Limang Indikasyon upang Masuri ang NFT Project

Maraming bagay ang kailangang tignan kapag nagpapasya kung aling NFT ang dapat bibilhin. Maaaring ito ang background ng team, ang iyong kapital, sentimento sa merkado, at iba pa. Narito ang ilang dapat isaalang-alang kapag bumibili ng NFT.
Limang Indikasyon upang Masuri ang NFT Project

Maraming bagay ang kailangang tignan kapag nagpapasya kung aling NFT ang dapat bibilhin. Maaaring ito ang background ng team, ang iyong kapital, sentimento sa merkado, at iba pa. Narito ang ilang dapat isaalang-alang kapag bumibili ng NFT.

TL;DR

  • Maraming bagay ang kailangang tignan kapag nagpapasya kung aling NFT ang dapat bibilhin, kabilang na ang iyong kapital, background ng proyekto, at ang pangkalahatang sitwasyon sa merkado.
  • Ang founding team na “doxxed” ay nagbibigay ng higit na tiwala at transparency kaysa sa isang team na hindi.
  • Kung ang proyekto ng NFT ay may isang malakas na komunidad, ito ay makakatulong sa kanilang kapangyarihan upang harapin ang mahihirap na panahon sa merkado.
  • Ang mga proyektong nag-aalok ng mga bagay nasa merkado na ay kadalasang hindi maganda kumpara sa mga proyektong makabago at kakaiba.
  • Ang mga proyektong madaling ibenta ay makakaakit ng mas maraminginvestors kaysa sa isang proyekto na mahirap pagkakitaan.
  • Ang isang magandang indikasyon na ang isang proyekto ng NFT ay tatagal ay kapag dumating ang bearish market, dahil ang panahong ito ay kayang alisin ang mga proyekto na hindi kayang lagpasan ang panahong ito.

Ang mga NFT ay naging mas sikat sa nagdaang taon, dahil ang mga kolektor at mga kumpanya ay nagsisimula nang mapansin ang mga kakayahan, kita, at pangkalahatang potensyal ng mga token na ito. Ang pinakasikat sa kanila ay ang Bored Ape Yacht Club (BAYC), isang koleksyon ng 10,000 natatanging Bored Ape NFT o mga digital na koleksyon na gumagamit ng Ethereum blockchain, ay naibenta lamang sa halagang 0.08 ETH (o $200 sa panahong iyon). Ngayon, ang isang Bored Ape ay maaaring nagkakahalaga ng 77 ETH (halos $150,000), at hindi pa kasama ang mga libreng NFT at $APE na token na nakuha ng mga may hawak ng BAYC bilang reward.

Hindi lahat ng proyekto ay maaaring abutin ang antas ng BAYC, ngunit tiyak na may ilang magagandang alternatibo na mahahanap sa merkado, at ang ilan ay ilalabas pa. Kung ganon, paano mo eksaktong matutukoy kung aling NFT ang dapat mong bilhin?

Magkano dapat ang aking unang NFT?

Mayroong iba't ibang hanay ng presyo para sa iba't ibang proyekto ng NFT, at ang badyet ng iba’t ibang tao ay medyo naiiba sa isa't isa. Ang ilan ay handang gumastos ng higit sa 6 ETH sa mahusay na mga blue-chip koleksyon, tulad ng Doodles, RTFKT's Clone X, Azuki, at Moonbirds, habang ang iba ay nagsisimula lamang sa mas mababa sa ₱20,000.

Kung mayroon kang mas malaking puhunan, ang pagbili ng ilang mga blue-chip na koleksyon ay isang maaaring matalinong hakbang. Ngunit, para sa mga nagsisimula na may limitadong puhunan, maaaring mas mainam na magsimula sa ang mga proyektong nagbibigay ng mga whitelist (dahil nagbibigay ito sa iyo ng pre-sale na access) at sa mga proyektong pwedeng mag-mint ng libre (ibig sabihin magbabayad ka lamang para sa mga bayarin sa gas).

Paano ako bibili ng NFT?

Mayroong 3 pangunahing panahon para bumili ng NFT:

  • Paunang Bentahan (Presale) - Para sa mga naka-whitelist na miyembro para unang makakuha or makabili ng kanilang NFT (Makakaiwas sa “gas wars”)
  • Pampublikong Bentahan (Public Sale) - Bukas ang pagbebenta sa publiko sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng pagbebenta tulad ng Fair Dutch Auction o Pre-Mint Raffles
  • Pangalawang Merkado (Secondary Markets) - Pagbili ng mga NFT sa pamamagitan ng mga pamilihan tulad ng Opensea, MagicEden, at Mintable.

Ang panahon ng pre-sale ay nagbibigay-daan sa lahat ng naka-whitelist na miyembro ng isang proyekto na i-mint ang kanilang mga NFT nang walang anumang isyu sa gas (sa karamihan ng mga kaso).

