Gabay sa NFTs para sa Beginners: DYOR, Minting, at iba pa

Bago pasukin ang mundo ng NFT, dapat ito ay pag-aralan. Narito ang isang gabay kung paano mo ito magagawa.

Ang NFT ay Non-Fungible Tokens. Ang mga NFT ay mga natatanging digital items na nakaimbak at pinamamahalaan sa blockchain. Kapag bumili ka ng NFT, itinatala ng blockchain ang transaksyon sa isang hindi nababagong pampublikong listahan. Samakatuwid, awtomatiko itong nagsisilbing isang nabe-verify na deed of sale, na nagbibigay sa sayo ng lehitimong pagmamay-ari ng digital na item na ‘yon.

Maraming gamit ang teknolohiyang ito, kabilang na ang virtual reality, mga desentralisadong laro, eksklusibong membership, pagpreserba ng obra, at marami pang iba.

6 Ways to DYOR

Bago pasukin ang mundo ng NFT, dapat ito ay pag-aralan. Gumawa ng sarili mong pagsasaliksik sa proyekto ng NFT na gusto mong bilihin. Narito ang isang gabay kung paano mo ito magagawa.

1. Pumunta sa Website ng NFT

Marami kang makukuhang impormasyon sa website NFT. Kailangan mong magtanong ng dalawang pangunahing katanungan: Mukha ba itong legitimate, at marami bang ginagawa ang team sa proyektong ito? Ang mga website ng mas establisadong proyekto ng NFT ay karaniwang naglalaman ng roadmap at klarong plano kung paano ito magagawa.

Tip: Iwasan ang NFT projects na pinag-uusapan lang ang hype at guaranteed returns.

2. Sundan ang mga Founders/Creators

Ipagpalagay na ang mga tagapagtatag ng proyekto ay hindi anonymous, subukang hanapin sila at hanapin ang kanilang mga kredensyal. Karaniwan, ang mga tao sa likod ng isang proyekto ng NFT ay kinabibilangan ng mga software engineer, blockchain programmer, app developer, o crypto investors. Ang mga  proyekto ng NFT na nilikha ng mga propesyunal na tao ay mapapagkatiwalaan dahil nakataya ang pangalan ni dito. Mas maaasahan din sila pagdating sa pagpapaganda at pamamahala sa proyekto.

3. Suriin ang kanilang Discord Community

Ang Discord channel ng proyekto ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong klaseng komunidad ang meron ito. Bigyang-pansin ang pangkalahatang chat, at subukang unawain kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Ang Discord community ng NFT ay nilikha upang magbigay ng mga pinakabagong balita  sa mga interesadong investors at holders. Kung marami ang nag-uusap tungkol presyo, isa itong masamang senyales.

4. Makipag-ugnayan sa Kanilang Social Media Channels

Ang suporta ng mga tao ay isa sa pinakamalakas na puwersang nagtutulak upang lumaki ang isang proyekto. Bukod sa Discord, ang presensya ng proyekto social media ay may malaking papel sa pagtukoy sa halaga ng NFT. Kaya, upang maunawaan kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa isang proyekto, kailangan mong makipag-ugnayan sa mga social media channels nito, lalo na sa Twitter, Instagram, at Telegram.

5. Unawain ang Kanilang Roadmap

Ang mga malalaking proyekto ng NFT ay karaniwang may pangmatagalang plano, na may mahalagang papel sa pagpapataas ng presyo nito sa hinaharap. Ang roadmap ng proyekto ay dapat na may kasamang mga plano sa hinaharap, integrasyon, partnerships, upgrade, karagdagang features, staking, airdrops, iba pang gamit sa token, atbp. Kung hindi mo mahanap ang roadmap sa website ng proyekto, maaari mo ring subukang hingiin ito sa kanilang Discord channel.

6. Kalkulahin ang Supply-to-Holder Ratio

Ang on-chain metrics  ay magbibigay-daan sa iyo para matukoy mo ang ratio ng suplay at demand sa NFT, na makakapagpahiwatig kung ang proyekto ay magandang investment. Ang magandang senaryo ay kapag ang bilang ng mga may hawak ng NFT ay proporsyonal sa kabuuang supply ng mga items sa koleksyon. Halimbawa, ang average na supply-to-holder ratio na 2:1 ay nangangahulugan na ang presyo ng NFT ay hindi medaling manipulahin -- kumpara sa mga proyektong may mas kaunting mga may hawak ng NFT at mas maraming item sa koleksyon.

