Sa mga panahong ito, kailangan maging alerto sa dumaraming fake news at online scams sa mga social media sites tulad ng Facebook. Ugaliing i-verify muna ang source ng mga nakikitang posts at 'wag madaling magtiwala sa mga nakukuhang PM lalo na kung hindi mo kilala ang sender.
Related: 3 Reminders to Help You Stay Safe Online
Maging wais at tandaan ang mga reminders na ito para malaman kung fake ang FB page o post at kung ang nakukuhang PM ay online scam:
Paano malalaman kung ang FB page ay fake?
May apat na siguradong signs na fake ang FB page:
- Bagong gawa ang page at konti lang ang likes at followers
- Puro spam at paulit-ulit ang mga posts
- Konti lang ang mga photos at videos
- Walang blue verified checkmark
Ang official Coins.ph Facebook page ay may “verified” check mark sa tabi ng pangalan na Coins.ph.
Related: 5 Ways to Spot a Fake Page on Social Media
Paano malalaman kung ang FB post ay fake?
Mag-ingat sa mga FB posts na nagsasabing ikaw ay nanalo ng premyo. Ito ang 4 na signs na fake post ito:
- Walang blue check mark sa tabi ng page name. Maaaring fake o unverified ang page na ito. Tandaan na may blue verified check mark ang official Coins.ph page
- Hindi makikita ang promo announcement sa official Coins.ph pages at app. Ang mga promos ng Coins.ph ay nakapost sa official Coins.ph FB page, blog at nakalagay sa Coins Wallet app.
- Pinapa-click ka ng link na hindi papunta sa https://coins.ph. Maaaring phishing link ito. Mag-log in lamang sa official at only recognized domain ng Coins.ph na https://coins.ph
- Nakalagay ang iyong private information. Importante ang iyong privacy para sa amin. Hindi namin isshare sa social media ang iyong personal Facebook profile at iba pang private information.
Related: How to Spot Phishing Sites
May nagsend sa akin ng PM. Pwede ko ba itong pagkatiwalaan?
Manatiling alerto kapag nakatanggap ka ng PM sa taong hindi mo kilala. Huwag agad magtiwala sa mga taong nagsasabi na siya ay galing sa Coins.ph. I-verify at i-report agad ang sender lalo na kung siya ay humingi ng iyong password, OTP codes, at iba pang mga personal information.
Tandaan: Ang Coins.ph ay magsesend lamang sa inyo ng message gamit ang help@coins.ph email address, Coins.ph Wallet app, at official Coins.ph FB page. Hindi hihingin ng Coins.ph ang iyong password o verification code sa pamamagitan ng email, text, o call.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakakita ng fake page/post o kung may natanggap na PM?
Kung nakatanggap ka ng suspicious na PM o nakakita ng online scam o fake Coins.ph pages, huwag magclick ng link at i-report agad ito sa amin. Mag-email sa help@coins.ph o pindutin ang Send us a Message sa inyong Coins.ph Wallet app.
Maging alert at magtulungan tayong panatiliin na safe at secure ang Coins Community!