May Kinikita Ba Talaga sa Crypto Staking?

May Kinikita Ba Talaga sa Crypto Staking?

Iniisip ng karamihan na ang pangangalakal ng crypto ay ang tanging paraan upang kumita dito, ngunit may isang paraan upang makakuha ng “passive income” mula sa iyong mga crypto nang hindi ibinebenta ang mga ito?

Pinangalanan bilang "staking," ito ay ang crypto na bersyon ng pagdedeposito ng pera sa savings account  na nagbibigay ng mataas na interes. Karaniwan, kapag nagdeposito ka ng pera sa iyong bangko, madalas na pinapahiram ng bangko ang iyong pera sa mas mataas na interes at binabayaran ka ng maliit na interes para sa pagpapahiram mo ng pera sa kanila.

Sa mundo ng crypto, pinapanatili ng Staking na naka-lock ang iyong mga crypto sa isang validator. Dahil dito, nakakatulong kang patakbuhin ang blockchain at panatilihin itong ligtas mula sa mga pag-atake. Bilang kapalit, makakakuha ka ng gantimpala na crypto, tulad ng ginagawa ng mga miner sa pagmimina ng crypto, ngunit hindi nito kailangan ng paunang puhunan sa hardware at kuryente.

Ang mga reward sa staking ay natutukoy sa pamamagitan ng porsyento sa APY o APR. Madalas ay nagbibigay ng mas mataas na APY ang staking kaysa sa mgainteres na inaalok ng mga tradisyonal na institusyong pampinansyal. Ang ilan sa mga cryptocurrencies na may pinakamataas na reward sa staking ay Looks (LOOKS), Polkadot (DOT), at Cardano (ADA). Para sa pangmatagalang staking, maaaring tingnan ang mga blockchain tulad ng Ethereum (ETH) na dumaan ngayon sa isang merge, Solana (SOL), at Uniswap (UNI) dahil sa kanilang matibay pundasyon.

Staking Kumpara sa Mining

Ang Proof-Of-Work o 'Mining' ay nananatili paring pangunahing consensus mechanism ng mga blockchain, tulad ng Bitcoin. Pagkatapos ay ginamit ng Peercoin ang Proof-Of-Stake bilang consensus mechanism nito, pagkatapos ay maraming iba pang mga token tulad ng Cardano (ADA), NEO (NEO) at VeChain (VET) ang sumunod at ipinagmalaki ang mas mura at mas malinis na paraan sa pag-verify ng mga transaksyon sa blockchain.

Habang ang parehong mga sistema ay nagbibigay ng paraan upang kumita ng 'passive income' sa crypto, ang staking ay itinuturing na mas mura, mas madali, at mas ligtas.

Sa Proof-of-Work, ang mga user ay kinakailangang bumili ng mga miner, na maaaring nagkakahalaga ng pataas sa $12,000. Kailangan din nilang maglaan ng matatag na koneksyon ng internet at kuryente upang matiyak na ang mga minero ay tuloy-tuloy na makapagproseso ng mga block sa network. Gayunpaman, hindi lahat ay may kapital upang simulan ang pagmimina ng crypto, kaya mas pinipili nila ang Proof-Of-Stake bilang alternatibo upang kumita ng crypto habang sinusuportahan ang network.

Maganda ba ang Staking para sa Crypto?

Ang Proof of Stake ay binabawasan ang mga gastos sa pamamagitan ng hindi pagpilit sa lahat ng mga minero na iresolba ang mga problemang matematika, na nangangailangan ng malaking enerhiya. Sa halip, ang mga transaksyon ay pinapatunayan ng mga taong literal na namuhunan sa blockchain sa pamamagitan ng staking.

Ang staking ay katulad ng pagmimina dahil ito ang paraan kung saan pinipili ang isang kalahok sa network upang idagdag ang pinakabagong bloke ng mga transaksyon sa blockchain at kumita ng ilang cryptocurrency bilang kapalit.

Nag-iiba ang partikular na implementasyon sa bawat proyekto. Ang mga gumagamit ay nakataya ng kanilang mga token kapalit ng pagkakataong magdagdag ng bagong block sa blockchain kapalit ng gantimpala o kita. Tinitiyak ng staked token ang pagiging lehitimo ng anumang bagong transaksyon na idaragdag nila sa network.

Maraming PoS ang gumagamit ng mga validator na random na pinipili ng network, gayunpaman, may ilang mga proyekto na pumipili ng mga validator depende sa laki ng kanilang puhunan at sa tagal ng panahon na hawak nila ito.

Slashing ng mga Naka-Stake na Rewards

Para pigilan ang mga validator na aprubahan ang mga malisyosong aktibidad, ipinatupad ng mga proyekto tulad ng Ethereum ang reward slashing sa mga validator. Kung ang isang validator ay makikitang nag-aapruba ng mga malisyosong aktibidad, ang kanilang mga staking reward ay mai-slash, na makakabawas sa mga reward na maaari nilang matanggap.

Paano Ako Magsisimula sa Crypto Staking?

Upang simulan ang staking, kailangan mong tukuyin ang mga proyekto na sa tingin mo ay uunlad at mayroong mekanismo ng PoS consensus na nagpapahintulot sa iyong i-stake ang iyong token.

Ang mga token tulad ng $LOOKS, $ETH, at potensyal na $LINK ay mga token na available sa Coins.ph para makapagsimula ka sa iyong paglalakbay sa staking!

Halimbawa, sa pagbili ng $LOOKS, maaari mong ilipat ang mga ito sa iyong Web3 wallet tulad ng Metamask at direktang makipag-ugnayan sa kanilang platform.

Makakakuha ka ng 53.86% APY sa pag-stake ng $LOOKS ngunit ang APY na ito ay magbabago sa paglipas ng panahon.

Tandaan na ang mga coin na iyong itataya ay sa iyo parin kahit na naidagdag na ang mga ito sa isang staking pool. Ang iyong mga staked asset ay hindi kailanman mawawala at maaari mong bawiin ang mga ito anumang sandali, ngunit ang oras ng pagproseso sa mga ito ay maaaring mag-iba depende sa blockchain.

Maaari ka ring maging validator at magpatakbo ng sarili mong staking pool. Gayunpaman, mas maraming oras, pagsisikap, at pera ang kailangan para magawa ito. Higit pa rito, sa ilang mga blockchain, ang pagiging validator ay nangangailangan muna ng sapat na pera mula sa mga delegadong staker.

May Panganib Bang Dala ang Staking?

Tulad ng anumang iba pang tool sa pamumuhunan, ang staking ay may ilang mga panganib. Narito ang ilang panganib na nauugnay sa staking:

Mataas na Volatility

Ang cryptocurrency ay likas na pabagu-bago at ang presyo ng mga asset na iyong na-stake ay maaaring bumaba o tumaas sa paglipas ng panahon. Samakatuwid, ang pagkasumpungin ay isang bagay na dapat tandaan bago mag-staking.

Tagal ng Lock-up

Depende sa asset na iyong na-stake, maaaring hindi mo mailabas ang mga ito hanggang sa matapos ang panahon ng staking. Halimbawa, ang Ethereum ay may staking function ngunit pagkatapos mag-stake, hindi ka magkakaroon ng access sa iyong Ethereum hanggang sa "ShangHai" na magbibigay-daan sa mga user na mag-withdraw mula sa kanilang mga validator.

Slashing

Ang pag-slash ay isang parusa para sa masasamang aksyon, hindi pagkilos, at maling pagpapatunay ng transaksyon. Pinipigilan ng sistemang ito ang mapaminsalang aktibidad ng validator at nagsusulong din ito ng pakikilahok sa network. Kahit na ang parusang ito ay marahas, ito ay nagsusulong ng seguridad ng node at katatagan ng blockchain.

Bayarin sa Transaksyon

Maraming DeFi staking provider pati na rin ang mga sentralisadong staking pool na maaaring magamit na hindi nangangailangan ng kahit anong halaga ng cryptocurrency para magsimula. Gayunpaman, ito ay may kasamang gastos dahil ang ilan sa mga serbisyong ito ay naniningil ng komisyon sa mga stake o reward na iyong natatanggap.

Nag-iiba-iba ito sa bawat provider, kaya, tignan ito ng mabuti bago i-deposito ang iyong mga cryptocurrencies sa mga platform.

Magkano ang Maari Mong Kitain sa Staking?

Ang staking ay isang magandang opsyon para sa mga mamumuhunan na interesado na kumita sa kanilang pangmatagalang investments.

Kung ikaw ay tumataya sa pamamagitan ng native wallet ng blockchain, ang $DOT ay nagbibigay ng 13.9% Annual Percentage Yield (APY), ang $AXS ay may 44% APY, $MATIC ay may 8.75% APY, at ang $ETH ay nagbibigay ng nasa hanggang 4% APY. Pero tandaa na ang mga APY ay nagbabago sa paglipas ng panahaon.

Halimbawa, kung nag-stake ka ng 1 Ethereum, maaari kang makatanggap ng 0.04ETH bilang reward pagkatapos ng isang taon. Nangangahulugan ito na kung ang presyo ng Ethereum ay tumataas, makakakuha ka ng libreng ETH mula sa staking at makikinabang din sa pagtaas ng presyo, ngunit ang kabaligtaran ay maaaring ding mangyari.

Staking Bilang Passive Income

Kahit na ang staking ay magandang paraan upang magsimulang makakuha ng ilang libreng cryptocurrencies, dapat laging tandaan, ang cryptocurrency na iyong na-stakes ay maaaring hindi liquid at hindi mo ito maaaring gastusin anumang oras sa lalong madaling panahon.

Kung may crypto ka na hindi mo gagalawin sa lalong madaling panahon, mas mainam na hayaan ang iyong pera na magtrabaho para sa iyo, upang magkaroon ka ng passive income.

Ngunit, bago ilagay ang anumang pera sa cryptocurrency, mahalagang matukoy kung ito ay isang magandang investment o hindi. Ang pagbili ng cryptocurrency para lamang sa staking ay walang kabuluhan, maliban nalang kung titingnan mo ito bilang isang magandang investment. Sa iyong bagong-tuklas at pag-unawa sa staking, maaari kang magsimulang maghanap ng mga coins na nagbibigay-daan sa paraang ito ng pagkakaroon ng passive income.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:


You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.