyon ng pera.
  • Ang Central Bank Digital Currency (CBDC) ay ang digital na katumbas ng fiat na salapi, ngunit ang mga ito ay nanggagaling  din sa sentral na bangko ng isang bansa.
  • Walang perpektong sistema sa pananalapi ngunit ang kooperasyon ng Crypto at CBDC ay makakatulong sa pagbibigay ng mas maraming serbisyo sa pananalapi.

Bago maipakilala ang cryptocurrencies, pinadali ng mga tradisyunal na bangko ang lahat ng transaksyong pinansyal mula sa pagpapatunay, pagkilala, pagsusuri, at regulasyon sa pamamagitan ng pag-clear, pag-aayos, at paglilista. Tinitiyak ng mga bangko na ang mga transaksyon ay naisasagawa nang maayos at ang lahat ay naitatala at nabibilang.

Ngunit lahat ng ito ay nagbago nang ang Bitcoin ($BTC) ay ipinakilala noong Oktubre 2009.

Mga Makabagong Kakayahan ng Cryptocurrencies

Ang cryptocurrencies at teknolohiya ng blockchain ay lumikha ng isang desentralisadong sistema ng pananalapi, na nilutas ang mga kakulangan ng mga sentralisadong sistema ng pananalapi:

  • Ang mga sentralisadong sistema ay apektado ng isang punto ng pagkasira (single failure point). Halimbawa, ang isang insidente ng pag-hack ay agad na maparalisa ang buong operasyon sa pananalapi.
  • Ang mga walang bangko at kulang sa bangko ay hindi makakagamit ng mga serbisyong pinansyal dahil sa kakulangan ng mga pondo, pagkakakilanlan, o address, na naglilimita sa kanila sa pagsali sa mga lokal at pang-ibang bansang digital na transaksyon.
  • Maaaring tumagal ng mga araw o linggo bago maglipat ng pera sa pamamagitan ng SWIFT system (The Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication).

Sa panahon ng krisis sa pananalapi noong 2008 at iba pang mga pandaraya na kinasasangkutan ng mga institusyong pampinansyal, nakita ang mga isyu ng isang sentralisadong sistema ng pananalapi, at kalaunan namang natugunan sa pag-unlad ng teknolohiyang blockchain.

Gumawa si Satoshi Nakamoto ng teknolohiyang nagbibigay-daan sa paggamit ng Bitcoin, isang digital asset na lumulutas sa problema sa dobleng paggastos (double-spending problem). Nagtatag ang Bitcoin ng isang "trustless" na network sa pamamagitan ng blockchain nito, na nagsisilbing digital ledger na nagtatala ng bawat transaksyon gamit ang cryptography. Sa pamamagitan ng crypto, ang mga transaksyon sa pananalapi ay maaaring gawin sa pagitan ng mga indibidwal (peer-to-peer) nang hindi nangangailangan ng mga tagapamagitan tulad ng mga bangko, negosyo, o gobyerno.

Ang pinakamalaking benepisyo ng teknolohiya ng blockchain ay ang pagiging bukas nito (transparency). Halos sinumang may access sa internet ay maaaring magkaroon ng mga cryptocurrencies, makipagtransaksyon gamit ang cryptocurrencies, at tingnan ang mga transaksyon nangyayari real-time. Ang blockchain network ay hinahayaang gamitin ang isang digital wallet tulad ng Coins.ph upang makipagtransaksyon sa iba pang mga digital wallet.

Walang Isang Punto ng Pagkasira (Single Failure Point)

Ang teknolohiya ng blockchain ay tumatakbo sa maraming computer sa buong mundo, na nagpapatunay at naglilista ng mga transaksyon. Dahil maraming computer ang sangkot, binabawasan nito ang isang punto ng pagkasira (single point of failure) dahil ang isang transaksyon ay kailangang mapagkasunduan ng maraming mga computer bago ito ilagay sa blockchain, na hindi nababago (immutable).

Dagdag pa, ang lahat ng uri ng mga asset, kabilang ang pera, musika, sining, at mga kalakal, ay maaaring itago, ilipat, i-transact, at panatilihin sa loob ng network, na nagpapahintulot sa mga tao na patunayan ang kanilang pagmamay-ari.

Pinapayagan din ng mga cryptocurrency ang mas mabilis na internasyonal na mga transaksyon. Halimbawa, ang TRON ($TRX) ay walang bayad sa transaksyon at nagsasagawa ng humigit-kumulang 2,000 na transaksyon sa bawat segundo, samantalang ang $XRP ay maaaring mag proseso ng 1,500 na transaksyon sa bawat segundo.

Ang Mahalagang Papel ng mga Bangko Sentral sa Ekonomiya

Ang pundasyon ng internasyonal na sistema ng pananalapi ay ang mga sentral na bangko. Ang bawat bansa ay nagbibigay ng iba't ibang tungkulin sa sentral na bangko nito.

Halimbawa, ang Federal Reserve sa U.S. ang namamahala sa pagsubaybay sa mga sistema ng pananalapi at itsura nito sa loob at labas ng bansa upang matiyak na sinusuportahan ng system ang isang malusog na ekonomiya para sa mga sambahayan, komunidad, at negosyo sa U.S.

Sa United Kingdom, ang katatagan at pangmatagalang lakas ng pinansyal na sistema ay ginagarantiya ng Bank of England. Para sa Banko Sentral ng Pilipinas, ang mandato nito ay panatilihin ang katatagan ng presyo na nakatutulong sa balanse at pagpapanatili ng paglago ng ekonomiya at trabaho.

