Paano Bumuo ng All-Weather Crypto Portfolio

Walang perperktong formula para makabuo ng isang well-balanced Crypto Portfolio. Narito ang ilang stratehiya para makabuo ka ng ninanais mong Portfolio!

TL;DR

  • Ang paggawa ng isang well-balanced investment portfolio ay magsisimula sa pag-alam ng personalidad at preference mo bilang isang mamumuhunan.
  • Karaniwan, ang pundasyon ng pamumunuhan ay sumasaklaw sa formula na: Well-Balanced Portfolio = Layunin (Goals) + Uri ng pamumuhunan (Investment Type) + Risk Tolerance + Paghihiwa-hiwalay ng Assets (Diversification of assets).
  • Ang paghihiwa-hiwalay ng mga asset at ang regular na pag-update ng iyong portfolio sa loob ng iyong cryptocurrency investment ay ang dalawang pangunahing estratehiya upang makabuo at pangasiwaan ang isang well-balanced portfolio.
  • Gumamit ng manual tracker sa pamamagitan ng spreadsheets o mga software na mayroon online para regular na suriin masubaybayan ang bawat investment at ang kita nito.

Pagbuo ng Balanseng Crypto Portfolio

Sabi nila, wala daw perpektong kombinsyon o formula para makagawa ng isang well-balanced crypto portfolio pero ang totoo n’yan, dapat malaman ng mga mangangalakal ang mga basic expression na ito upang inyong matuklasan ang nararapat na kombinsyon para sainyo. Sa puntong ito, ihahayag natin ang mga pangunahing estratehiya para magsilbing gabay natin sa pagbuo ng sarili nating Crypto Portfolio!

Ang pagbuo ng maayos at balanseng crypto portfolio ay nagiiba iba sa bawat mangangalakal. Ang mga pamamaraan na ginagawa ni Trader A ay maaaring hindi kapakipakinabang kay Trader B, kaya naman, importante na malaman at pag-aralan muna ang iyong sarili at iyong mga kagustuhan bilang isang mangangalakal bago ka gumawa ng malaking desisyon. Oo, tama ang iyong nabasa, ang pag-alam sa sarili ang unang bagay na dapat mong asikasuhin kapag investing o pangangalakal na ang pinag-uusapan, narito ang mga tanong na maaaring makatulong sa iyo:

  • Ano ang investment goals o hangarin mo sa susunod na anim na buwan? Ano naman ang pangmatagalan mong layunin?
  • Anong uri ng mamumuhunan ka? Ikaw ba ay agresibo, konserbatibo, o katamtaman lamang na uri ng investor?
  • Alam mo na ba ang risk tolerance mo? O hanggang saan mo lang kaya tiisin ang isang panganib?
  • Paano naman ang kadalasan mong pamamahagi o alokasyon ng iyong asset?

Nakita mo, halos kasintulad lang ito ng tradisyunal na investment portfolio kung saan dinadala tayo sa basic fomula na:

Well-Balanced Portfolio = Layunin (Goals) + Uri ng pamumuhunan (Investment Type) + Risk Tolerance + Paghihiwa-hiwalay ng Assets (Diversification of assets).

Ngunit, ang Crypto variable ay hindi pa natin naisasama, kahit na parehas lang ito ng pundasyon sa tradisyunal na pamumuhunan, marami pa ding ibang salik o factors na dapat nating malaman, at papalapit pa lamang tayo sa kapanapanabik na bahagi, alamin natin ang ilan sa mga estratehiya upang pamahalaan ng ayos ang ating Crypto Portfolio!

Paghihiwalay at Pagsasama (Diversification and Inclusion)

Sa kaso ng Crypto, sa pangkalahatang konteksto, ang bawat mangangalakal ay inaanyayahan na pag-iba-ibahin ang kanilang pagmamay-ari o assets depende sa kagustuhan nila. Ngunit, nasa sakanila pa rin kung pano nila pagdedesisyunan ang paghihiwa-hiwalay nila ng kanilang assets at kung ito ba ay magiging benepisyal sa diskarte na meron sila.

Ang kagandahan sa diversification, maaari nitong mabawasan ang risk ng iyong investment sapagkat ang bawat asset mo ay may kanya-kanyang galaw ng presyo na pwedeng magresulta sa pagtaas o pagbaba nito. Sa kabilang banda, ang mangangalakal ay maaaring hindi maka benepisyo sa posibleng large growth nito.

Ipagpalagay natin, si Trader A inilagay niya lamang ang kanyang investment sa iisang crypto asset lamang na kapag ito ay bumagsak, may posibilidad na wala ng matira sakanya pwera na lamang kung ito ay regular niyang sinusubaybayan. Ngunit tandaan na ito ay nakadepende pa din sa galaw o tinatawag na volatility ng market.

Ngayon, ikumpara naman natin ito kay Trader B kung saan hinati niya sa limang magkakaibang crypto assets ang kaniyang investment. Sabihin natin na ang Asset 1 at 2 niya ay bumagsak, katanggap-tanggap pa din ito para sakanya basta ang mga natirang assets o ang Asset 3-5 niya ang mananatilihing kumikita.

Sa pamamagitan ng diversification, maaari kang magkaroon ng backup plan ano man ang mangyare sa iyong mga assets.

Regular na Pag-rebalance ng Portfolio

Katulad ng nabanggit kanina, ang merkado ng crypto ay tunay nga namang volatile, ibig sabihin, hindi ito madaling malaman o hulaan at madalas pabago-bago ng direksyon. Kung ang isang mangangalakal ay madalas mag rebalance ng kaniyang crypto portfolio, mas makakatulong ito upang maiwasan ang malalaking pagkatalo at mas pag-iigihan ang pagbibigay ng proteksyon sa kaniyang mga investment.

Halimbawa, nagdesisyon si Trader B na panatilihan ang kaniyang diversified assets at walang baguhin dito. Ngayon, dumating na ang ikatlong kwarter ng unang taon ng kaniyang pag invest sa crypto, ngunit bumaba ang presyo nito ng mahigit kumulang 68%, hindi na maaaring bawiin ni Trader B ang pagkatalo niyang ito dahil nabigo siyang magrebalance ng kaniyang portfolio sa regular na batayan.

Kung nag rebalance naman siya ng kaniyang portfolio, maaari siyang magkaron ng kita o sobrang pera na pwede niyang magamit para makabili ng dip sa oras na lumabas ito.

Ang aral lamang dito na dapat ninyong tandaan: kahit na matagal nang maganda ang kinalabasan o performance ng inyong investment sa mahabang panahon, hindi pa rin nito masisiguro na mananatili ito sa ganoong estado sa mga susunod na araw, buwan, o taon.

Ano naman ang sunod? I-track ang iyong Resources!

Ang pamumuhunan ay tumutukoy sa kung papaano mo mailalatag at hahatiin ang iyong mga pagmamay-ari upang makalikom ng possibleng pinaka malaking kita. Kadalasan kesa hindi, ang mga mangangalakal at mamumuhunan ay meron kani-kanilang mga tracker or record upang makita ang asset na mayroon sila,  magkano pa ang natitirang pera sa kanilang investment, at paano pa nila ito pagkakakitaan ang kanilang mga resources.

Maaari itong gawin ng mano-mano sa pamamagitan ng paggamit ng spreadsheet or sa pamamagitan ng mga software na mayroon online upang kalkulahin ang mga bawat holding at kita sa madaling paraan.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.