TL;DR & Key Takeaways:
- Ang Ethereum ay isang decentralized computing platform na mayroong sarili niyang native programming language at may sarili nitong native cryptocurrency, ETH (Ether).
- Ang Shanghai Upgrade ang siyang magsisilbing instrumento para “i-unfreeze” ang mga ETH mula sa pag-stake sa Beacon Chain.
- Inilipat na ang Ethereum mula sa Proof-of-Work mechanism papunta sa Proof-of-Stake mechanism na nangyare noong September 2022, ang The Merge upgrade.
- Bago pa man ang Ethereum Shanghai Upgrade, ang mga gumagamit ay maaaring mag-stake ng Ethereum pero ito ay one-way stake lamang sapagakat ang mga tokens dito ay nakalock o nakafreeze.
- Ang dadating na Shanghai Upgrade ay pahihintulutan na ang mga gumagamit nito na mag-withdraw ng Ethereum na ginamit nila sa pag-stake magmula noong The Merge.
- Dahil dito, nagbukas ito ng argumento at pagtatalo mula sa mga mangangalakal kung ang token ng ETH ba ay babagsak o tataas ang halaga.
Talaan ng Nilalaman:
- Ano ang Ethereum?
- Ano ang Ethereum Shanghai Upgrade?
- Bakit kailangan ang Ethereum Shanghai Upgrade?
- Kailan mangyayare ang Ethereum Shanghai Upgrade?
- Ano ang dapat gawin tungkol sa Ethereum Shanghai Upgrade?
- Ang presyo ba ng Ethereum ay tataas pagkatapos ng Ethereum Shanghai Upgrade?
- Saan maaaring bumili ng Ethereum?
- Paano mag-stake ng Ethereum?
Ano ang Ethereum?
Sa pamamagitan ng Ethereum, ang mga developers ay makakagawa na ng decentralized application gamit ang smart contracts. Bilang isang desentralisadong platform na mayroong sarili nitong programming language at cryptocurrency, Ether, ang mga gumagamit nito ay maaaring makakuha ng reward na Ether (ETH) para magtapos ng mga gawain na papabor sa blockchain. Ang Ether ay maaaring i-trade sa mga exchanges gaya ng Coins Pro o palitan ng Fiat sa pamamagitan ng Coins.ph, na pwede mong gamitin para bumili ng load o magbayad ng mga bills.
Bilang isang pioneer sa mga smart contracts, mayroong mahigit na 2,700 Dapps na binuo sa Ethereum. Gaano man ito kaganda pakinggan, ang Ethereum ay may mga pagkukulang pa din, mayroon itong mababang througput na umaabot lamang sa 15-30 na transaksyon kada segundp at kinakailangan ng malawakang resources (computing at electrical na mga bayarin dahil sa Proof-of-Work). Upang maging eksakto, ang pagmimina ng Ethereum ay kumukonsumo ng humigit-kumulang 73.2 TWh kada taon, ang energy na katumbas ng isang medium-sized country tulad ng Austria.
Pero, nalilito ka pa rin ba tungkol dito? Alamin ang iba pang mga impormasyon at paano ito gumalaw sa Coins Academy!
Ano ang Ethereum Shanghai Upgrade?
Ang sunod na major upgrade ng Ethereum ay mangyayare na ngayong Marso, at ito ay tinatawag na Shanghai upgrade, hindi man kasing laki at lawak ng Ethereum Merge, ito ay itinuturing pa din na isang malaking upgrade dahil sa pagbabagong madudulot nito sa network ng Ethereum. Dahil meron itong mga pagbabagong dapat isaayos, ang mga developers ay nagdedebate kung dapat pa ba dagdagan ang mga tampok na meron ang upgrade na ito.
Ang Ethereum Shanghai Upgrade ay naglalaman ng 4 EIP Ethereum Imporvement Proposal, ito ay ang mga sumusunod: EIP-4895: Beacon Chain Push withdrawals as Operations, EIP-3860: Limit and Meter Initcode, EIP-3855: PUSH0 Instruction and EIP-3651: Warm COINBASE.
Ang pinaka importanteng EIP ay ang EIP-4895: Beacon Chain Push Withdrawal as Operations na siyang magiging daan upang “ma-unfreeze” ang mga ETH mula sa Beacon chain, na pinapahintulutan tayo na makapag withdraw ng ETH mula sa Beacon chain, na hindi pa pwede gawin dati.
Bakit kailangan ang Ethereum Shanghai Upgrade?
Magmula pa lamang noong mabuo ang Ethereum, ang Proof-of-Work na ang ginagamit upang maproseso ang mga transaksyon na meron sa loob ng network. Subalit, gaya ng nabanggit kanina, malaki ang energy na kinakailangan nito upang magawa ng maayos ang kaniyang mga tungkulin, na siya naman humantong sa Ethereum Merge.
Ang Merge ang dahilan kung bakit nalipat ang Ethereum mula sa Proof-of-Work mechanism patungo sa Proof-of-Stake mechanism sa pamamagitan ng pag merge ng Beacon Chain sa Mainnet, na ginagawa itong mas efficient sa energy at hindi kinakailangan ng madaming resources upang mapagana.
Hindi alintana ang mga positibong dulot nito, mayroon pa ding lugar para sa pagpapabuti nito. Simula pa lang noong umpisa ng Merge, na mayroong Beacon chain bilang pangunahing blockchain nito, hindi pinapahintulutan na makapag withdraw ng mga umiiral na ETH dito; kahalintulad lang nito kapag inisip mong nag-freeze ang mga digital assets mo sa isang lugar. Sa kadahilanang iyon pumapasok ang Shanghai Upgrade.
Kung kasalukuyan ka ng nag-stake ng Ethereum, alam mo na ito ay one-way street na relayson lamang sapagkat pwede mo ito i-stake pero hindi maaaring i-withdraw. At hanggang ngayon, mayroong 16M ETH na na-stake sa beacon chain, na nagkakahalaga ng mahigit kumulang US$ 25.1 bilyon sa panahong isinulat itong pahayag na ito. Ngayon, sa Shanghai Upgrade, ang mga ETH na ito ay maaari na makuha at mawithdraw ng mga may-ari nito, na siyang isa sa mga pinakamalaking kadahilanan kung bakit itinutulak ito ng mga developer mula noong simula ng The Merge.
Kailan mangyayare ang Ethereum Shanghai Upgrade?
Ang Ethereum Shanghai Upgrade ay inaasahang ilunsad sa Marso ng taong ito, 2023. Ngunit bago iyon mangyari, mauuna muna ang Shanghai Public Testnet na mangyayari sa buwan ng Pebrero ng parehong taon.
Ano ang dapat gawin tungkol sa Ethereum Shanghai Upgrade?
Kung hindi ka naman pala-stake ng Ethereum, wala kang dapat na alalahanin o gawin. Pero dapat mong bantayan ang mga panloloko o scams na maaaring magsilitawan sa mga susunod na buwan. Noong nangyare ang The Merge noong Setyembre ng 2022, marami ang mga nagsilitawang classic trust trade, kung saan ang mga scammers ay inaanyayahan ang mga gumagamit na magpadala ng Ethereum kapalit ng bagong mga token.
Ang presyo ba ng Ethereum ay tataas pagkatapos ng Ethereum Shanghai Upgrade?
Ito marahil ang isa sa mga pinaka importanteng tanong ng nakakarami. Dahil nga pwede na mag-withdraw ng ETH, mayroon nang 2 possibleng mangyare.
Ang una ay kapag ang mga na-stake na ETH ay na-withdraw na maaaring magresulta sa mga gumagamit nito na ibenta ang kanilang mga Ethereum para mayroong cash flow o liquidity, ito ay maaaring magresulta sa dip ng presyo ng Ethereum.
Ang ikalawa naman na possibleng mangyare ay ang pag-pump o pagtaas ng presyo ng Ethereum dahil ang mga holders nito ay mas nagtataglay na ng kumpiyansa sa pag-stake nito dahil nga mayroon na silang kaalaman at kakayahan na mabawi ito o i-withdraw anumang oras.
Kapag nangyare ito, maaaring maghiyat pa ito ng mas maraming holders na mag-stake ng Ethereum na kasalukuyang nasa ~4-5% APY, na maaaring makapagbigay ng pagtaas ng presyo ng Ethereum.
Saan maaaring bumili ng Ethereum (ETH)?
Ang pagbili ng Ethereum ay walang kahirap hirao, narito ang 2 pwede mong pagpilian, gamit ang coins.ph o pwede din ang Coins Pro! Pareho plataporma ay ligtas, secure, at regulated sa Pilipinas.
Gamit ang Coins Buy & Sell Crypto Portal:
- Step 1: Mag log in lamang gamit ang inyong Coins.ph account, at kung wala ka pang app nito, pwede mo itong idownload sa App Store o Google Play.
- Step 2: Mag cash ng nais mong halaga patungo sa Coins.ph wallet mo.
- Step 3: Maaari ka ng makabili ng $ETH na token bilang parte ng iyong crypto portfolio.
Gamit ang Coins Pro, BSP Licensed Spot Exchange:
- Step 1: Mag log lamang sa iyong Coins Pro account at pindutin ang [Balance].
- Step 2: Piliin ang pera na gusto mo i-deposit, pindutin ang [Deposit] at i-enter ang nais mong halaga na ipapasok sa iyong account.
- Step 3: Piliin ang ETH/PHP pair at i-enter ang [Order Quantity] na gusto mo i-trade.
- Step 4: Pindutin ang Buy or Sell para mapwesto na ang iyong Limit at Stop Orders.
- Step 5: Hintayin lamang na pumasok ang iyong order.
Paano mag-stake ng Ethereum?
Ang staking ay nakikilahok din sa Proof-of-Stake mechanism na nagbibigay gantimpala sa mga user dahil sa paghawak ng token na sumusuporta sa network. Isa sa mga pangunahing estratehiya para kumita ng passive income sa Ethereum Network ay sa pamamagitan ng staking.
Sa kasalukuyan, ang dalawang pinaka popular na DeFi staking protocols para sa liquid staking ng ethereum ay ang Lido Finance at Rocketpool. Ang parehong plataporma ay may kaniya-kaniyang mga panganib, kaya naman, mas mapapabuti kung ikaw ay gagawa muna ng sarili mong pananaliksik bago ka maglagay ng kahit na magkanong funds sa kahit na anong protocol.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph