Bakit may halaga ang memecoins at Paano ito mabibili?

Ang Meme Coins tulad ng Doge at SHIB ay nilukob ang mundo sa pamamagitan ng paglaki ng halaga na mayroong 88,886% at 10,390,371% ayon sa pagkakabanggit. Ngunit ano ang nagpapalaki sa halaga Meme Coins sa ganitong lebel?
Bakit may halaga ang memecoins at Paano ito mabibili?

Ang Meme Coins tulad ng Doge at SHIB ay nilukob ang mundo sa pamamagitan ng paglaki ng halaga na mayroong 88,886% at 10,390,371% ayon sa pagkakabanggit. Ngunit ano ang nagpapalaki sa halaga Meme Coins sa ganitong lebel?

TL;DR

  • Ang mga meme coins ay kamukha at gumagana tulad ng iba pang mga cryptocurrencies tulad ng Bitcoin o Ethereum, ngunit kadalasan ay nakabatay ang mga ito sa isang viral na pangyayari o nakakatawang ideya.
  • Ang Dogecoin (DOGE) ay ang una at pinakamalawak na ginagamit na meme cryptocurrency. Ang Shiba Inu Coin (SHIB) ay tinawag na "Dogecoin Killer," na naglalayong kumpitensyahin ang mga nagawa ng hinalinhan nito.
  • Ginagamit na ngayon ang DOGE at SHIB bilang pambayad sa mga online na tindahan, entertainment platform, sinehan, mobile application, at website.
  • Ang pinakamalaking panganib sa pangangalakal ng mga meme coins ay ang kaakibat na “hype” na umiiral dito na maaaring mapabilis ang pagkamatay nito at ang coin ay hindi maiiwasang makaranas ng sukdulang pagbaba ng halaga.

Ano ang mga meme coins?

Ang mga meme token ay isang kategorya ng mga cryptocurrencies na nilikha para sa mga nakakatawang layunin ngunit ang ilan sa mga meme coins na ito ay may aktwal na gamit, at nakakuha pa ng napakaraming taga suporta, na nagdala ng halaga ng ilang meme coins sa tuktok, na nagbibigay sa kanila ng market capitalization ng bilyun-bilyong dolyar, at nakakuha pa sila ng suporta mula sa mga sikat na personalidad.

Kahit na ang mataas na presyo ng token at market capitalization ay maaaring magbigay ng ilusyon na ang mga meme coins ay may halaga o function, ang karamihan sa mga meme token na ito ay binibili ng mga taong gustong sumali sa isang komunidad, binibili ang mga ito dahil nakakatuwa at nanghuhula lamang ng presyo nito para kumita.

Kung pagbabasehan ang teknolohiya, gumagana ang mga meme token gaya ng ibang mga cryptocurrencies tulad ng Bitcoin o Ethereum. Ang pinakamalaking pagkakaiba ay ang paglikha sa kanila ay karaniwang nakabatay sa iisang viral na pangyayari o nakakatawang ideya, at karamihan sa kanilang halaga ay nagmumula sa kung gaano kahusay ang pagpapalaganap ng ideyang iyon.

Ang Orihinal na Meme Token

Ang Dogecoin (DOGE) ay ang una at pinakamalawak na ginagamit na meme cryptocurrency. Ang DOGE ay binuo noong 2013 ng mga programmer ng software na sina Billy Markus at Jackson Palmer, at ipinangalan ito sa "doge" na Shiba Inu dog meme.

Sinasabi ng mga tagalikha ng DOGE na inimbento nila ang crypto bilang isang biro tungkol sa Bitcoin (BTC). Ipinagtapat din nila na sinadya itong imaling palatitikan ng salitang "dog" upang gawin itong tila lubos na nakakatawa.

Kahit na parang kakatawanan lamang, ang DOGEcoin, ay mabilis na sumikat dahil sa dedikadong komunidad nito, at nakakuha ito ng grupo ng tagasuporta na naging palatandaan ng mga meme crypto na sumunod dito.

Isa sa mga pinakamakasaysayang kaganapan na ginawa ng komunidad ay ang pagbibigay ng halos $30,000 sa Jamaican bobsled team para makapunta sila sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia. Kinuha ng mainstream media ang kuwento, na sa huli ay humantong sa mas maraming pondo at kasikatan.

"Pag-Endorso" mula sa mga kilalang personalidad

Dahil ang komunidad ng Dogecoins ay lumikha ng gamit para sa meme token, nakaakit ito ng mga kilalang tao tulad ni Elon Musk, na naging pinakamalaking taga suporta ng token. Si Musk ay sumusuporta sa Dogecoin sa mahabang panahon, lalo na sa pamamagitan ng kanyang mga nakakatawang tweet. Nagbiro pa si Musk tungkol sa pagiging "Dogefather" sa isang spoof sa Saturday Night Live. Ang suporta ni Musk ay nakatulong sa pagpapagalaw ng Dogecoin papuntang tuktok ng merkado na nagkakahalaga ng $88 bilyon noong Mayo 2021 at binansagang social phenomenon.

Ang tagumpay ng Dogecoin ay nagbigay daan para malikha ang iba pang mga meme token at sa ngayon ay mayroong higit sa 200 meme coins na sinusubukang kopyahin ang tagumpay na mayroon ang dogecoin.

Noong Agosto 2020 inilabas ang SHIB. Tinaguriang "Dogecoin killer", ang SHIB ay gumagamit ng parehong Shiba Inu na aso mula sa Dogecoin bilang logo nito. Ang kabuuang halaga ng SHIB ay tumaas mula $1 bilyon noong Oktubre 2020 hanggang $41 bilyon noong Oktubre 2021.