Nagaganap ang panahon ng pampublikong pagbebenta pagkatapos ng paunang pagbebenta, at kadalasang ginagawa sa iba't ibang paraan. Ginagamit ng ilang proyekto ang paraan ng Fair Dutch Auction, kung saan bumababa ang presyo ng NFT sa isang tiyak na agwat ng oras, at ang pagkakaiba sa pagitan ng presyong binayaran mo at ng huling presyo ay ibabalik sayo sa ibang araw. Ang ilan ay gumagamit ng PREMINT Raffle, kung saan irerehistro mo ang iyong wallet para sa pagkakataong i-mint ang proyekto sa partikular na panahon.

Panghuli, ang pagbebenta sa pangalawang merkado ay maaaring maganap habang at pagkatapos ng paunang bentahan at pambulikong bentahan. Ito ang pinakamagadnang opsyon kung wala kang access sa pre-sale ng isang proyekto o ayaw mong lumahok sa pampublikong bentahan ng isang proyekto. Kung gusto mong gumawa ng isang mahusay investment sa lahat ng mga sitwasyong ito, kakailanganin mong tingnan ang team na gumawa sa likod ng proyekto, ang damdamin ng komunidad, ang roadmap/utility, at ang mga paraan kung paano kumita.

Ano ang mga katangiaan ng magandang proyekto ng NFT?

Ang Team na Gumawa ng Proyekto

Mayroong iba't ibang uri ng mga team sa Web3; ang ilang mga team ay doxxed (hindi anonymous) habang ang iba ay hindi kilala. Sa isang doxxed team, makakahanap ka ng mga kredensyal tungkol sa mga taong bumuo ng proyekto, tulad ng kanilang mga kwalipikasyon, nakaraang karanasan sa trabaho, background sa Web3, at marami pang iba.

Kung ang mga tagapagtatag ay nagtrabaho na sa industriya, mas malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa kung paano magpatakbo ng isang proyekto. Halimbawa, ang mga tagapagtatag ng Doodles, si Jordan Castro, ay dating nagtrabaho sa Dapper Labs, isa sa mga unang kumpanyang nag-specialize sa Web3. Tignan kung nasaan sila ngayon! Sa kabilang banda, ang mga proyekto na may mga team na hindi doxxed (anonymous) ay maaari ay mas mahirap suriin dahil madalas ay kulang ang personal na detalye na ibinibigay sa publiko.

Pagkakaroon ng Matibay na Komunidad

Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nararamdaman ng komunidad ng Web3 tungkol sa isang partikular na proyekto. Ang pampublikong suporta ay isa sa mga pangunahing tagasulong ng pangmadalian at pangmatagalang tagumpay ng proyekto. Masusuri ito sa pamamagitan ng paggugol ng oras sa Discord ng komunidad (at maging sa iba pang komunidad na nag-uusap tungkol sa iba't ibang proyekto), pagsusuri sa proyekto sa social media tulad ng Twitter at Instagram, at pagkuha ng mga review sa iba pang mga site. Maaari itong gawin sa lahat ng proyekto kahit kailan man ang yugto ng pagbebenta nito.

Kapag ang mga tao ay walang masasabi kundi ang mga positibong komento, ang mga ito ay maaaring maging “bullish indicator” ng tagumpay ng isang proyekto. Gayunpaman, kapag maraming FUD (takot, kawalan ng katiyakan, at pag-aalinlangan) sa paligid, dapat ay maging maingat, at suriing mabuti ang mga ugat ng FU dahil may mga pagkakataon na ang mga tao ay gustong magpakalat ng FUD para lamang makakuha ng mas mababang presyo. Sa ibang kaso naman, ang FUD na iyon ay nagpapatunay sa kahina-hinalang aktibidad ng team.

Pagkakaroon ng Matibay na Komunidad

Pagkakaroon ng Roadmap

Maraming proyekto ay kadalasang may kaparehong ideya. Marami ang gustong maglabas ng produkto o mga damit, staking/burn para sa mga token, gamit sa Metaverse, In Real Life (IRL) na mga kaganapan, at pagpapaganda ng brand.

Ang hamon dito ay ang paghahanap ng mga proyektong nag-aalok ng kakaiba at makabagong bagay na hindi pa nakikita ng merkado noon. Subalit, ang mga planong ito ay dapat may posibilidad na makamit. Kung hindi, ang kanilang mga roadmap ay madaling makita bilang isang scam.

BAYC Roadmap

Para sa mga nagsisimula, ang mga naitatag na proyekto na may mga launchpad ay malaking tulong upang simulan ang iyong paglalakbay, dahil ang mga proyektong ito ay mag-aalok ng mga whitelist spot para sa higit pang mga proyekto at maaaring makatulong sa iyo na buuin ang iyong portfolio. Ang mga komunidad na ito ay may posibilidad din na magbahagi ng alpha (o kapaki-pakinabang na unang impormasyon) tungkol sa kung ano ang mga potensyal na ilalabas at magandang bilihin, kaya may malaking pakinabang sa paghawak ng isang proyektong tulad ng mga ito.

