Isa sa mga paraan kung paano makakamit ang financial freedom ay sa pamamagitan ng stream ng iyong passive income para gamiting pandagdag sa iyong pang araw-araw na gastos sa pamumuhay. Ngunit madami pa ding mga tao ang nalilito sa passive income sapagkat minsan ay nagiging malabo ang direksyon nito o madalas lamang magamit ang mga maling terminolohiya sa totoong gamit nito.
Ano ang Passive Income?
Sa tradisyunal na finance, marami ang nagdedeposito ng kanilang pera papunta sa kanilang savings account sa bangko upang kumita ng interes, ito ay kinokonsidera nilang passive income. Ang passive Income ay ang pera na iyong kinita kahit wala kang ginagawa patungkol dito. Maaari kang matulog, kumain, mag-ehersisyo, mag-travel o kung ano pa man at ang pera mo na mismo ang kikita at magpapalago nito para sayo.
Ngunit sa ideal na pag-iisip, ang stream ng iyong passive income ay nararapat lamang na masuportahan ang iyong gastuhin sa pamumuhay o kaya nitong magbigay na adisyunal na pera na maaari mo pang gamitin sa ibang pamumuhan na pwede pang magpalago ng iyong pera.
Tulad ng tradisyunal na finance, ang crypto space ay may sarili at ibang Desentralisadong Applikasyon (Dapps) na galing sa desentralisdaong finance (DeFi) na kategorya na maaaring magpahintulot sa mga gumagamit na kumita ng pera sa pamamagitan ng passive income.
ICYMI, nagtipon kami ng ilang mga paraan upang kumita ng extra income sa pamamagitan ng cryptocurrency na hindi kinakailangan gumamit ng DeFi. Ang mga pamamaraan na ito ay maaari makapagbigay sa iyo ng dagdag na income ngunit, kailangan mong kumilos para makamit ang iyong kita.
Sa gabay na ito, pinagsama-sama namin ang ilang mga DApps sa DeFi space na maaari mong gamitin para kumita ng passive income.
Ano ang DeFi?
Sa madaling salita, ang DeFi ay Decentralized Finance kung saan ang mga gumagmit ay pwedeng gumamit ng Decentralized Applications (DApps) para makita ang ilang pampinansyal na mga produkto o serbisyo. Kasama dito ang Decentralized Exchanges (DEXs), Lending Platforms, Yield-Farming, Yield Aggregators, Liquid staking, Insurance, at marami pang iba.
Ano ang Staking?
Isa sa mga pinakamadaling paraan upang kumita ng passive income gamit ang DeFi ay sa pamamagitan ng Staking, ito ay isang reward system para sa Proof-Of-Stake Consensus mechanism. Higit na tulad sa tradisyunal na bank account kung saan maaari kang magdeposito ng fiat at makatanggap ng maliit na interes. Sa DeFi Staking, pwede kang magdeposito sa supported crypto nito at makakatanggap ka ng sapat na APY (Annual Percentage Yield) na mayroong saklaw sa pagitan ng 1-10% depende sa Dapps at crypto na iyong paggagamitan ng staking.
Halimbawa, pwede kang mag-stake ng AXS sa Axie Staking Platform na maaaring magbigay sayo ng 62% APY sa anyo ng AXS tokens. Ibig sabihin, kapag nag-stake ka ng 100 AXS, makakatanggap ka ng 62 AXS pagakatapos ng panahon ng 1 taon. Base sa kasalukuyang presyo na $14, ibig sabihin ang pamumuhunan ng $1,400 sa 100 AXS tokens ay maaaring magbigay sayo ng $868 sa anyo ng AXS tokens basta manatiling $14 ang presyo ng AXS, kung tumaas naman ang presyo nito, mas tataas din ang presyo ng iyong token, ngunit kung mas bababa naman ang presyo nito, bababa din ang halaga ng iyong token.
Ano ang Liquid Staking?
Sa ilang mga plataporma ng DeFi gaya ng Lido.fi, naglalaan sila ng liquid staking para sa mga token gaya ng ETH, SOL, MATIC, DOT, at KUS. Gamit ang liquid staking, pinapahintulutan nito na ipagkatiwala ang iyong token sa isang serbisyo na siyang gagawa ng staking para sa iyo, pero mayroon ka pa ding access sa iyong funds habang nasa proseso ito ng staking.
