5 Tips Para Maiwasan Ang Fake Online Sellers

Dahil sa pagsikat ng online shopping, dumami na rin ang mga bogus sellers. Tandaan ang 5 reminders na ito para maiwasan ang mga fake sellers
5 Tips Para Maiwasan Ang Fake Online Sellers

Dahil sa tumataas na demand para sa mga basic necessities at PPE, dumadami na rin ang mga bogus o fake online sellers. Kapag bibili online, siguraduhin na legitimate ang seller bago mag-order at mag-send ng payment.

Tandaan ang 5 reminders na ito para makaiwas sa mga fake online sellers:

1. Bumili lamang sa mga accredited at legitimate online stores

Kapag bibili ng mga produkto online, mas mainam na magtungo sa mga legitimate na plataporma kung saan na-verify ang mga stores na nagbebenta ng kanilang mga produkto. Piliin rin ang mga sellers na maraming positive feedback at reviews na may litrato ng mga delivered items.

2. Mag-check ng reviews at comments

Ang mga online reviews at comments ang isa sa pinakamalaking marka na mapagkakatiwalaan ang seller. Kung maraming negative feedback ang seller, mas mainam nang huwag bumili rito.

Tip: Maging alerto sa mga positive reviews na magkakamukha o mukhang spam dahil maaaring bot ito o ang sumulat ay ang seller rin mismo.

3. Humingi ng karagdagang mga detalye

Maging wais at humingi ng karagdagang mga detalye ng produkto. Kung blurred ang imahe ng produkto, o mukhang na-download lang ito online, humingi pa ng imahe ng ibang anggulo ng item upang ma-verify na on-hand ito.Maging suspicious kung ayaw nila magpadala ng ibang pictures ng order ninyo.

Ang mga hanap ng mga scammers ay mga mabilis ma-convince kaya maiksi ang pasensya nila sa mga karagdagang katanungan.

4. I-compare ang presyo sa SRP

Kung ang online seller ay nagbebenta ng item na masyadong mura o malayo sa original o sugggested retail price (SRP), maaring ito ay fake product o scam.

Ugaliing i-check muna ang SRP ng item at mag-compare ng iba't-ibang sellers bago gumawa ng desisyon.

5. Maging maingat sa mga bagong gawang accounts

I-verify kung sino ang seller ng isang bagong gawang account. Siguraduhin na siya ay mapagkakatiwalaan, lalo na kung nagbebenta siya ng mamahaling items tulad ng cellphone o alahas.

Tip: Para mas sigurado na mapagkakatiwalaan ang seller, bumili sa mga established at kilala nang mga online shops. Kung bibili sa mga apps tulad ng Lazada at Shopee, piliin ang mga sellers na nasa Lazmall o Shopee Mall para guaranteed authentic at trusted ang seller.

Ano ang dapat gawin kung may nakitang bogus o fake online seller?

Kung may nakitang fake online seller, i-report agad ito sa PNP Anti-Cybercrime group sa acg@pnp.gov.ph para hindi maka-biktima ng iba pang tao.

Kapag may nakitang fake online seller na ginagamit ang Coins.ph bilang payment option, i-report agad ito sa amin. Mag-email sa help@coins.ph o pindutin ang Send us a Message sa inyong Coins.ph app.

Maging alerto at magtulungan tayong panatiliin na safe at secure ang Coins Community!

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.