4 na Yugto sa Siklo ng Crypto Market

TL;DR

  • May 4 na yugto sa siklo ng crypto market: Accumulation, Markup, Distribution, at Markdown.
  • Ang yugto ng akumulasyon ay ang simula ng isang bagong siklo ng merkado. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng kawalan ng katiyakan dahil ang ilang mga mamumuhunan ay maaaring mag-alinlangan pa ring pumasok sa merkado pagkatapos ng sobrang pagbaba ng presyo.
  • Ang yugto ng markup ay nailalarawan ng optimismo habang ang mga toro ay nananaig sa merkado.
  • Ang yugtong distribution ay nangyayari kapag ang mga toro at ang oso ay nasa balanse.
  • Kung mananalo ang oso sa yugto ng distribution, magsisimula ang yugto ng markdown. Ang bahaging ito ay karaniwang tinatawag na bear market.

Ang mga siklo ng merkado ay isang malawak na termino na tumutukoy sa mga pattern na lumilitaw sa iba't ibang mga merkado. Sa loob ng isang siklo, ang ilang asset ay hihigit sa halaga ng iba. Nangyayari ito dahil sa mga kaganapang macroeconomic o impluwensya ng mga investors sa merkado.

Karamihan sa mga cryptocurrencies (bukod sa mga stablecoin) ay dumadaan sa mga yugto ng isang siklo ng merkado, na nagpapahirap sa pagtukoy ng simula at pagtatapos ng bawat yugto. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa bawat yugto ay magbibigay sayo ng karagdagang kakayahan, na tumutulong upang makagawa ka ng mas mahusay na pagpapasya kung dapat ka nang sumali sa merkado o maghintay nalang muna.

Kaya, tingnan na natin ang apat na yugto ng merkado ng crypto!

Ang Yugto ng Akumulasyon (Accumulation Phase)

Ang yugto ng akumulasyon ay nangyayari sa simula ng bawat cycle. Nangyayari ito kapag lumisan na ang mga nagbebenta sa merkado at ang mga presyo ay matatag na. Sa yugtong ito, mas kaunti ang palitan kaysa karaniwan dahil ang mga mamumuhunan ay hindi pa ganon kalakas ang loob na pumasok ulit sa merkado. Dahil sa kakulangan ng isang malinaw na trend, ang presyo ng mga asset ay maliit lamang ang paggalaw.

Ang yugtong ito ay pinangungunahan ng takot, kawalan ng katiyakan, at pagdududa, na dahilan upang hindi masyadong gumawa ng aksyon ang mga namumuhunan at nagreresulta sa kaunting pagbabago ng presyo at kalakalan.

Sa yugto ng akumulasyon, madalas na tinatawag na consolidation, ay karaniwang nangyayari pagkatapos ng isang bear market. Kahit na ang presyo ng asset ay tila huminto sa pagbaba, ang mga mamumuhunan ay maaaring mag-alinlangan pa ring bumili sa oras na ito. Ngunit ang mga mamumuhunan na gustong panatilihin ang kanilang mga posisyon sa loob ng mahabang panahon ay tinitignan ang akumulasyon bilang simula ng isang bullish na kondisyon.

Para sa mga pangmatagalang hodlers, ang yugto ng accumulation o consolidation ay isang magandang panahon para mag-ipon at bilhin ang crypto na matagal na nilang gustong bilihin. Ang yugto ng akumulasyon ay maaaring tumagal ng ilang linggo, buwan, o kahit na taon, kaya, ang mga short-term traders na gustong kumita ng mabilis ay maaaring kailanganin ang konting pasensya upang hinatayin ang merkado na pumasok sa susunod na yugto.

Ang Yugto ng Pagtaas (Markup Phase)

Ang markup phase, na kilala rin bilang ang bull market, ay nailalarawan ng mabilis na pagtaas ng presyo. Dahil sa pagdagsa ng mga bagong mamimili at nagbebenta, kasama na ang dami ng kalakalan sa panahong ito, may posibilidad na tumaas nang husto ang presyo.

Bagama't ang pagtaas ng volume ay maaaring magpahiwatig ng pag-asa at positibong damdamin, maaaring magiging maingat pa rin ang mga mamumuhunan. Kasabay nito, habang tumataas ang dami ng kalakalan, ang mga presyo ng crypto ay magsisimulang tumaas.

Magpapakita ang mga chart ng higit pang mga berdeng kandila at pagtaas ng mga trend dahil nakakaramdam ng optimismo ang mga mamumuhunan habang nangingibabaw ang mga toro sa merkado. Dahil mas kitang-kita ang pagtaas ng presyo sa panahon ng markup, maaaring ito ay isang magandang pagkakataon para makapasok ang mga baguhan sa merkado.

Sa panahon ng markup, tinitignan ng mga mamumuhunan ang mga pagwawasto sa merkado bilang pagkakataon upang bumili sa halip na nakakabahalang palatandaan. Kahit na ang presyo ng isang asset ay karaniwang tumataas, maaari pa rin itong bumaba kung ang masamang balita tungkol sa asset na iyon ay lumabas sa publiko.

Ang Yugto ng Distribusyon (Distribution Phase)

Pagkatapos ng patuloy na pagtaas, magsisimulang lumiko ang ilang mamumuhunan at magsisimulang magbenta. Dito na darating ang yugto ng distribusyon sa merkado, kapag nagsimulang mabalanse ang demand at supply.

Ito ay nailalarawan ng malawakang takot dahil ang merkado ay umaasa sa isang matagal na panahon ng pagbaba ng presyo. Gayunpaman, maaaring mayroong mga optimistikong grupo na gustong magpatuloy sa pagbili sa pag-asang magpapatuloy ang kasalukuyang bull market.

Sa kabaligtaran, ang mga nagbebenta na nasa berde ay susubukang iligtas ang bahagi ng kanilang mga kita. Ang mga toro at oso ay magkasalungat ngayon dahil sa magkaibang perspektibo sa merkado. Sa kabila ng dami ng kalakalan, ang mga presyo ng asset ay maaaring manatili sa loob ng isang makitid na hanay hanggang ang alinman sa mga toro o mga oso ay sumuko.

Sa panahong ito, maaaring may pagbabago sa ugali sa merkado, mula sa optimismo hanggang sa kasakiman hanggang sa kawalan ng katiyakan. Maraming mamumuhunan ang mag-iisip kung ang kasalukuyang pagtaas ay magpapatuloy o kung ang isang bear market ay malapit na. Ang isang tipikal na tagapagpahiwatig na ginagamit ng mga analyst upang subaybayan ang pagbabagong ito sa sentimento sa merkado ay ang fear and greed index.

Ang pagtatapos ng isang bull market ay nakikilala sa hina ng kilos ng presyo, na humahantong sa yugto ng distribusyon. Kapag ang kahinaan ng presyo ang naramdaman, ang mga bagong mamumuhunan na gustong protektahan ang kanilang kapital ay maaaring magsimulang magbenta, na humahantong sa higit pang kahinaan at pagbaba ng presyo.

Ang Yugto ng Markdown (Markdown Phase)

Ang markdown phase ay ang pinakakinatatakutang panahon para sa mga mamumuhunan dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagsisimula ng isang bear market. Magsisimula ang panahong ito sa sandaling lumampas ang supply sa demand sa naunang yugto ng merkado.

Habang ang mga mangangalakal at mamumuhunan ay nagiging mas pesimistiko tungkol sa hinaharap, pinapataas nito ang lakas ng pagbebenta na maaaring gumawa ng kaakibat na reaksyon at nagiging sanhi ng pagbaba ng presyo sa antas na hindi pa nakita mula noong unang yugto ng markup.

Mula sa isang sikolohikal na pananaw, ang yugto ng markdown ay magsisimula kapag ang mga balita ay nagsimulang maglabas ng mga negatibong termino tulad ng "recession", "market crash", at "collapse", na nagdudulot ng pagkabalisa at takot sa buong merkado dahil sa hindi magandang kondisyon ng ekonomiya.

Gayunpaman, sa yugto ng markdown, maaaring kumita ang mga short sellers sa pamamagitan ng pagbebenta ng asset sa kasalukuyang presyo at muling pagbili nito sa mas mababang presyo sa hinaharap. Sa mga mahihirap na panahong ito, ang mga tao ay nagsasagawa ng mga karagdagang hakbang upang protektahan ang kanilang sarili mula sa mga pagkalugi, kaya kahit na ang mga positibong balita ay maaaring hindi makapagpataas sa presyo ng asset.

Ang mga panahon ng markdown ay mahirap, ngunit may pag-asa dahil hindi sila magpapatuloy magpakailanman. Karaniwan, nagsisimula ang isang bagong siklo ng merkado habang malapit nang matapos ang yugto ng markdown. Ibig sabihin, maaaring malapit na ang isa pang yugto ng markup.

Pagsasamantala sa Siklo ng Merkado ng Crypto

Aminin na natin! Ang cryptocurrency ay may malaking potensyal para sa pinagbabatayan nitong teknolohiya. Gayunpaman, bago pa lamang ito. Kahit na napakasimpleng unawain ang siklo ng merkado, mayroong ilang bahagi o mga salik sa kuwento na lalong nagpapahirap tukuyin ang kasalukuyang kalagayan ng merkado.

Dapat ding tandaan na ang mga siklo ng merkado ay hindi kinakailangang sumusunod sa isang pare-parehong pattern, at ang mga kalahok sa merkado ay karaniwang walang paraan upang malaman ito hanggang mangyari na ito.

Ang mga siklo ng merkado ay hindi maiiwasan, at lahat tayo ay umaasa na ang ating mga investment ay palaging tataas ang halaga. Ang isang paraan upang gawin ito ay ang muling pagsasaayos ng iyong portfolio paminsan-minsan upang matiyak na akma ito sa iyong kakayahan na tumanggap ng panganib.

Mararanasan pa rin ng mga cryptocurrencies ang kanilang natural na pag-agos sa kabila ng kasalukuyang yugto ng merkado. Ang mahalaga para sa mga mamumuhunan ay panatilihing kontrolado ang kanilang mga emosyon, patuloy na matuto, at laging tandaan ang mga fundamental na kaalaman.

Pagiging Ligtas sa Apat na Yugto ng Merkado

"Ang mga nakaraang resulta ay hindi nagpapahiwatig ng pangyayari sa hinaharap."

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang "lagpasan ang bagyo" ay ang mamuhunan sa pinagbabatayan na teknolohiya sa halip na ang presyo lamang ng isang asset. Maraming pangmatagalang mamumuhunan ang bumibili ng cryptocurrency na pinaniniwalaan nila at panghahawakan ito sa mahabang panahon, kaya, ang mga yugto ng merkado ay hindi mahalaga sa kanila dahil naniniwala sila na ang teknolohiya sa likod ng cryptocurrency ay mapapaganda at magkakaroon ng karagdagang kagamitan.

Kung ang mga proyekto ng cryptocurrency ay masyadong pabagu-bago para sa iyo, ang pamumuhunan sa mga stablecoin at staking sa mga protocol ng DeFi ay isa pang paraan upang makakuha ng karagdagang kita sa panahon ng bear market. Ito ay magpapalago sa iyong pera at po-protektahan din ang iyong pera mula sa inflation.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.


Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.