Mga Importanteng Tandaan:
- Sa Coins Arcade, makaka-enjoy ang mga user ng Web2 at Web3 gaming. Makakalaro sila para makaipon ng mga token.
- Available na ito sa mga Coins.ph user, at madali lang para ka kanila na gumawa ng Coins Game Wallet sa app.
- Makakaipon ang mga user ng $HOOF token sa paglalaro ng MetaDerby, isang free-to-play, play-to-earn game sa Avalanche blockchain network.
Ngayong araw, excited kaming maglaunch ng Coins Arcade para maranasan ng mga user ang ultimate gaming. Sa Coins Arcade, may paraan ang mga user na kumita ng token sa paglalaro.
Welcome sa world ng Web3 gaming
Sa pagsikat ng Web3 gaming sa mundo, lalo na sa Southeast Asia, daan-daang bilyong dolyar ang halaga ng gaming sector ng buong mundo. Subalit, ilan lang ang yumaman sa industriya.
Pag-isipan natin – ano ang mapapala mo sa maraming oras na paglalaro ng World of Warcraft o Call of Duty? Sa karamihan sa atin, pang-aliwan lang ito o kaya bonding sa mga kaibigan. Sumasali ang ilan sa mga tournament kung saan may tsansang kumita (pero aminin natin, bihira lang makapanalo doon). May mga gaming guru rin na kumikita ng pera sa pag-livestream sa Twitch at mga ilan pang platform. Sa Web3 gaming, pwede nang kumita ang mga player sa paglalaro nila.
Coins Arcade: Gaming para sa lahat
Coins.ph gamers! Handa na ba kayong maglaro? 🎮
Sa huling ilang buwan, nakipag-partner kami sa Google Play para maitayo ang aming fiat-crypto bridge para sa mga everyday gamer at lifestyle user. Bilang parte ng aming mga hakbang upang palawakin ang gaming ecosystem, inilaunch namin ang Coins Arcade, kung saan makaka-enjoy ang mga user ng play-to-earn gaming.
Paano mag-play-to-earn sa Coins Arcade?
Madali lang magsimula. Pindutin lang ang Coins Arcade icon sa Coins app. Mag-aactivate agad ang iyong Game wallet.
- Step 1: Pumunta sa Coins wallet nila at pindutin ang Coins Arcade.
- Step 2: Sa Coins Arcade homepage, pindutin ang “Play” sa mga game na gusto nilang laruin.
- Step 3: Kung first time mo ito, ipo-prompt ka ng app na gumawa ng Game Wallet.
*Ingatan ang 6-digit-PIN nila dahil hindi ito mababawi ng Coins team kung nawala o nakalimutan.
*Tandaan po lamang na hindi available sa ngayon ang pagwi-withdraw ng mga token mula sa Game Wallet. Maabisuhan kung kailan namin iaanunsiyo ang bagong withdrawal feature sa aming mga social media channel.
💡 Para sa mas detalyadong gabay, magbasa rito.
Mga sinusuportahang game sa Coins Arcade
Sa Coins Arcade, mayroong MetaDerby, isang competitive free-to-play, play-to-earn horse-racing game sa Avalanche (AVAX) blockchain network. Makakaipon ng mga token ang mga manlalaro sa mga in-game features at activities, katulad ng pag-breed ng mga kabayo, karera, pag-host ng mga karera, pagbili ng lupa at iba pa.
💡 Para sa mas detalyadong gabay sa MetaDerby, magbasa rito.
Ano pa?
Ang MetaDerby ay una sa maraming laro na idaragdag sa Coins Arcade. Sa mga susunod na buwan, mae-enjoy niyo ang mga pinakamagandang Web2 at Web3 gaming titles direkta mula sa iyong Coins app.
Para sa mga negosyong interesadong mag-integrate ng Web2 at Web3 games sa Coins Arcade, pakikontak ang business@coins.ph.
Manatiling nakatutok sa app at i-follow kami sa Twitter, Instagram, TikTok at Instagram kung saan iaanunsiyo ang mga bagong laro at feature para sa aming mga Coins.ph gamers.
For English version, click here.
SUMALI SA AMING COINMUNITY
Makipagkonekta sa mga mahilig sa crypto katulad mo! Maging una sa nakakaalam sa aming mga balita at kampanya. Sali na sa:
- Discord: https://discord.io/coinscommunity
- Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
- Instagram: https://www.instagram.com/coinsph/
- Twitter: https://twitter.com/coinsph
- Telegram (Announcements): https://t.me/coinsph_announcements
- Telegram (Community): https://t.me/coinsphfilipino
- TikTok: https://www.tiktok.com/@coinsph_official
- YouTube: https://www.youtube.com/CoinsPh
SIMULAN ANG IYONG CRYPTO JOURNEY SA COINS.PH
Alinsunod ang Coins.ph sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ito ang pinakaunang blockchain-based company sa Asya na mayroong Virtual Currency at Electronic Money Issuer licenses mula sa isang central bank.
Mag-sign up sa Coins.ph ngayon para makapagsimula sa trading O i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang account nila, makakapag-convert sila ng PHP sa mga gusto nilang cryptocurrency.