Ang Coins.ph ay ang pinakasimpleng at pinakamabilis na paraan para bumili at magbenta ng cryptocurrencies sa Pilipinas.
Madalas mahirap intindihin ang crypto pero ginagawa naming madali!
Kabilang ang Coins.ph sa mga may pinakamababang fees para sa pagbili at pagbenta ng cryptocurrencies sa Pilipinas.
Ano ang cryptocurrency?
Ang cryptocurrency ay isang virtual asset na maaaring gamitin bilang pambili ng mga kalakal at serbisyo. Sine-secure ito ng kriptograpiya, kaya halos imposible itong ipeke o i-hack. Maraming cryptocurrencies ay gumagamit ng teknolohiya na tinatawag na blockchain, na isang desentralisadong network batay sa mga distributed ledger na nabubuo ng mga iba't ibang kompyuter. Dahil ang mga ito ay kadalasang naka-encrypt (impormasyon na isinalin sa code) at desentralisado (walang awtoridad na namamahala sa proseso), ayon sa teorya, karamihan ng mga blockchain ay immune sa manipulasyon at pagkagambala. Sa Coins.ph, maaaring bumili, magbenta, at magtabi ng mga cryptocurrency. Maaari ring tingnan ang aming blog para sa higit pang impormasyon ukol sa mga cryptocurrencies. Babala: Ang mga cryptocurrencies ay napaka-volatile, at mataas ang antas ng panganib nito. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga panganib na ito, pakitingnan ang artikulong ito.
"Anu-ano ang mga cryptocurrencies sa Coins.ph?
Sa paggamit ng Android at iOS app o web, binibigyan kayo ng aming multi-currency wallet ng madaling paraan para ma-access ang 18 uri ng cryptocurrencies at crypto tokens: BTC (Bitcoin) ETH (Ether) BCH (Bitcoin Cash) XRP USDC (USD Coin) USDT (Tether) AAVE AXS (Axie Infinity Shard) CHZ (Chiliz) GALA LINK (Chainlink) KNC (Kyber Network Crystal v2) MATIC (Polygon) MKR (Maker) SAND (The Sandbox) SLP (Smooth Love Potion) UNI (Uniswap) YGG (Yield Guild Games) Habang hindi pa inaalok ang mga ibang cryptocurrencies sa aming wallet, sinusubaybayan ng aming team ang kani-kanilang aktibidad sa merkado para sa mga posibleng oportunidad na maglagay ng mga iba pang opsyon sa hinaharap. Masisiyahan din ang aming team na marinig ang inyong mga suhestyon. Ipabatid ninyo sa amin sa pamamagitan ng aming form dito: https://coins.formstack.com/forms/coins_ph_suggestions.
Paalala: Para bumili, magbenta, at magtabi ng mga cryptocurrencies, ang minimum account verification na kinakailangan ay Level 2 (ID at Selfie verification).
Paano palitan ang aking cryptocurrency patungo sa cash at bise-bersa?