TL;DR:
- Ang Bear Market ay nailalarawan ng isang panahon ng mababang presyo ng isang asset at mabagal na paglago.
- Ang mga bihasang mangangalakal ay maaaring gumamit ng mga diskarte sa pamumuhunan upang madagdagan ang potensyal na kita sa mahirap na panahon.
- Ang ilan sa mga pinaka-epektibong diskarte sa isang bear market ay kinabibilangan ng crypto staking, pagbili ng dip, short selling, pamumuhunan sa NFTs, at yield farming.
- Ang mga bear market ay hindi tatagal magpakailanman at kadalasan ay paikot sa kalikasan.
Paano Makaligtas sa Crypto Bear Market?
Ang isang bear market ay karaniwang nararansan sa panahon ng mabagal o walang paglagong ekonomiya. Sa mundo ng crypto, ang bear market ay kadalasang naghuhudyat ng taglamig sa crypto o isang panahon kung saan ang mga cryptocurrencies ay dumaranas ng mas mababang presyo at mas bumababa ang kanilang halaga.
Bilang isang mangangalakal o mamumuhunan, ang bear market ay maaaring magbigay sa atin ng ilang pagkakataon para kumita pa rin at makaipon ng mas maraming crypto. At sa artikulong ito, tatalakayin natin ang ilan sa mga estratehiyang ito!
Ano ang Bear Market? (Oso)
Ang bear market ay ang kabaliktaran ng bull market. Marami ang kinatatakutan ang bear market dahil ito ay panahon kung kailan bumabagsak ang mga presyo ng cryptocurrencies at nilalamon ng pula ang buong portfolio mo. Ang isang bear market ay natutukoy sa pababang paggalaw ng mga presyo. Karaniwan itong nangyayari kapag mababa ang sentimento ng mamumuhunan at mangangalakal, dahil sa mahinang ekonomiya.
Kahit na ang bear market ay maaaring pahabain ng mga buwan o kahit na taon, maraming mga bihasang trader sa merkado ng cryptocurrency ang gumagamit ng ilang taktika upang kumita ng mas malaki sa kabila ng mga mapanghamong kondisyon ng merkado.
Coins Fun Fact: Ang average na bear market ay tumatagal ng humigit-kumulang 9 na buwan.
Ano ang Bull Market? (Toro)
Sa kabilang banda, ang mga bull market ay kadalasang natutukoy sa pagtaas ng presyo dahil sa optimistikong pananaw ng mga mamumuhunan sa kanilang mga asset. Maaari rin itong mangyari kapag maganda ang takbo ng ekonomiya, na naghihikayat sa mga tao na gumasta o mamuhunan.
Ang isang malakas na sentimentong bullish, kapag pinagsama sa isang malusog na ekonomiya, ay maaaring panatilihin ang pag-akyat ng merkaso na maaaring tumagal ng buwan o taon.
Coins Fun Fact: Ang average na Bull Market ay tumatagal ng nasa 991 araw o 2.7 taon.
Bull Market kumpara sa Bear Market
Sa panahon ng bull market, maraming crypto trader at investor ang kumikita dahil ang mga presyo ng cryptocurrency ay naabot ang pinakamataas at halos lahat ay nakakaranas ng berdeng portfolio. Hangga't tumataas ang presyo, maraming pagkakataon para kumita.
Sa kabilang banda, ang bear market ay ang may potensyal na gawing mas mayaman ang mga mangangalakal ng cryptocurrency. Ang pag-aaral ng naaangkop na mga taktika upang harapin ang isang bear market ay maaaring makatulong upang mapanatili ang iyong pera at magbukas din ng maraming pagkakataon. Sa katunayan, ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang mabilis na kumita sa crypto ay ang samantalahin ang pagbaba ng merkado.
Mga Estratehiyang Pamumuhunan Para sa Bear Market
Ang pinakamalaking pamamahagi ng kayamanan ay nagaganap sa mga panahon ng pagbagsak ng mga presyo sa merkado. Ang iyong kupunan, kung ikaw ay talunan o panalo, ay matutukoy lamang ng iyong pananaw at ng mga diskarteng gagamitin.
Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin upang protektahan ang iyong pondo habang kumikita ng pera sa panahon ng taglamig sa crypto:
Subukan ang Short Selling
Ang short selling ay isang uri ng diskarte sa trading na nagbibigay-daan sa mga mamumuhunan upang kumita mula sa pagbaba ng presyo ng isang asset. Tinatawag itong "short selling" dahil kahit kapos ka sa pondo, nasa posisyon ka parin para magbenta.
Halimbawa, humiram si John ng 1 BTC, na may kasalukuyang presyo na $10,000. Pagkatapos ay ibinenta niya ito, na nagbibigay sa kanya ng $10,000 na cash. Kapag bumaba ang presyo ng BTC sa $8,000, maaari siyang bumili ng 1 BTC, na magbibigay sa kanya ng sobrang $2,000.
Ito ay isang sobrang pinasimpleng paliwanag kung paano gumagana ang short selling, ngunit nangangailangan ito ng karagdagang kaalaman sa teknikal na pagsusuri, fundamental na pagsusuri, pati na rin ang karanasan sa paggawa ng mga naturang trade. Mayroon ding ilang mga dapat tandaan, tulad ng pag-expire ng kontrata kung saan ang mangangalakal ay kailangang muling bumili ng BTC sa isang tiyak na petsa kung hindi ay mahaharap siya sa pagkalugi.
Pagbili sa mga Dip
"Bilhin ang DIP!" Ito ang karaniwang sambit na makikita mo sa isang bear market. Ang pagbili ng dip ay nagbibigay-daan sa mga mangangalakal at mamumuhunan na makaipon ng mga cryptocurrencies sa mas mababang presyo habang bumababa ang presyo sa merkado. Dahil dito, hindi mahirap makita kung bakit sinasamantala ng napakaraming batikang mamumuhunan ang pagkakataong bilhin ang mga asset sa mababang presyo.
Sa kabilang banda, medyo mahirap malaman kung ano ang bibilhin sa panahon ng bear market. Habang ang mga portfolio ay nagiging pula, ang takot, pag-aalinlangan, at kawalan ng tiwala ay lalong lumalaganap, na nagpapahirap upang mahulaan kung kailan ang dip at kung pinakamababang punto na ba ito.
May mga pagkakataon na ang “dip” sa merkado ay tumaas lamang pala na volatility sa merkado. Kaya, kapag sinusubukang tukuyin ang "dips," narito ang dalawang senyales na dapat mong isaalang-alang:
Ang "dip" ay maaaring maiugnay sa isang panandaliang pag-atras ng isang bullish market o isang pagbasak na hahantong sa isang pangmatagalang bear market. Pero kung titignan ito ng may mas malawak na pananaw, gaya ng pagtingin sa taunang chart, maaring matukoy kung ang macro trend ay papataas or papababa.
Kung mapapansin mo na ang presyo ay patuloy na gumagalaw sa pataas na direksyon, ang kasalukuyang pagbaba ay pansamantalang pagwawasto (pullback) lamang ng presyo. Sa kabilang banda, kung ang macro trend ay papababa, ito ay maaaring hudyat ng mas malawakang pagbaba hanggang sa punto ng market crash.
Mamuhunan sa Non-Fungible Token
Kapag dumating ang taglamig sa crypto, halos lahat ng bahagi ng crypto ay apektado at kabilang dito ang mga NFT. Gayunpaman, sa panahon ng taglamig sa crypto, maraming proyekto ng NFT ang patuloy na nakikipagtulungan sa mga international brands upang matiyak ang kanilang mahabang buhay para sa kanilang proyekto.
Maraming kilalang kumpanya sa ibang bansa, kabilang na ang Coca-Cola, Louis Vuitton, Nike, at Samsung, ang aktibong lumalahok sa NFT. Sa kabila ng pangkalahatang pagbaba sa merkado ng crypto, walang nakikitang pagbagal sa mga transaksyon ng NFT. Bukod pa riyan, ang dami ng mga mamimili at nagbebenta ng mga NFT ay napanatili sa isang katanggap-tanggap na antas, at ang merkado ng NFT ay nagpakita ng isang matatag na rebound noong Abril ng taong ito. Ang mga volume ng kalakalan ng NFT ay umabot sa halos $687 milyon bawat linggo bilang average hanggang sa simula ng Mayo 2022, na nagtala ng pagtaas mula sa ikaapat na quarter ng 2021, kung saan ito ay nag-average ng $620 milyon bawat linggo.
Sa dumaraming bilang ng mga kompanya, malalaking negosyo, at institusyong pampinansyal na pinapasok ang industriya, walang duda na ang NFT ay makakakita ng mas maliwanag na hinaharap sa kabila ng kamakailang taglamig sa crypto. Sa kabilang banda, mahalaga pa rin na gawin ang sariling pananaliksik bago mamuhunan sa isang partikular na proyekto.
Pagtataya ng Iyong Crypto (Staking)
Ang Staking ay isang proseso ng pagtatago ng iyong mga coins sa isang validator. Dahil dito, nakakatulong kang patakbuhin ang blockchain at panatilihin itong ligtas mula sa mga masasamang pag-atake. Bilang kapalit, makakakuha ka ng gantimpalang crypto.
Ang mga reward sa staking ay natutukoy sa pamamagitan ng porsyento sa APY o APR. Madalas ay nagbibigay ng mas mataas na APY ang staking kaysa sa mgainteres na inaalok ng mga tradisyonal na institusyong pampinansyal. Ang ilan sa mga cryptocurrencies na may pinakamataas na reward sa staking ay Looks (LOOKS), Polkadot (DOT), at Cardano (ADA). Para sa pangmatagalang staking, maaaring tingnan ang mga blockchain tulad ng Ethereum (ETH) na dumaan ngayon sa isang merge, Solana (SOL), at Uniswap (UNI) dahil sa kanilang matibay pundasyon.
Depende sa iyong crypto na illalagay sa staking, ang ibang protocols ay uobligahin kang sumali sa staking pool, kung wala kang sapat na crypto upang maging validator. Gayunpaman, may ilang crypto na maaari mong i-stake gamit ang iyong hardware o software wallet. Ang iyong mga staked asset ay hindi kailanman mawawala at maaari mong bawiin ang mga ito anumang oras, ngunit ang oras ng pagproseso ay maaaring mag-iba depende sa blockchain.
Paggamit ng DeFi Protocols
Ang DeFi ay nagbubukas ng bagong mundo ng pamumuhunan para sa mga may mga kaalaman. Maaaring lumahok ang mga user ng DeFi sa iba't ibang serbisyo na ibinibigay ng DeFi platform, tulad ng Yield-Farming, Liquidity Pools, at maging ang Crypto Lending.
Yield Farming
Sa yield farming, maaaring magdeposito ang mga user ng USDC at bilang kapalit ay, makakatanggap sila ng isa pang token bilang gantimpala. Depende sa DeFi protocol na ginamit, mag-iiba rin ang mga reward.
Halimbawa sa Tokemak, kung magdedeposito ka ng USDC sa DEX, makakatanggap ka ng 6.69% APY batay sa iyong USDC ngunit ipapamahagi ang Tokemak token sa halip na USDC. Ang yield farming ay nagbibigay ng potensyal na mas mataas na APY kung tumaas ang presyo ng reward token. Dahil dito, magagawa ng mga taong palaguin ang kanilang ipon na may napakakaunting kaakibat na panganib.
Pagbibigay ng Liquidity sa mga DEX
Bilang tagapagbigay ng liquidity, nagbibigay ka ng liquidity sa isang Decentralized Exchange (DEX). Ang DEX ay pinapagana ng smart contract na nakadepende sa mga user na nagdedeposito ng mga pondo para liquidity. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity, ang mga provider ay tumatanggap ng kaunting interes sa kanilang crypto kapag naganap ang mga transaksyon. Kasabay nito, nakakatanggap sila ng resibong token bilang kapalit para makuha nila muli ang kanilang mga token nang may interes.
Paano Lagpasan ang Bagyo
Sa panahon ng taglamig sa crypto, maraming mangangalakal at mamumuhunan ay maaaring maging emosyonal. Kasama ng pulang portfolio, ito ay maaaring maging dahilan upang makagawa sila ng mga maling desisyon sa pangangalakal o pamumuhunan.
Ang takot ay isang mahalagang parte sa pangangalakal ng cryptocurrency, lalo na kapag ang merkado ay nasa bear market. Kaya, dapat ay panatilihin ang pagiging kalmado at patuloy na hanapin ang liwanag sa gitna ng mahirap na panahon.
Habang naghihintay, maaari mong tuklasin ang iba pang mga pagkakataon kung paano ka makakakuha ng karagdagang kita mula sa crypto.
Gaya nga ng kasabihan:
“Maging sakim kapag ang iba ay natatakot at matakot kapag ang iba ay sakim.”
Ang mga merkado ay paulit-ulit lamang, kaya ang mga bear market ay hindi mananatili magpakailanman. Sa pamamagitan ng pananatili sa iyong diskarte sa pangangalakal o pamumuhunan at pagsasamantala sa bear market, magagawa mong kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga cryptocurrencies na dati mong binili sa mas mababang presyo.
Panatilihin ang iyong pagtuon sa mga katotohanan at dahilan. Laging tandaan na gawin ang iyong sariling pananaliksik.
Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.
Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.
Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.
Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy
Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!
Sumali sa Coinmunity
Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.
Sumali sa amin sa:
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/coinsph