Mga Umuusbong na Gamit ng NFT na Maaaring Hindi Mo Pa Alam

Ang mga NFT na alam natin ay mga piraso ng mahahalagang sining o ang ilan sa mga ito ay tumutukoy sa mga NFT bilang "JPEGs". Ngunit ang teknolohiya sa likod ng mga NFT ay lumago sa iba't ibang industriya na nagpabago sa mga NFT higit pa sa pagiging JPEG.

TL;DR

  • Bago ang paggamit ng mga non-fungible token (NFT), talaga namang napakahirap na gumawa ng digital scarcity.
  • Ang digital scarcity ay tumutukoy sa limitasyon sa kabuuang supply ng mga digital na bagay o pera.
  • Dahil sa Blockchain at smart contracts, naging posible ang paglikha at pangangalakal ng mga NFT.
  • Ang mga transaksyon sa NFT ay hindi nababago, napapatunayan, at nakasiwalat, na nagbibigay ng perpektong solusyon upang magbigay ng digital na pagkakakilanlan at pagmamay-ari.
  • Ang mga digital at pisikal na asset, gaya ng mga certificate, domain name, real estate, alahas, at mga nabubulok na produkto, ay maaring suportahan ng isang NFT.

Bago ang pagpapakilala sa mga non-fungible token (NFT), napakahirap gumawa ng digital na seguridad para sa mga digital pag-aari, gaya ng mga larawan, video, kanta, obra, at iba pang virtual na bagay. Bagama't may mga pag-iingat na nagagamit upang maiwasan ang pamimirata ng mga digital na gawa, ang mga gumagamit ng internet ay madaling makagawa ng mga kopya at ipamahagi ang mga ito.

Ngunit ngayon, meron nang teknolohiyang blockchain at mga smart contracts kung saan maaari mong patibayin ang siguridad ng iyong mga digital na ari-arian bilang mga NFT sa blockchain! Ngunit ito lamang ay ibabaw ng buong kwento.

Sa kabila ng pagiging nasa maagang yugto nito, may napakaraming proyekto na nagbibigay ng makabuluhang halaga sa parehong mga developer at mga gumagamit nito. Ang teknolohiya sa likod ng NFT ay ginagamit din sa mga real estates, mga mahal na produkto, at mga industriya ng pagpapadala upang ilista ang kasaysayan at patunayan ang pagiging tunay ng mga item. At maraming iba pang mga kapanapanabik na kagamitan na maaaring baguhin ang buong industriya.

Pagbibigay ng mga Sertipiko at Pagkakakilanlan

Dahil ang mga NFT ay natatangi sa isa't isa, ang paggawa ng token katumbas ng mga opisyal na dokumento tulad ng Birth Certificates, Diploma Certificates, at iba pa gamit ang blockchain ay posible na ngayon.

Dahil ang NFT ay maaaring iugnay pabalik sa orihinal nitong may-ari, ang sertipikasyon ay maaaring direktang ibigay sa pamamagitan ng blockchain. Ang paggamit ng mga NFT upang mag-imbak at mag-ingat ng mga papeles ng pagkakakilanlan online tulad ng mga lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, medikal na rekord, personal na profile, transcript, at mga address ay nagbibigay sa mga indibidwal ng higit na kontrol sa kanilang impormasyon, na binabawasan ang mga pagkakataon ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan at pamemeke.

Ang potensyal na mga kagamitang ito ay naipakita na sa industriya ng edukasyon, korporasyon, at medikal. Ang ilang mga paaralan ay nag-aalok na ngayon ng mga digital na sertipikasyon sa kanilang mga mag-aaral at empleyado. Sa larangang medikal, nakipagsosyo ang Enjin ($ENJ) sa Health Hero upang lumikha ng Go! By Health Hero, isang bagong health monitoring at engagement app na nagpapakilala sa konsepto ng Well-being Non-Fungible Token, o W-NFTs.

Pagmamay-ari ng Domain Names

Ang Internet Corporation for Assigned Names and Numbers (ICANN), ang pandaigdigang organisasyon na namamahala sa mga patakaran para sa domain name system (DNS), ay gumagana nang may kaunting pangangasiwa, na kamakailan ay nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa pagbabawal at seguridad ng mga website.

Nitong Pebrero lamang, hiniling sa ICANN na i-block ang lahat ng malalaking domain na pinapatakbo mula sa loob ng Russia at bawiin ang kanilang mga website, na maghihigpit sa pagbukas sa lahat ng website na nakarehistro sa .ru, .su at .рф na mga domain, ito man ay may suporta or pagkakakilanlan sa politika.

Ang isang domain name system na nakabase sa blockchain ay pinag-aaralan na ngayon bilang alternatibo sa ICANN. Ang mga domain name na nakarehistro sa isang blockchain network ay idinaragdag sa isang pampublikong listahan kung saan mananatili ang mga ito hanggang sa maalis o mapalitan ng may-ari. Ang mga pribadong susi ng mga may-ari ng domain ay ligtas na naka-imbak sa isang sistema na nakabase sa blockchain.

Ang mga alternatibong desentralisadong DNS tulad ng Ethereum Name Service (ENS) at Unstoppable Domains ay nag-aalok ng mga crypto-address na kahalintulad ng mga social media handle tulad ng Instagram at Twitter username, ngunit ang bawat pangalan ay dapat na natatangi. Ginagawang posible ng ENS at Unstoppable Domains na bumili at magbenta ng mga crypto address at ang mga NFT na ito ay nabibili sa isang merkado ng NFT tulad ng Opensea.

Trading ng Online at Physical Properties

Maaaring gamitin ang mga NFT upang makipagtransaksyon sa real estate sa parehong online at offline na mundo. Ang Decentraland (MANA) ay isang laro kung saan lalong nagiging popular ang virtual real estate. Sa Decentraland, maaari kang lumikha, bumili at magbenta ng real estate sa metaverse. Sa paggamit ng NFT, mapapatunayan nito ang pagmamay-ari ng digital asset sa metaverse.

Bagama't nagkaroon ng ilang matagumpay na online na transaksyon sa real estate, ang paggamit ng NFT sa pisikal na merkado ng real estate ay nasa simula pa lamang. Ang mga paghahanap ng titulo at pagpapatunay ng pagmamay-ari sa totoong mundo ay maaaring gawing mas madali sa paggamit ng mga NFT at teknolohiya ng blockchain.

Isang halimbawa ng kung paano mabubuo ang sistemang ito, nangyari noong Abril 2021, nang gawing token ni Shane Dulgeroff ang isang bahay na ibinebenta sa California. Ang token ay may kasama ring isang orihinal na piraso ng cryptographic na likhang sining. Makukuha ng mananalo sa auction para sa NFT ang likhang sining at ang pisikal na ari-arian. Gayunpaman, ang legal na katayuan ng mamimili at nagbebenta sa transaksyon at ang kani-kanilang mga karapatan ay medyo hindi sigurado, dahil sa kakulangan ng legal na suporta mula sa mga batas ng U.S.

Pagmamay-ari ng Assets sa Totong Mundo

Bagama't madalas na nakakonekta ang mga NFT sa mga likhang sining, ginawa at ibininenta rin ang mga ito bilang mga digital na representasyon ng iba pang asset sa totoong mundo, gaya ng mga koleksyon ng sports, antigo, at retail na produkto.

Ang "pisikal na NFT" ay isang non-fungible na token na kumakatawan sa isang pagmamay-ari sa isang aktwal na bagay. Si Beeple, isang kilalang digital artist, ay kilala na naghahatid ng mga pisikal na token na nauugnay sa kanyang mga likhang sining, tulad ng mataas na resolution na screen art display, isang pinirmahang sertipiko ng pagpapatunay, mga produktong panlinis, atbp. Maaaring ikalakal ang mga pisikal na NFT tulad ng ibang NFT o ipang-redeem ang pinagbabatayan na asset.

Maaaring maging kapaki-pakinabang ang isang NFT para sa pagtatatag ng pagmamay-ari kapag nagtitingi ng mas maliliit na item tulad ng alahas. Halimbawa, ang isang sertipiko ng pagiging tunay ay may kasamang tunay na brilyante. Ang sertipiko ay ginagamit bilang patunay na ikaw ang may-ari. Kung wala ang sertipiko, sinumang sumusubok na muling ibenta ito ay maaaring magkaroon ng problema sa pagkumbinsi sa mga mamimili na sila ang lehitimong may-ari. Ang mga NFT ay gumagamit ng parehong prinsipyo ngunit sa anyo ng isang sertipiko na nakabase sa blockchain.

Kapag ang isang NFT ay nakatali sa isang bagay, ang pagkakaroon ng NFT ay maaaring maging kapaki-pakinabang tulad ng pagkakaroon ng pisikal na bagay mismo. Gamit ang isang non-custodial wallet, ang NFT ay maaari pang ikabit sa pisikal na asset at inaasahan na makikita ang prinsipyong ito na gagamitin pa habang nagbabago ang mundo ng NFT sa paglipas ng panahon.

Industriya ng Pagpapadala at Supply Chain

Ang mga transaksyon sa NFT ay hindi nababago at nakasiwalat sa blockchain, pinapayagan nito ang sinuman na suriin ang pagiging tunay at pagiging maaasahan ng data. Ang mga NFT ay maaaring gawing "Digital Passports" na humahawak sa paglalakbay ng isang produkto. Ang impormasyon tulad ng kapag umalis ang produkto sa pabrika, sino ang craftsman na nagsama-sama ng mga piyesa, at kung anong paraan ng transportasyon ang kinuha ng produkto upang maabot ang retail shop at sa huli ay nasa kamay ng consumer.

Maaaring gamitin ang mga NFT upang subaybayan kung paano dinadala ang mga produkto tulad ng pagkain sa kahabaan ng supply chain, impormasyon tulad ng temperatura kung saan itinago ang pagkain, kailan inihanda ang pagkain, at kung gaano katagal bago naabot ng produkto ang consumer ay maaaring maiimbak lahat sa blockchain.

Ang mga kontra-panloloko na katangian ng blockchain ay maaari ding pakinabangan sa mataas na antas na luxury fashion kung saan laganap ang mga imitasyong produkto o kahit para sa mga tagagawa ng kotse upang mapatunayan na ang mga kotse ay hindi nilagyan ng mga 3rd-party na ekstrang bahagi na maaaring makabawas sa tibay ng sasakyan.

Habang patuloy na nagkakaroon ng pagpapaunlad ang mga NFT, dapat nating asahan ang mga bagong aplikasyon at mga makabagong solusyon. Subalit, hindi lahat ng application ng NFT ay nabigyan ng pondo  upang sumulong nang higit pa sa konsepto o yugto ng eksperimentasyon, ang mga potensyal na paggamit para sa mga NFT ay lumampas na sa pagiging isang piraso ng sining o JPEG.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.