Kakayahang Magbenta sa Pangalawang Merkado

Isipin mo ito: Bumili ka ng NFT at hindi mo ito maibenta dahil walang bumibili nito dahil sa hindi malaman na dahilan. Ito ang rason kung bakit mahalaga kaya ang “liquidity” ng isang proyekto.

Ang isang proyekto na may mataas na liquidity ay magbibigay-daan sa iyo na mas madaling magbenta o bumili ng isang NFT. Dagdag pa dito, ang mataas na liquidity ay nagpapahintulot ng madaming pagbebenta, na maaari ding magpataas ng presyo ng NFT. Ang diskarteng ito ay kadalasang ginagamit ng mga “volume traders”, na sinusubaybayan ang mga sell walls at ang bilang ng mga NFT na nakalista. Gayunpaman, kadalasang gumagana lang ang volume trading para sa mga proyektong mabilisang ibenta. Sa ganitong mga proyekto, kapag natuyo na ang volume, nawawalan agad ng value ang NFT dahil nawawala ang demand.

Mayroong ilang mga kaso kung saan ang isang proyekto ay maganda ngunit nagkakaroon ng benta paminsan-minsan lamang, na kadalasan namang nangyayari sa mga blue-chip na proyekto na may mas mataas na presyo. Gayunpaman, kung ang isang proyekto ay talagang maganda, mangangailangan lamang ito ng ilang mga “catalyst” o dahilan upang mapataas ang presyo, depende sa mga hakbang na gagawin ng team.

Pulso ng Merkado

Sa ngayon, ang NFT market ay kasalukuyang mas bearish kung titignan kung gaano kababa ang mga volume ng benta kumpara sa nakaraang taon. Noong unang bahagi ng 2022, maaari kang ma-whitelist para sa mga proyekto tulad ng Hapebeast at Invisible Friends at ibenta ang mga ito sa halagang 8 hanggang 10 ETH.

Sa kasalukuyang panahon, ang mga ganitong pagkakataon mahirap hanapin, at maraming mga proyekto ang madalas na nabibigo upang makumpleto ang kanilang mint o "Mint Out", na nagreresulta sa pag-iiba sa direksyon ng proyekto. Dahil dito, ang ilan ay nagpasyang i-refund ang kanilang mga hawak at isara ang proyekto.

Ang mga bearish market ay may taglay paring benepisyo tulad ng pag-filter ng malakas na proyekto mula sa mas mahihina. Ang mga proyektong may tuluy-tuloy na suporta sa komunidad, isang kwalipikadong team, makabagong paggagamitan, at kakayahang magbenta ay kayang lagpasan ang mga pagsubog sa Web3.

Ang ilang mga blue-chip na proyekto ay maaaring may mga pangalawang koleksyon, na maaaring magbigay-daan sa iyo upang magkaroon ka ng exposure sa kanilang mga ecosystem sa mas mababang halaga. Ito ay ipinakita sa pamamagitan ng pagbili sa Mutant Ape Yacht Club (MAYC) sa Bored Ape Yacht Club (BAYC); ang ang presyo ng isang Mutant Ape ay 1/6 ng isang Bored Ape. Maraming naniniwala na ang mga proyektong may ganitong katangian ay kayang magbalik kapag naging bullish ulit ang merkado. Sa ngayon, ito ay isang magandang pagkakataon upang matuto nang higit pa tungkol sa lahat ng mga aspeto ng Web3.

Paano mabibili ang aking unang NFT?

Ang iyong unang pagbili ng NFT ay maaaring hindi agad maging matagumpay, ngunit habang patuloy mong inaaral ang mundo ng NFT, dahan-dahan kang magiging mas magaling. Upang simulan ang pagbili ng iyong NFT, kakailanganin mo ng ilang crypto, depende sa marketplace na iyong gagamitin. Ang mga cryptocurrency na mga ito ay maaaring Solana(SOL), Ether(ETH), o kahit na Polygon(MATIC).

Ang bawat marketplace ay may sarili nitong mga kalamangan at kahinaan, ibang mga seleksyon ng mga NFT, at iba't ibang feature na available. Upang makapagsimula sa iyong paglalakbay sa NFT, maaari kang bumili ng ETH mula sa Coins.ph sa dalawang hakbang:

Step 1: Mag-log in sa iyong Coins account at mag-cash-in. Maaari mong gamitin ang bank transfer at e-wallet na mga opsyon para lagyan ng pondo ang PHP sa iyong wallet.

Step 2: I-tap ang Crypto at piliin ang “ETH” mula sa drop-down na menu para i-convert ang iyong PHP sa ETH.

Kapag nakuha mo na ang iyong crypto, maaari mo itong ilipat sa MetaMask, at gamit ang MetaMask, maaari mong tuklasin ang iba't ibang NFT marketplaces tulad ng Opensea, Mintable, Rarible, Magic Eden, at marami pang iba!


Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.