Upang matupad ang kanilang mga misyon, ang mga sentral na bangko ay gumagamit ng isang ng mga patakaran sa pananalapi. Gayunpaman, ang pangunahing tungkulin ng bangko sentral ay kontrolin ang laki ng interes at ang supply ng fiat na salapi. Halimbawa, maaaring ayusin ng isang sentral na bangko ang dami ng pera sa sirkulasyon sa isang bansa sa pamamagitan ng "pag-imprenta" ng pera upang mapataas ang sirkulasyon o mag-isyu ng mga bonds upang mabawasan ang sirkulasyon. Kapag tumaas ang paggasta ng mga mamimili, humahantong ito sa higit na paglago ng ekonomiya, na nangangahulugan ng mas maraming sirkulasyon ng pera. Sa kabaligtaran, ang pagkakaroon ng mas kaunting pera sa sirkulasyon ay nangangahulugan na ang mga tao ay hindi gaanong gagastos, na humahantong sa isang recession.

Ang mga pag-import, pag-export, at pamumuhunan galing sa ibang bansa ay naaapektuhan ang lahat ng mga desisyon na ginawa ng isang sentral na bangko, sa pamamagitan ng pagtaas ng interest rates, pinipigilan nito ang mga dayuhan sa pamumuhunan o paglalagay ng mga negosyo sa bansa. Ang mababang mga interest rates, sa kabilang banda, ay maaaring makaakit ng dayuhang pamumuhunan dahil ang bayad sa paghiram ay mas mababa.

Ang mga sentral na bangko ay gumagamit ng isang network ng mga bangko upang maikalat ang pera sa paligid ng isang sistemang pang-ekonomiya. Gayunpaman, nagsisilbi silang sentrong punto para sa mga sistema ng pagbabangko at pananalapi ng isang ekonomiya, at ang kanilang mga patakaran ay may epekto sa ekonomiya.

Ang isa sa mga benepisyo ng pagkakatiwala ng ekonomiya sa isang sentral na awtoridad ay ang kakayahang magtatag ng tiwala sa sistema. Ang pera na ipinamamahagi ng isang sentral na bangko ay sinusuportahan ng isang maaasahang institusyon at may tukoy na halaga ng palitan na nagbibigay sa mga tao ng tiwala na ang US $1 ay palaging nagkakahalaga ng US $1.

Samakatuwid, ang bawat bansa ay may pera na may tiyak na halaga, na ginagawang posible ang mga lokal at internasyonal na transaksyon. Ang pamahalaan ay lumikha ng isang pambansang banknote na maaaring gamitin sa pagbabayad para sa mga produkto at serbisyo. Bukod pa rito, ang pagtatatag ng mga pambansang reserba ay nagdulot ng katatagan ng ekonomiya at pananalapi.

Ano ang mgaCBDCs?

Ang CBDC o Central Bank Digital Currency ay ang digital na katumbas ng fiat na salapi galing sa gobyerno. Ang mga ito ay inisyu ng isang pambansang bangko sentral at nakasunod ang halaga sa pera ng isang partikular na bansa.

Maaari mong isipin ang mga CBDC tulad ng mga stablecoin, mga cryptocurrencies na naglalayong panatilihin ang parehong halaga sa pamamagitan ng pagkonekta sa fiat sa salapi, ngunit ang pangunahing pagkakaiba dito ay ang mga CBDC ay inisyu ng mga pamahalaan ng partikular na bansang iyon.

Bilang isang anyo ng digital sa salapi, ang mga CBDC ay maaaring gamitin sa pagbabayad para sa mga serbisyo at produkto. Kung ikukumpara sa pagkakaroon ng maraming bangko at institusyong pampinansyal, pinapabilis ng mga CBDC ang mga transaksyon sa isang araw lamang sa halip na mangailangan ng maraming institusyon upang matupad ang mga transaksyon.

Ang lahat ng mga transaksyon ay real-time na naitatala sa isang sentral at kontroladong digital ledger. Dagdag pa, ang mga may hawak ng CBDC ay hindi mangangailangan ng bank account upang makabili. Samakatuwid, papayagan ng CBDC ang mga walang bangko na magpadala at tumanggap ng mga elektronikong bayad.

Ang Kinabukasan ng Mga Sistemang Pananalapi

Sa kasalukuyang sistemang pang-ekonomiya, ang sentral na bangko ay nagsisilbing hindi pinuno ng sistema ng pananalapi sa mundo. Ang mga sentral na bangko ay ginagamit ng mga bansa upang pamahalaan ang kanilang mga ekonomiya at may mga benepisyo sa isang sentralisadong sistema, ngunit mayroon din itong ilang mga isyu.

Ang mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin ay binuo sa isang desentralisadong network na umaasa at nagtitiwala sa algorithm upang gumana bilang isang alternatibo sa kasalukuyang sistema ng pananalapi. Gayunpaman, ang cryptocurrency ay hindi pa masyadong ginagamit, at ang pagiging lehitimo nito sa batas ay nananatiling hindi malinaw.

Malapit nang ipakilala ng mga sentral na bangko ang kanilang sariling bersyon ng digital currency at mayroon nang ilang bansa na aktibong pinag-aaralan ang CBDC, bumubuo ng mga paunang programa, at naghahanda na ilunsad ang kanilang opisyal na digital sa salapi.

Sa huli, maaari nating asahan na ang crypto at mga bangko ay magtutulungan upang magbigay ng isang mas mahusay na sistema ng pananalapi.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins Pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.