Paano Bumili ng NFTs:

Step 1: Gumawa ng Wallet para makabili at mag-store ng NFTs

Ang MetaMask ay isang libreng extension ng browser na nagsisilbing wallet para makapag-ugnayan ka sa Ethereum blockchain, kasama ang lahat ng mga desentralisadong app (dApps) na na konektado dito.

Ang mga NFT sa network ng Solana ay maaari lamang ilagay sa Phantom wallet.

Maaari mong gamitin ang MetaMask bilang isang plugin sa Chrome, Firefox, Brave, o Edge. Hindi pa ito available para sa Safari browser, ngunit mayroong iPhone at Android app para sa mga smartphones.

Ang MetaMask wallet ay nagbibigay-daan para ikaw ay makabili, makapag-imbak, makapag-padala, at tumanggap ng mga coins at token. Narito kung paano mo ito mada-download at magagamit:

  1. Pumunta sa website ng MetaMask.
  2. I-download at i-install ito sa iyong browser o smartphone.
  3. I-import ang iyong wallet o gumawa ng bago.
  4. Gumawa ng password.
  5. Itala ang iyong Secret Backup Phrase.

Step 2: Bumili ng ETH para i-transfer sa wallet

Bago mo magamit ang MetaMask, kailangan mong lagyan ito ng ETH para mabayaran ang NFT at gas fees. Makakabili ka ng ETH sa Coins.ph tapos kaya rin itong ma-transfer sa iyong MetaMask wallet.

PRO TIP: Depende sa traffic ng Ethereum network, maaaring tumaas ang gas fees sa anumang oras. Maaari mong subaybayan ito sa pamamagitan ng mga website tulad ng ETH Gas Station o Blocknative, at pumili ka ng oras kung kailan medyo mababa ang mga bayarin sa transaksyon.

Step 3: Go to an NFT Marketplace

Ang OpenSea ay ang pinakamalaking NFT marketplace ngayon. Magagamit mo ito sa iyong computer sa pamamagitan ng pagpunta sa website nito o pag-download sa app nito para sa iOS o Android.

Angkop sa pangalan nito, ang OpenSea ay may malawak na seleksyon ng mga digital na item. Bukod sa pagbili ng mga NFT, ang mga user ay maaari ding mag-mint, magbenta, at magpa-auction para sa kanilang sariling mga likhang NFT. Ang OpenSea ay libre. Gayunpaman, may fees na kinakaltas sa kahit anumang deal.

Ginagamit ng OpenSea ang blockchain para gumana. Gamit ang isang smart contract, anumang binibentang NFT ay maaaring ipares sa isang mamimili. Kapag ang dalawang partido ay sumang-ayon sa isang deal sa isang partikular na presyo, ang transaksyon ay magaganap nang sabay-sabay.

May 3 options pag bumibili ng NFTs sa Opensea:

  • Buy Now - bilhin ang NFT sa nakalistang presyo
  • Make an Offer – ilagay ang iyong alok na presyo sa nagbebenta, na maaari niyang tanggapin o hindi
  • On Auction – ang pinakamataas na bidder pagkatapos auction ang makakabili sa NFT

Kapag natupad na ang transaksyon, agad na lalabas ang NFT sa iyong wallet. Maaari mo itong tingnan sa ilalim ng profile ng iyong OpenSea account.

Paano Makasali sa Whitelist ng Isang Proyekto

Ang whitelist ay listahan ng mga paunang naaprubahang wallets na pwede bumili ng NFT bago pa man ipakilala ang NFT sa merkado. Pwede kang makareserba ng NFT bago pa man ito ilunsad o ilista sa marketplace. Sa panahong, ang pagsali sa whitelist ay maaaring magagarantiya ng reserbasyon para sa mint o kung minsan ay nagbibigay din ito ng pinababang presyo.

Bagama't marami pang ibang paraan, maaari kang makasali sa whitelist sa pamamagitan ng:

  • Paghahanap ng proyekto bago ang launch
  • Pagsali sa Discord community ng proyekto at pagiging aktibong miyembro
  • Pagsali sa mga whitelisting raffles sa Discord at Twitter

Get your crypto journey started

Coins.ph is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) and is the first ever blockchain-based company in Asia to hold both Virtual Currency and Electronic Money Issuer licenses from a central bank.

Sign up for a Coins.ph account now to start trading OR download the Coins.ph app. Once you have verified your account, you can convert PHP into the cryptocurrencies of your choice.

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.