Halimbawa, kung mag-stake ka ng 10 SOL sa Lido.fi, makakatanggap ka ng 9.48 stSOL. 1 stSOL ay katumbas ng 1.0544 SOL dahil pwede kang makakuha ng 5.4% APY ng SOL mula sa Lido.fi, ang stSOL ay siyang nagsisilbings resibo na ikaw ay nag-stake ng 10SOL gamit ang Lido.fi at maaari mong bawiin ang iyong SOL pabalik mula sa Lido.fi.
Subalit, ang stSOL ay may sarili nitong use cases at pag-uusapan natin ito sa Liquidity Mining.
Ano ang Liquidity Mining?
Gaya ng napag-usapan natin sa Liquid Staking, gamit ang paraan ng staking sa SOL gamit ang provider na Lido.fi, makakatanggap ka ng stSOL na siyang masisilbing resibo o patunay mo para tubusin na ang iyong SOL mula sa Lido.fi. Maaari din natin gamitin ang stSOL sa iba pang Dapp gaya ng Saber sa pamamagitan ng pagbuo ng stSOL-SOL Liquidity Pool (LP) na token para makakuha ka ng dagdag na yield.
Ang Liquidity Mining ay isang proseso kung saan ang mga crypto holders ay pinapahiram ang kanilang mga asset sa Decentralized Exchanges (DEXs) para sa liquidity at kapalit ng matatanggap na reward na crypto asset.
Para masimulan ang Liquidity Mining, kailangan mo ng pares ng token, sa halimbawang ito, pwede natin gamitin ang stSOL mula sa Lido.fi. Sa pamamagitan ng pagpares ng stSOL sa SOL na mga token sa 50:50 na ratio, makakatanggap ka ng stSOL-SOL LP (Liquidity Pool) na token. Sa paglalaan ng LP token sa Saber para sa kanilang stSOL-SOL na trading pairs, makakakuha tayo ng dagdag na 0.05% sa anyo ng stSOL-SOL LP token.
Sa Liquidity Mining, laging mayroong risk o panganib ng Impermanent Loss (IL). Nangyayare ito kapag ang crypto na dineposito sa LP token ay kumita o natalo ng napaka laking halaga, na maaaring magdulot ng pagkatalo dahil ang yield na kinita ay mas mababa pa sa price growth ng token.
Ano ang Yield Farming?
Ang Yield Farming ay labis na katulad ng Staking pero mayroon lamang silang pangunahing pagkakaiba, ito ay ang rewards na matatangap mo mula sa tokens na iyong na-stake. Sa staking, makakatanggap ka ng katulad na token, kung nag-stake ka ng USDC, makakatanggap ka din ng USDC na interes. Sa Yield Farming, pwede ka mag-stake ng USDC, pero ang kapalit, maaari kang makakuha ng ibang token, at madalas nito ay ang native token ng platapormang iyong pinasok.
Halimbawa, ang pagdeposito ng USDC sa Dapp gaya ng Tokemak ay makakakuha ng yield na 6.69% APY (Ang APY ay fluid at pabago-bago), ang reward na ito ay hindi maibibigay sa anyo ng USDC, ngunit maibibgay gamit ang Tokemak na mga token.
Anong DApps ang dapat kong gamitin?
Depende sa ilang mga factor gaya ng risk tolerance, iyong estratehiya, mga karanasan, ay makakatulong sa iyo kung anong Dapp ang pasok sa iyong investing style. Para sa mga bagong gumagamit, mga pamamaraan gaya ng Staking ay maaaring isang magandang panimula para sa iyong DeFi journey. Para naman sa mas dalubhasa na, ang paghahalo at pagtutugma ng mga Dapps na ito ay maaaring makatulong upang mas i-maximize and inyong gains sa pamamagitan ng pagpares ng inyong token sa iba pang Dapps.
Ang Panganib sa DeFi
Gaya ng iba pang mga klase ng pamumuhunan, ang DeFi ay may kaakibat ding mga panganib o risks. Ang ilan sa mga ito ay hacking, smart contract bugs, o maging regulatory risk mula sa gobyerno. Dahil dito, bago gumamit ng isang Dapp, mas mabuting maghanap at mabasa muna ng ilang mga review mula sa ibang tao at gumawa ng sariling pananaliksik bago magdeposito ng pera sa kahit na anong plataporma.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph