Paano Kumita ng Extra Income Gamit ang Crypto?

Gusto mo bang magkaroon ng karagdagang kita gamit ang mga cryptocurrencies? Narito ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin.

Gusto mo bang magkaroon ng karagdagang kita gamit ang mga cryptocurrencies? Narito ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin.

Napakagandang isipin na may mga paraan upang kumita ng pera na makatulong sa pagbabayad ng ilang mga bayarin. Karamihan sa mga tao ay gumagamit ng mga tradisyunal na pamamaraan, tulad ng pagdedeposito ng kanilang mga pondo sa mga bangko upang makakuha ng interes. Ngunit kung minsan, ang mga interes na ito ay sobrang baba.

Sa pamamagitan ng cryptocurrency, ang pagkakaroon ng dagdag na kita ay naging mas madali na ngayon. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga paraan na posible mong gawin.

Kumita ng Passive Income sa Staking

Ethereum 2.0 will feature Proof-of-Stake (PoS) consensus mechanism!

Sa pangkalahatan, ang staking ay ang pagpapatago ng iyong mga token, na ginagamit naman upang patunayan ang mga transaksyon at iproseso ang mga blocks sa blockchain. Depende sa mga token na iyong itataya, ang ilang mga token ay may tiyak na panahon lamang ng pagtatago. Ang ilan naman ay may kinakailangan  bilang ng mga token upang maging kwalipikado ang holder, at ang ilan ay nangangailangan ng espesyal na software upang suportahan ang network, na tinatawag na mga node.

Sa pamamagitan ng pagsuporta sa network sa pamamagitan ng staking, ang mga user ay nakakatanggap ng mga reward tulad ng mga miners kapag sila ay nag mining o gumawa ng mga bagong block sa blockchain sa Proof-of-Work consensus mechanism. Ang pagkakaiba lang dito ay ang staking ay nangangailangan ng mas kaunting pagkonsumo ng enerhiya, at mas kaunti ang hadlang sa pagpasok sa network kumpara sa mining.

Paano nagbibigay pakinabang ang staking sa blockchain?

Ang mekanismo ng Proof-of-Stake(PoS) ay ginagamit sa maraming cryptocurrencies. Pinakakilala rito ay ang Ethereum, na napipintong lumipat galing sa Proof-of-Work (PoW) patungo sa PoS sa Setyembre 2022.

Sa kasalukuyan, hindi pa pwede ang staking sa Coins.ph, ngunit patuloy lang na tumutok sa mga balita sa hinaharap para sa mga pinakabagong updates at features.

Kumita ng Crypto sa Pamamagitan ng Paglalaro, Pag-aaral, at Pag-eehersisyo

Isa sa mga pinakamadaling paraan upang kumita ng crypto ay sa pamamagitan ng mga Earn programss. Kasama sa mga programang ito ang pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain o aktibidad tulad ng pagbubukas ng app, pagbabasa ng artikulo, at  kapalit nito ay makakakuha ng  partikular na halaga ng cryptocurrency! Maraming proyekto ang gumamit at mas pinaganda pa ang konseptong ito sa nakalipas na ilang taon, na nagbigay daan upang magkaroon ng play-to-earn games, learn-to-earn na mga aktibidad, move-to-earn na paglalakad at ehersisyo, at marami pang iba!

Play-to-Earn (Maglaro Upang Kumita)

Ang isa sa mga pinakasikat na uri ng Earn programs ay ang play-to-earn. Ang mga user ay nabibigyan ng rewards sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang lebel, pagtupad sa mga “daily goals”, o pagkamit ng ilang partikular na “achievement”.

Sa Axie Infinity, ginagamit ng mga manlalaro ang kanilang Axies para makipaglaban sa iba pang manlalaro, at ang mga mananalo ay makakatanggap ng $SLP bilang gantimpala sa kanilang panalo. Sa Town Star naman, maaari mong gamitin ang mga NFT upang makakuha ng TOWN token. Kung mas mataas ang rarity ng iyong NFT, mas maraming TOWN token ang iyong kikitain.

II.Learn-to-Earn

Dahil ang industriya ng crypto ay patuloy na umuusbong, ang pag-aaral ng mga bagong bagay sa mundo ng crypto ay maaaring magantimpalaan! Ang pag-aaral  tungkol sa iba't ibang aspeto ng cryptocurrency ay maaaring magbigay sa iyo ng kalamangan bilang isang investor, habang nagiging mas marunong ka sa mga gamit at potensyal ng ilang partikular na coin.

Maaari ka ring matuto at kumita sa Coins.ph! Nagsagawa na dati ang Coins.ph ng mga ganitong aktibidad tulad ng “Learn and Earn with $LOOKS”, kung saan araw-araw na nag-post ng “fun facts” sa social media at Coins app. Ang unang 1,000 users na matagumpay na nakumpleto ang limang gawain sa “Learn & Earn challenge” sa pamamagitan ng Gleam ay nakakuha ng P250 ng $LOOKS token.

III.Move-to-Earn

Ang Move-to-Earn ay nagsisimula nang makakuha ng higit na kasikatan. Sa Move-to-Earn, hinihikayat ang mga tao na lumabas at magsagawa ng mga pisikal na aktibidad, upang magsumikap na manatiling malusog habang patuloy na kumikita ng crypto!

Move-To-Earn with Genopets!

Ang isang magandang halimbawa ng isang Move-to-Earn na laro ay ang Genopets, kung saan kailangang dalhin ang Genopet habang tumatakbo sa gym o naglalakad sa parke. Ang alagang hayop ay nananatili sa tabi ng manlalaro at patuloy na lumalaki. Ang mga pang-araw-araw na hakbang ay nagiging Energy, na magagamit mo para sa iba't ibang mga gawain sa buong laro. Ang parehong Energy na iyon ay maaari ding ipalit sa mga KI token, na pwedeng ipalit sa iba pang mga cryptocurrencies.

Mga Karagdagang Babasahin: Mga insight sa pananaliksik sa Genopets at Gamefi galing sa aming mga kasosyo sa OFR.asia

Mga Aktibidad sa Coins.ph

Ang isa pang magandang paraan upang makatanggap ng dagdag na pera ay sa pamamagitan ng cashback. Ang mga programang cashback ay nagbibigay sa iyo ng isang porsyento ng iyong pera, na karaniwang nagbibigay sa iyo ng higit pa sa binili mo.

Seasonal Coins Cashback with Coins.ph!

Halimbawa, ang Coins.ph ay may isang seasonal cashback event. Sa pinakabagong cashback campaign, 8.8 Coins Cashback noong ika-8 ng Agosto, nakakuha ang mga user ng hanggang 18% na Cashback. Sa panahong ito, ang mga unang beses na user na bumili ng hindi bababa sa ₱100 crypto ay binigyan ng hanggang 18% sa cashback o ₱18, ito ay nilimitahan sa ₱180 bawat user. Nangangahulugan ito na makakabili ka ng ₱1,000 na halaga ng crypto sa ₱820 lamang.

Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa mga social na aktibidad ng Coins sa pamamagitan ng pagsunod sa aming mga social media page para sa pinakabagong mga balita.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.