Ang crypto sector ay gumagamit ng English, ngunit mahigit 6 billion people — karamihan ay nakikinabang sa crypto — use other languages.
Simula day one, ako ay naniniwala na ang blockchain at crypto technologies ay kayang tumulong magbigay ng financial inclusion para sa underbanked at underprivileged. Ito ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit ako ay nag desisyon na mag-invest ng oras at pera dito pagkatapos ng aking early career years sa traditional corporate finance.
Ano ang susi sa crypto upang makamit ang kanilang pangako ng providing financial services to unbanked population? Mag-invest sa pag-localize ng basic crypto education. Sa paggamit ng local dialects para turuan ang mga komunidad at users tungkol sa crytpo, napapaunlad natin ang financial access hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa Southeast Asia at ibang developing economies sa buong mundo.
Local language at crypto education
Ngayon, pinagmamalaki ng Pilipinas na isa sila sa may pinakamataas na crypto adoption rate sa mundo. Ito ay nagbibigay sa Pilipinas ng mahalagang head start sa mundo ng Web3. Ang mga Pinoy ay may mataas na kakayahan sa pagunawa ng English - tens of millions ay nagsasalita at nagsusulat ng English, habang ang iba ay tinuturing first language ito.
Ang kabataang Pinoy ay may lumalaking interes sa cryptocurrency, nay kasama sa highest rates of NFT adoption at acceptance sa mundo.
Ito ay bullish trends para sa Pilipinas dahil ito ay angat sa iba bilang prime and competitive market sa mundo ng Web3 technologies. 2021 ay proof-of-concept in terms of NFT gaming, at crypto ay nananatiling investable asset.
Habang napapadali ang paggamit ng teknolohiya, tayo ay maaring mag-diversify beyond leveraging currency assets at gumawa ng cultural experiences via NFTs at blockchain technologies. Imagine a near future na kung saan tayo ay nakakpag host ng concerts sa metaverse habang ang virtual NFT influencers ay kumakanta at sumasayaw kasama ng mga nanonood.
Katulad ng Ready Player One-like online universe na kung saan ang Generation Z at millenials ng lumaki na gumagamit ng internet ay pwede magsama sa metaverse, bridged at brough together through blockchain technology.
Dahil sa mataas na crypto adoption at malakas na English proficiency, ang Pilipinas ay mayroon oportunidad na manguna sa mundo sa paglikha ng blockchain-enabled cultural experiences. Ngunit kailangan natin siguraduhin na lahat ng Pinoy ay pwede ito pakinabangan. Dito nagiging importante ang local-language education.
Linguistic landscape sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay bahay sa mayaman na linguistic landcape, kung saan 150 different languages at dialects ang ginagamit. Upang bigyan ng financial inclusion ang bawa’t Pinoy, hindi natin pwedeng bigyan pansin lamang ang English speakers.
Kailangan natin simulan ang local language education on crypto basics. Dahil dito, gusto namin tutukan ang mga local languages na karamihan ay ginagamit - Tagalog, Cebuano at Ilokano - upang matulungan ang aming educators na maabot ang mga Pinoy na hindi nakakaunawa ng English.
Ito ang dahilan kung bakit importante na mag-invest sa makabuluhang paraan upang palakihin ang financial inclusion sa Pilipinas. Ang aming Coins Academy series ng introductory educational articles ay available sa English at Filipino, at sa aming recent partnership with Philippine Basketball Association veteran Jared Dillinger ay nagpapakita ng isang sikat na local influencer na nakikipagusap sa fans at followers gamit ang English at ibang local dialects.
Cornerstone for global crypto growth
Itong mga inisyatiba ay simula lamang. Ang Southeast Asia market ay culturally at linguistically diverse. Gusto namin na maging parte ng paglaki ng buong ecosystem, na mapapakinabangan ng hindi lamang mga Pinoy pero pati na din lahat ng Southeast Asian.
Ang mga headline ng English-speaking media ay puspos ng balita tungkol sa pagtaas at pagbaba ng crypto asset prices. Dahil dito, ang karamihan ng English-speaking markets ay mas may kaalaman na tungkol sa Bitcoin at cryptocurrencies.
Gusto ko ikalat ang mensahe sa 6.5 billion people na hindi English speakers na itong teknolohiya ay hindi tungkol sa financial speculation. Blockchain technologies ay fundamentally radical at kaya nitong magbigay ng basic financial services at access sa underserved markets. Madaming praktical na kagamitan ang digital assets, kagaya ng mobile payments na hindi kailangan ng bank account o pag-padal ng pera sa kapamilya mo na wala sa bansa na hindi kailangan magbayad ng mahal na transaction fees.
Tignan natin ang Africa, ang bansa na may pinakabatang populasyon at highest rates of mobile money usage. Bitcoin Mtaani, isang start-up galing Kenya, ay sinusubukan mag-translate ng crypto-related information to a wide range of African languages upang maabot pa ang mas madaming tao sa kontinente. Sa ngayon, ang Exonumia Africa ay nakapag-translate ng crypto-related content to 27 African languages.
Kahit sa market ng Pilipinas, makikita natin ang mga iba’t-ibang pagsisikap kagaya ng Bitskwela, an edutech platform na gusto gawing accessible ang crypto at Web3 education sa lahat ng Pinoy sa pamamagitan ng local language education. Mayroon din Axie Infinity, isang Web3 game na sikat sa Pilipinas. Noong simula ng taon, ito ay nag anunsyo ng partnership with Bit2Me para magbigay ng educational information at exchange support in both Spanish at Portuguese.
Upang makapagbigay ng alternatibo sa fiat currency, ang crypto at digital assets ay kailangan na maging accessible at understandable sa lahat, at ang iba’t-ibang kumpanya sa industriya na ito ay kailangan gumawa ng higit pa upang mabuo ang pananaw na ito para sa Asia, Africa at sa buong mundo.
About Wei Zhou
Si Wei Zhou ay CEO ng Coins.ph, kung saan siya at ang Joffree Capital ay nanguna sa pagbili ng Coins.ph nitong taon at kinumpleto ang $30 million Series C financing na pinangunahan ng Ribbit Capital. Bago Coins.ph, si Wei ay ang dating Binance Chief Financial Officer at naging vice chairman ng Grindr, isang dating at social networking app para sa LGBT community.
Pagkatapos ang accidental exposure ng NFTs at crypto sa kanyang Binance Labs' days, si Wei ay naging G-D (@thedaoofwei), ang kanyang Bored Ape Yacht Club's alter ego, kapag sumailalim sa pabagu-bago ng crypto news at market cycles.
From Coins' Desk ay series ng opinion pieces at thought leadership articles na galing sa leadership team ng Coins. Silipin ang proseso ng management team at behind the scenes para palaganapin ang crypto sa mundo.
For more thought-leadership pieces at Coins.ph news, follow Wei on Twitter or join the Coins.ph community on Twitter, Telegram or Discord.
This article was originally published on Forkast News, and has been republished with permission.
Para sa English version ng press release, click here.