Ano ang MetaDerby ($DBY)?

Ang MetaDerby ay isang FREE-to-play-and-ean NFT na larong karera ng mga kabayo na binuo sa Avalanche blockchain. Sa metaverse nito, ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng mga token sa pamamagitan ng mga pakulo sa

TL;DR

  • Ang MetaDerby ay isang free-to-play-and-earn NFT horse racing game na binuo sa Avalanche (AVAX) blockchain.
  • Tumatakbo ang MetaDerby sa isang dual-token na sistema na $DBY para sa pamamahala at HOOF bilang in-game currency.
  • Ang HOOF ay ang in-game currency para para sa mga bayarin sa gas at mga pagbili  sa loob ng laro tulad ng pagpapalaki ng mga kabayo, pagtatayo ng mga sakahan at karerahan, at pagbabayad ng entrance fees.
  • Ang mga kabayong pangarera ay maaaring magparami at makabuo ng mga supling na maaaring magamit o ibenta sa merkado ng MetaDerby o iba pang mga pamilihan.
  • Ang mga manlalarong gustong magsimula ng MetaDerby ay makakakuha ng libreng NFT na kabayo sa pamamagitan ng pag kumpleto ng mga misyon sa website ng MetaDerby!

Ang MetaDerby ay isang FREE-to-play-and-ean NFT na larong karera ng mga kabayo na binuo sa Avalanche blockchain. Sa metaverse nito, ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng mga token sa pamamagitan ng mga pakulo sa larong ito, tulad ng karera ng kabayo, pagpaparami ng kabayo, pagbili ng mga lupain, pagtatayo sa mga sakahan, at pamamahala ng mga karera.

Kabayo ng MetaDerby

Kung nagsisimula ka sa blockchain gaming, matatanggap mo ang iyong unang libreng kabayong NFT sa pamamagitan ng pagkumpleto ng ilang gawain sa MetaDerby. Ayon sa whitepaper, ginawa ng mga tagapagtatag ng MetaDerby na isang libreng laro ng NFT para magalugad ng lahat ng mga manlalaro ang metaverse ng MetaDerby.

Paano Gumagana ang MetaDerby?

Ang bawat pang karerang kabayo sa MetaDerby ay isang NFT na nakilala sa pamamagitan ng apat na magkakaibang Genotype: BloodLine, Acceleration (Gene X), Aggressiveness (Gene Y), at Sprint Speed (Gene Z). Ang bawat genotype ay sumasalamin sa mga likas na katangian nito at magagamit sa tuwing may karera ng kabayo.

MetaDerby horse races

May 12 kabayo lamang ang pinapayagan sa isang karera. Maaaring paramihin ang mga kabayong pangarera upang magparami ng mga supling na maaaring gamitin o ibenta sa merkado ng MetaDerby o iba pang merkado ng NFT.

Tulad ng maraming larong Play-To-Earn, tumatakbo ang MetaDerby sa isang dual-token na sistema. Ang Derby ($DBY) token ay ginagamit para sa pamamahala at pagbili ng mga lupain sa Metaverse.

Sa metaverse ng MetaDerby, ang pangunahing gas ay isang coin sa laro na kilala bilang $HOOF. Ang $HOOF token ay ang in-game currency na ginagamit para bumili ng mga mystery box, pumasok sa mga kuwadra, magpalaki ng mga kabayo, magtayo ng mga sakahan, karerahan, at pambayad para makapasok sa mga karera.

Ang mga manlalaro ay maaaring kumita ng cryptocurrency sa pamamagitan ng mga aktibidad, tulad ng karera, pag-aanak, paghula, at pagmamay-ari ng mga lupain. Dahil sa mekanismo ng laro, ang ekonomiya ng laro ay mas mayabong kumpara sa iba pang mga laro ng NFT, na nagreresulta sa mas mataas na pakikilahok ng mga manlalaro mula noong ito ay nagsimula.

Ginawa ayon sa konsepto ng "create-to-earn," ang laro ay magpapatupad ng sistemang pang lupain na magbibigay-daan sa mga manlalaro na bumili ng mga piraso ng lupa kung saan maaari silang magtayo ng mga kuwadra, hippodrome, jockey club, at magtanghal ng sarili nilang mga laro.

