Noong nakaraang Hunyo, ipinahayag ang pagsasanib-pwersa ng PBA at Coins para sa layunin na dalhin ang crypto at financial inclusion sa mundo ng basketbol.
Ngayon, malugod naming ibinabalita ang bagong katuwang ng Coins, isang kilalang manlalaro ng PBA, na si Jared Dillinger. Sa tulong ni Jared, nais naming maabot ang bawat tagahanga ng PBA, at matulungan sila na mas maging mulat at maalam sa mga bagay pinansyal.
Daan Patungo sa Financial Access sa Pamamagitan ng Crypto at Web3 kasama si Jared Dillinger
Maraming Pilipino ang nangangailangan ng karagdagang edukasyon at kaalaman pagdating sa crypto. Dahil dito, sinisikap namin sa Coins na pagbutihin pa ang aming plataporma bilang isang crypto at e-wallet. Isa na rito ang pamamahagi ng mga kaugnay na balitang #CryptoPH at mga nararapat na impormasyon na makakatulong sa pagintindi kung ano ito at ano ang dapat malaman ng bawat tao.
“Para sa amin, sakto si Jared na mamuno at magbahagi ng kaniyang kalaaman pagdating sa crypto, dahil siya mismo ay isang aktibong miyembro ng mga komunidad sa web3. Nararapat lang din itong gawin kasunod ng aming pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa PBA upang maabot ang mas maraming taong sumusunod at humahanga sa basketbol.” bahagi ni Wei Zhou, CEO ng Coins.ph
Paghahatid ng Courtside Crypto sa mga Pilipino
Sa Coins, nagsimula kami sa isang simpleng layunin: ang mabigyan ang mga Pilipino ng kakayahan at sapat na kaalaman para makapasok sa mundo ng e-wallet at cryptocurrency. Alam natin na patuloy na hinuhubog ng teknolohiya ang hinaharap ngunit paano nga ba tayo makapag-bibigay daan upang magkaroon ng digital assets ang mga Pilipino?
Nakipagtulungan kami kay Jared Dillinger upang dalhin ang Courtside Crypto sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng mga nakawiwiling kaalaman tungkol sa crypto at paksang pampinansyal, nagsusumikap kami na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na mabuo at patatagin ang kanilang interes patungkol sa financial inclusion.
“Alam natin na mahirap intindihin ang crypto sa simula. Kaya naman nasasabik ako na pag-ugnayin ang basketbol at crypto sa tulong ng Coins.ph. Naniniwala ako na magiging malaking bahagi ang crypto at Web3 sa ating hinaharap. Kaya para sa akin, ngayon na ang pinaka-tamang panahon para aralin at intindihin ito. Nais ko na makatulong upang mabago ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagbahagi ko ng aking kaalaman tungkol sa crypto.” ani Jared Dillinger, PBA Veteran
Coins at ang Layunin Nitong Magbigay Kaalaman Tungkol sa Crypto
Si Jared “Daredevil” Dillinger ay maghahatid ng #CourtsideCrypto sa pamamagitan ng mga materyal na pang edukasyon na mapapanod sa TikTok at YouTube. Sa mga seryeng ito, ituturo at ipapaliwanag niya ang mga pangunahing konsepto patungkol sa cryptocurrencies, NFT, at iba pang mga digital assets.
Ang #CourtsideCrypto ay mas palalakasin pa ng Coins Academy, kung saan ang mga Pilipino ay maaaring magpainam ng kanilang kaalaman tungkol sa cryptocurrency at aspektong pang pinansyal.
Si Jared Dillinger ay isa ring kilalang #CoinsChampion kung saan siya ay madalas na nangangasiwa ng mga talakayan tungkol sa crypto sa aming #Coinmunity. Sa katunayan, naroon din siya noong naganap ang aming AxieCon Watch Party upang suportahan ang #CryptoPH education.
Gusto mo bang tumulong na palakihin pa ang #CryptoPH kasama kami at si JD?
Sumali sa Coins Champions!
#CourtsideCrypto #BitcoinEducation #CoinsAcademy #CoinsJDaredevil #CoinsPBA #CoinsChampions
Sundan kami sa TikTok at ma-notify kapag lumabas na ang serye.
PALAWAKIN ANG IYONG KAALAMAN SA CRYPTO SA TULONG NG COINS ACADEMY
Ang Coins Academy ay isang bahagi ng aming website na naglalaman ng iba’t ibang paksa tungkol sa crypto at Web3. Palawakin ang iyong kaalaman tungkol sa iba't ibang cryptocurrencies, paggamit ng blockchain, at maraming pang iba. Baguhan ka man o eksperto sa larangan ng crypto, sagot namin kayo.
Coins Academy | Coins.ph
Coins Academy is your go-to place for all things crypto, blockchain, and web3. Learn about Bitcoin, NFTs, & more for free. Available in English & Filipino.
SIMULAN NA ANG IYONG CRYPTO JOURNEY
Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang blockchain-based na kumpanya sa Asia na humawak ng parehong lisensya para sa Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang bangko sentral.
Mag-sign up at gumawa ng Coins.ph account ngayon, at simulan ang pagbili ng crypto. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari ka ng mag-convert ng PHP pa crypto na iyong napili o crypto pa PHP.
SUMALI SA AMING COINMUNITY
Agad na makatanggap ng mga balita tungkol sa Coins. Sumali sa amin sa:
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/CoinsPh