Sino ang tumatanggap ng Crypto na ito bilang bayad?

Sa kabila ng pagiging isang meme coin, ang mga negosyo at ilang kilalang brand ay nagsimulang tumanggap ng $DOGE at $SHIB bilang isang paraan ng pagbabayad:

Mga sinehan

Ang AMC Entertainment ang unang pangunahing kompanya ng sinehan na tumanggap ng $DOGE at $SHIB para sa mga pagbili ng ticket at F&B sa AMC Theatres.

Mga Online Store

Libu-libong online na tindahan, kumpanya sa pagpapadala, at kumpanya ng logistik, tulad ng Nordstrom, GameStop, Walmart, Newegg, at Whole Foods, ang tumatanggap ng $DOGE at $SHIB bilang bayad.

Aliwan

Kung madalas kang mag-Reddit o Twitch para maaliw sa mga artikulo o live-streaming, dalawa lang ito sa maraming nakakaaliw na website na tumatanggap ng DOGE at SHIB bilang bayad. Bilang karagdagan sa pagbabayad para sa mga subscription, maaaring gamitin ang DOGE at SHIB upang magbigay ng tip sa mga tagalikha!

Mga aplikasyon

Ang mga kumpanya ng software, mobile app, at website ay tumatanggap din ng mga meme coins bilang paraan ng pagbabayad, kasama rito ang ExpressVPN, NameCheap, at CryptostormVPN.

Transportasyon

Ang "Dogefather", si Elon Musk na nagmamay-ari ng Tesla ay tumatanggap na ngayon ng Dogecoin na bayad para sa ilang partikular na produkto ng Tesla, na lumilikha ng isang pagliko ng mga nagbebenta, kung saan ang mga kumpanya ay maaaring tumanggap ng mga cryptocurrencies bilang isang paraan ng pagbabayad.

Mga Panganib sa Pamumuhunan sa Meme Coins

Kapag namumuhunan sa mga meme coins, ang mga mangangalakal ay dapat gumawa ng mga karagdagang pag-iingat dahil tulad sa karamihan ng meme coins, napapataas ang mga presyo nila mula sa hype, at para sa marami, ang hype ay maaaring hindi tumagal na humahantong sa pagbabalewala ng token at mawalan ng halaga.

Sa panahon ng mga taglamig sa crypto o bear market, tulad noong 2021, maraming meme coin ang nakaranas ng pagbulusok ng presyo tulad ng Dogecoin na bumaba ng 60%, Shiba Inu na bumaba ng 64%, at marami pa ang bumaba sa zero at tuluyang inabandona.

Ang pagkilos ng presyo ng Meme Coins ay maaari talagang magpabagu-bago, siguraduhin lamang na alam mo ang mga panganib na kasama nito.

Bagama't namumukod-tangi ang Shiba Inu at Dogecoin bilang mga halimbawa ng matagumpay na proyekto, ang katotohanan ay ang karamihan sa mga meme coins ay maglalaho sa kalaunan dahil sa kakulangan ng layunin sa totoong mundo.

Dapat Ka Bang Mamuhunan sa Meme Coins?

Mula sa isang pang malawakang pananaw, kasalukuyang walang mga pag-unlad sa mga kaakibat na teknolohiya sa likod ng DOGE at SHIB, samakatuwid, ang mga pundamental na mga salik sa proyekto ay nangangailangan pa rin ng maraming pagpapa-unlad upang makaakit ng mga seryosong mamumuhunan.

Gayunpaman, kung ikaw ay isang teknikal na mangangalakal, maaari kang makakita ng maraming pagkakataon sa pangangalakal sa DOGE at SHIB. Bagama't ang mga cryptocurrencies na ito ay walang gaanong halaga kumpara sa kanilang mga katapat na blue chip, maaari mo pa ring samantalahin ang meme coin phenomenon —kung alam mo kung ano ang iyong ginagawa.

Sa pagtatapos ng araw, pinakamahusay pa rin na gawin ang iyong sariling pagsasaliksik at magsagawa ng angkop na pagsusumikap.

Paunawa: Ang mga impormasyon at mga publikasyon sa artikulong ito ay hindi nilalayong maging at magbigay ng payo sa pananalapi, payo sa investment, payo kalakalan, o iba pang payo o rekomendasyong inaalok o ineendorso ng Coins.

Simulan ang iyong paglalakbay sa crypto sa Coins.ph

Ang Coins.ph ay sumusunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ito ang kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng blockchain sa Asia na may parehong mga lisensya ng Virtual Currency at Electronic Money Issuer mula sa isang central bank.

Mag-sign up para gumawa ng Coins.ph account ngayon upang simulang mag-trade o i-download ang Coins.ph app. Kapag na-verify na ang iyong account, maaari mong i-convert ang PHP sa mga cryptocurrencies na iyong pipiliin.

Makakakuha ka ng P50 BTC kapag nag sign-up (with Level 2 verification) at pondohan ng P200 ang iyong coins wallet gamit ang promo code: coinsacademy

Mag sign up sa Coins pro at magsimulang magtrade ng paborito niyong Cryptos!

Sumali sa Coinmunity

Kumonekta sa mga katulad mong mahilig sa crypto! Maunang tumaggap ng mga mga balita at kampanya.

Sumali sa amin sa:

You've successfully subscribed to Coins Academy - Filipino
Great! Next, complete checkout to get full access to all premium content.
Error! Could not sign up. invalid link.
Welcome back! You've successfully signed in.
Error! Could not sign in. Please try again.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Error! Stripe checkout failed.
Success! Your billing info is updated.
Error! Billing info update failed.