Sa ganitong paraan, maaaring mag-ambag ang mga manlalaro sa pagbuo ng laro at tumulong na makabuo ng kita na higit na magpapasigla sa mga tokenomics ng MetaDerby.

Pagbili ng MetaDerby NFTs

Ang MetaDerby Marketplace ay isang merkado ng NFT na nagbibigay-daan sa iyong bumili ng mga NFT tulad ng mga mystery box, kabayo, at kagamitan.

Ang mga NFT na ito ay nagbibigay sa mga manlalaro ng karagdagang mga pakinabang, na nagdaragdag ng mga pagkakataong manalo kapag nasa isang karera.

Dahil ang marketplace ng MetaDerby ay gumagamit ng HOOF bilang pera nito, kung gusto mong bumili ng mystery box, kabayo, o gears, kakailanganin mong kumuha ng HOOF mula sa isang DEX tulad ng TraderJoe.

Gayunpaman, kasalukuyang binibigyang-daan ka ng Coins Arcade na bumili ng mga NFT mula sa MetaDerby Marketplace na direktang babayaran sa balanse na mayroon ka sa iyong wallet.

Halimbawa, kung gusto mong bumili ng mystery box, papasok ka sa marketplace, at piliin ang mystery box.

Sa pagpili, lalabas ang isang pop-up na nangangailangan kumpirmahin ang iyong pagbili ng mystery box.

Dito, makikita mo ang agarang palitan mula sa HOOF papuntang PHP. Upang magpatuloy, maaari mong pindutin ang kumpirmahin at matatanggap mo ang iyong mystery box!

Simulan ang paglalaro ng MetaDerby sa Coins Arcade.

Mga Tagapagtatag ng MetaDerby

Sa loob ng maraming taon, si Karm ay isang masugid na gamer at pinamunuan pa niya ang kanyang sariling Axie Infinity guild. Kamakailan lamang, nagpasya siyang bumuo ng isang pangmatagalan at nakakatuwang proyekto na larong crypto. Na humantong sa kanyang pangunguna sa proyekto ng MetaDerby. Si Karm ay mayroon ding higit sa sampung taong karanasan bilang isang senior developer sa front-end at mobile app development. Siya ay dating teknikal na pinuno ng Binance US.

Mula noong 2017, naging aktibong mamumuhunan si Mike sa pre-sale at seed stage ng industriya ng cryptocurrency, na sumuporta ng higit sa 50 mga proyekto noong Marso 2019. Noong 2021, unang pumasok si Mike sa NFT at pinalawak ang kanyang hilig na isama ang mga larong crypto. Ang karanasan ni Mike ay nasa tradisyunal na pananalapi, partikular sa loob ng isang dekada ng kadalubhasaan sa negosyo ng pagsusugal sa casino bago siya pumasok sa mundo ng crypto.

Noong 2017, nagsimulang magtrabaho si Muse sa crypto bilang isang mamamahayag. Noong 2018, siya ay naging pandaigdigang PR manager para sa Binance. Simula sa unang bahagi ng 2020, pinangasiwaan ni Muse ang pagpapalawak at pagpapatakbo para sa pangunahing fiat-to-cryptocurrency na unit ng negosyo ng Binance, na dinadala ito mula zero hanggang dalawang milyong lingguhang aktibong customer sa panahong iyon.

Ano ang hinaharap ng MetaDerby?

Noong Marso 2022, matagumpay na nakalikom ang MetaDerby ng kabuuang $2.5M sa isang seed round na pinangunahan ng Ava Labs at Old Fashion Research, na naglalayong pondohan ang mga karagdagang pagpapaunlad sa laro.

Noong Oktubre 2022, inanunsyo ng MetaDerby ang bagong kakayahan nito na tinatawag na Social Race Mode, na nagpapahintulot sa mga manlalaro na magtanghal ng karera at makipagkumpitensya laban sa kanilang mga kaibigan. Ang mga mananalo sa mga karerang ito ay maaaring makakuha ng $HOOF token na ngayon ay kinakalakal sa TraderJoe.

Batay sa roadmap nito, malapit nang maranasan ng mga manlalaro ng MetaDerby ang mga karagdagang kakayahan ng laro, gaya ng larong kailangan ng diskarte, liquidity mining, at referral system.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.